CHAPTER 32

1.1K 55 18
                                    

RAINI

Ginawaran ko ng masamang tingin si Treise na nakaupo sa harapan ko habang pilit na sinusubuan ng fries si Chalter. Para siyang manhid dahil hindi marunong makiramdam. Alam kong ramdam niya na ayaw siyang kasama ng mga kasama namin ngunit nagpumilit siya.

Kanina pa! ako dapat ang mauupo sa tabi ni Chalter ngunit inunahan niya ako. Para kaming naglalaro ng trip to jerusalem na halos itulak niya ako para lang agawan ng upuan.

Huli ko ang pagbaba ng adam's apple ni Chalter nang lingunin niya ako. Sa itsura niya mukha siyang kinakabahan sa reaksyon ko. Matamis ko siyang nginitian para iparating na ayus lang pero sa loob-loob ko gusto ko tirisin ang walang hiya babaeng nasa tabi niya.

Saan nakukuha ng babaeng ito ang kakapalan ng mukha?

Tahimik na kumakain ang lahat habang ako, halos mayupi ko na ang kutsara sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko.

"Epal moments." Rinig kong bulong ni Hydra sa kalagitnaan ng pagsubo niya.

Marahan na hinaplos ni Victoria ang aking braso. "Hindi ka ba nagugutom?"

Agad akong nagbaba ng tingin sa aking plato na hanggang ngayon wala parin bawas. Samantalang ang iba sa kanila ay patapos nang kumain.

"Ayus lang." Sagot ko nang hindi siya nililingon. Sinimulan ko nalang kumain kahit wala akong gana.

Sino ba naman kasi ang gaganahan kung ganito ang nasa harapan mo?

"Eh, ito Chalter tikman mo. dali! masarap 'to!" Magiliw na wika ni Treise habang pilit na inilalapit ang fried chicken sa bibig ng lalaki.

Hindi ko na yata nanguya ang kinakain ko at deretso ko nalang itong nalunok. Dinampot ko ang baso sa gilid ko nangangati ang kamay ko na isaboy iyon kay Treise ngunit nauwi nalang sa pag-inom.

"Can you have some respect, Treise?"

Napalingon kaming lahat kay Viorica. Matalim ang tingin nito sa babae hindi narin yata siya nakapagpigil at napagsalitaan niya na. Salamat naman sa napakahaba kong pasensya.

Salubong ang kilay ni Treise na parang naguguluhan.

"Why? I'm just being friendly." Sagot niya sa tonong wala siyang ginagawang masama.

"Miss there's a difference between being friendly and flirt."  Hinawakan ni Airlys ang braso ni Reeci dahil sa sinabi nito.

Hindi ko akalain na ganito sila ka-straight forward. Ako nga nag-aalanganin na komprontahin ang babae.

Natahimik kaming lahat sa table. Umamo ang mukha ni Treise para siyang pinagtutulungan sa itsura niya at malapit ng umiyak. Dumako ang tingin ko kay Chalter ngayon ko lang napagtanto na hindi niya inaalis ang tingin sa akin.

"Uh, Treise para kasing isang tao lang ang gusto mong kaibiganin." May diin na singit ni Lennox.

"Anong isa? H-huh? Ano ba kayo! lahat kayo gusto ko maging kaibigan." Lumingon siya sa akin. "Pinagseselosan mo ba ako Raini?" Paiyak na natanong niya.

Mabilis na napasulyap ako sa mga kasama namin, hinihintay ang sagot ko. Kaya naman pinilit kong ngumiti. Alam kong hindi ako magaling mag panggap halata naman siguro sa mukha napipilitan lang ako.

"Sa totoo lang may point si Lennox. You want to be friend with us pero ang buong atensyon mo na kay Chalter lang." Awkward kong sagot.

"No, that's not true!" Umiling siya at sinalpakan ng fries ang bibig ni Hydra.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon