CHAPTER 5

1.4K 81 13
                                    

RAINI

Tatlong araw pa ang nakalipas unti-unti akong nasanay dito sa academy. isa rin sa ipinapasalamat ko sa loob ng tatlong araw hindi nagkasalubong ang landas namin ni Chalter. pero nakikita ko siya sa klase hindi lang namin pinapansin ang isa't isa. baka ini-enjoy ko lang ang mga nalalabi kong araw bago ang training kasama siya? nagpapansinan na kami ng slight ng mga kaibigan niya, nasasanay narin ako sa presensya ni Lennox na dikit ng dikit sakin para lang makipag chismisan. tatlong araw ang nagdaan at hindi ko nakita si Clyde napaka busy siguro ng tao na yon.

Kahapon lang ay nag-anunsyo si Mr. Themis na uuwi ang mga estudyante sa makalawa sa kanya kanya nilang mga bahay para bisitahin ang kanilang mga pamilya. dahil bukas na yon, hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil wala naman akong bahay dito. may nakalagay sa information ko kung saan ako nakatira pero ayaw ko nalang mag sayang ng oras para pumunta doon.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Ms. Vanadey na kakalabas lang ng office ni Mr. Themis may yakap itong tatlong piraso na libro. hindi ko mapagkakaila na bukod sa ang ganda nitong babae, sobrang ubod pa ng bait.

"Ms. Vanadey!" lumingon ito sakin isang marahan na ngiti ang ibinigay niya sa'kin. mabilis akong lumapit sa kanya.

"May kailangan ka ba, Raini?" nakangiting tanong nito.

"Required po ba na kailangan umuwi ng lahat ng estudyante bukas?" nangunot naman ang noo niya sa tanong ko. parang nag-iisip naman siya ng isasagot.

"Well...oo? bakit hindi mo ba na miss ang parents mo? kaya nga ito ginawa para magkaroon ng family bonding ang mga estudyante sa family nila dahil halos isang taon din silang hindi nakauwi sa mga pamilya nila." malumanay na sabi nito. mabilis akong nangapa ng sasabihin para makalusot.

"Pero five days pa lang po ako dito." pagpapalusot ko. napakagat ito sa labi na parang naghahanap ng sasabihin. parang kailangan talaga lahat ng estudyante umuwi.

"Tatanong ko kay Mr. Themis ha, tapos pupuntahan nalang kita sa dorm mo kapag nakausap ko na siya kung pwede ka mag stay sa dorm mo." wika niya.

"E, nakakahiya naman po. naabala ko pa po kayo." nahihiyang sabi ko, mukhang may gagawin pa naman siya. ngumiti lang siya at humawak ang isa niyang kamay sa balikat ko.

"No, it's okay. basta sasabihan nalang kita." tumango nalang ako sa sinabi nito.

"Sige, una na po ako mukhang may gagawin pa po kayo." tumango naman siya.

Tumalikod na ako at umalis. pinapasyal ko lang ang sarili ko sa buong academy dahil busy si Victoria at Hydra sa pag i-imapake ng mga gamit nila halos dalawang araw din silang mawawala kaya mukhang mami-miss ko sila agad lalo na't kung pwede ako mag stay sa condo mag-isa lang ako. walang maingay, tahimik paligid iniisip ko pa lang parang ang lungkot ng buhay ko sa loob ng dalawang araw.

"Raini!"

Napaikot nalang ang mga mata ko sa papalapit na si Lennox. as always mahal niya ang kulitin ako. nang tuluyan na itong makalapit ay pinatungan niya agad ng braso niya ang balikat ko. hobby niya yan, ang maging patungan ako.

"Alisin mo nga yang braso mo, akala mo ba magaan?" tumawa lang ito sa sinabi ko. adik talaga!

"Saan punta mo?" pagtatanong nito. simula na yan ng walang katapusan niyang pagtatanong.

"Diyan diyan lang." walang gana na sagot ko.

"Saan yung diyan diyan lang? mayroon ba non dito?" alam ko namang alam niya ang ibig kong sabihin. technique niya lang yan para humaba pa ang usapan.

"Ewan ko." maikling sagot ko.

"Hyst, mukhang wala akong mapagtripan bukas dahil uuwi ka." napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito. nilingon ko siyang malawak ang ngiti nito.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now