Thirty Five. Nice Talking

4.8K 72 12
                                    

Daelan's POV

Karga-karga ko lang siya noon na parang bata habang umuulan..

 Hindi na siya nagsasalita. nakaakap lang siya sa akin..

Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na tong engot na babaeng dating kinaiinisan ko lang ay mamahalin ko ng ganito.

Akala ko noon okay lang kahit mawala siya, mas magiging payapa buhay ko kasi nakakagulo lang siya sakin, lagi na lang siya napapahamak at kargo ko pa siya palagi. Yun pala hindi.. Hahanap-hanapin ko rin pala yung kaengutan niya at yung pagiging maingay niya. Akala ko pabigat yung tingin ko sa kanya yun pala gusto ko siyang alagaan at protektahan.

Tinaboy ko siya palayo at sinisi kung bakit hindi ko magawa yung mga bagay na gusto ko. Masyado ko siyang nasaktan emotionally. Ginawa ko yun kasi naiisip ko na baka sa pagiging cold ko susuko siya.. Tama naman ako sumuko siya. Ang gago ko lang kasi nung sumuko siya doon ko lang narealize yung worth niya. 

Hindi siya Tanga, ako ang Tanga kasi nagawa ko siyang saktan sa kabila ng pagmamahal niya.

" Psyche?"

" Hmmm.." Yun lang yung sinagot niya..

" Psyche.."

" Baba mo na ko.." mahinang bulong niya.

" engot.." binitiwan ko siya. " okay ka lang?"

" Oo,"

Natumba-tumba pa siya. Tsss. 

Bigla akong kinabahan nung nakita ko yung mukha niya. Nagviviolet na yung labi niya at nanginginig sa lamig. Nakataas din yung isa niyang paa, bale isang paa lang yung nakaapak sa lupa.. May sugat din siya sa tuhod.

" Shit.. " binuhat ko siya ulit at pinasok sa kotse.

" Engot ka talaga sabi mo okay ka lang? " inupo ko siya doon sa harap. 

" Okay lang talaga ko." matamlay niyang sagot pero todo ngiti padin.

" Okay lang? Tsss. Ang engot engot mo talaga.. tignan mo yung labi mo halos magkulay talong ka na. tapos yung tuhod mo may sugat.. Yun ba yung okay?"

" Okay ako, masaya ko.. masayang masaya.." tapos nun pinikit niya yung mata niya.

" Engot ka talaga pero mahal kita.." bulong ko sa sarili.

Psyche's POV

" Engot ka talaga pero mahal kita.." kahit na sobrang hina nung pagkakasabi niya.. rinig na rinig parin yun ng puso.

Totoo kaya lahat ng to? Paggising ko ba bukas mahal niya parin ako? Valid lang ba to for one day? Parang Unli promo ng globe na akala mo Unlimited yun pala maeexpire din? 

Punong-puno ako ng doubts at what if's. Masaya ako ngayon pero hindi ko alam bukas. The fact na binigyan ko ng pagkakataon ang sarili kong mas mahalin siya uli, malamang binibigyan ko din ang sarili ko ng chance na mas masaktan.. 

Ewan ko kung tama o mali pero okay lang msaktan basta kasama ko siya..

Tumigil na kami sa harap ng mansyon. Tinanggal ko na yung seatbelt ko at bubuksan na sana yung pinto ng makitang nasa harap ko na siya...

" Wag kang tatayo, bubuhatin na kita.."

" Seryoso? ano bang nakain mo at --" binuhat niya ko na parang bagong kasal. Syete, puro buhat na lang yung ginawa.. Ginagawa niya kong bata.

" Sa pagkakaalam ko hindi ako baldado.. may paa ko at nakakalakad ako.."

hindi niya pinansin yung sinabi ko at nag tuloy-tuloy lang kami sa loob.

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now