CHAPTER 2

1.9K 97 6
                                    

RAINI

Unti-unting nagmulat ang mata ko. malabo pa ang paningin ko bago magmulat ng tuluyan ang mga mata ko. bumungad sa'kin ang puting kisame. natulala pa ako at inalala ang lahat ng nangyari. mabilis kong kinapa ang sarili ko, kinurot ko pa ang pisnge ko nang masiguro kong buhay pa ako dahil nahahawakan ko ang katawan ko.

Agad akong napabalikwas ng bangon. paano nangyaring buhay pa ako? kita ko kung gaano kalalim ang binagsakan ko at sure din ako na hindi ako nananaginip nang mangyari yon. malinaw pa sa'kin ang bawat detalye sa pangyayari.

"Gising ka na pala." agad akong napalingin sa babaeng nagsalita. nag-aayos siya ng medicine kung hindi ako nagkakamali nurse siya.

"Where am I?" pagtatanong ko.

"Nandito ka sa Infirmary ng Academy." nakangiting sagot niya.

"Academy?" naguguluhang tanong ko. lumibot naman ang paningin ko sa kabuo-an ng silid kung nasaan ako.

"Mystical Academy." nagtatakang sagot niya.

Mystical Academy? kung hindi ako nagkakamali ayon yung nabasa ko na nakasalin sa latin. yung painting sa Vintage Palace. yung sulat na hindi nakikita ni Shane.

"You're joking, right?" kinakabahan na ako sa susunod niyang i-sasagot.

"No. bakit naman ako magbibiro? si Clyde De Loughrey ang nagdala sa'yo dito. nakita ka niyang walang malay sa ibaba ng academy so he decided to take you here." pagpapaliwanag niya.

Walang malay? lang? wala man lang bali ng buto or dugo. walang malay lang?

"Ahm, thanks. can you show me the way to the Vintage Palace?" sigurado ako na hinahanap na ako ng Adviser namin at nag-aalala na si Shane.

"Vintage Palace? may ganoong lugar ba?" halatang naguguluhan siya at hindi alam ang lugar na tinutukoy ko.

Napatampal ako sa noo dahil hindi ko na alam ang gagawin.

"Nasaan ba talaga ako?" naiinis na wika ko.

"Nakalimutan mo agad?" gulat niyang tanong. napabuntong hininga nalang ako ang kailangan ko nalang ay lumabas sa silid na ito.

"Anyway, pwede ka ng makalabas wala ka namang sakit hinimatay ka lang sa pagod. paglabas mo diyan sa pinto may nag-aantay sa'yo, ihahatid ka niya papunta sa principal's office." wika niya. tumango nalang ako at hindi na nagtanong. maybe sa iba nalanc ako magtatanong.

At hinimatay sa pagod? that was not true. pagkabukas ko palang nang pinto ay naabutan ko ang isang magandang babae na kakatok sana sa pinto. ibinaba nito ang kamay na nakahinto sa ere, sumeryoso ang mukha niyang nakatingin sakin. tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Nice to meet you, young lady. I'm Rakki Javiera and I will take you to Mr. Themis he's waiting for you." hindi pa ako nakaka move on ay tumango nalang ako bilang sagot.

Nauna siya sa daan habang nasa likod niya naman ako nakasunod. hindi ako makapag tanong dahil mukhang masungit siya. iniisip ko palang na magtanong ay baka masigawan niya ako. saka ko lang napansin ang paligid nanlalaki ang mga mata kong inilibot ang paningin sa paligid. nakaawang ang mga labi sa ko sa sobrang gulat dahil ang lugar kung nasaan ako ngayon ay ang Vintage Palace.

Hindi ako makapaniwala na nakikita ko ito ngayon ng maayos at hindi luma. paanong hindi ko ito mamumukhaan, nakita ko ang kabuo-an nito sa painting. nasa palasyo ba ako ng Enchantadia? at paano ako napunta dito? nasa past ba ako? manghang-mangha ako sa mga nakikita ko dahil napakaganda nito akala ko ay nabubuhay lang ito sa mga movies, sa totoo buhay din pala. totoong buhay? hindi. nananaginip lang ako.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now