CHAPTER 18

1.1K 70 17
                                    

Author's note: tinapos ko ito kahit masakit ulo ko dahil ayoko madismaya yung mga nagbabasa na wala akong update ngayon.

Thank you sa 10k reads na story na ito and thank you sa almost 400 followers sa wattpad. THANK YOU SO MUCH TALAGA!

Enjoy reading! -Eumi

RAINI

"But your daughter claims that his father is at work."

Tumigil yata ang pagtibok ng puso ko at sandaling humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. para akong masusuka sa sobrang kaba na nararamdaman ko. bakit ba naman kasi hindi ko tinandaan ang tungkol doon? tungkol sa tatay ko nakalimutan ko?

Malakas na tumawa ang nanay-nanayan ko. nawala ang ngisi sa mukha ni Mr. Themis at kami naman ni Chalter ay nagtatakang nakatingin sa kaniya.

Baliw ba itong fake mother ko?

"Totoo ang sinabi ni Raini." umuwang ang labi ko nang tumingin siya sa akin. "Nasa trabaho ang step father niya, ayun na ang kinikilala niyang ama sa loob ng pitong taon." Pinahid niya pa ang luha sa gilid ng mata niya. naluha kasi siya kanina sa sobrang tuwa niya.

"Ganoon ba?" Tumango ang fake mother ko.

"Well, bakit ba kayo napabisita dito? may nagawa ba ang anak ko na labag sa batas ng school kaya kayo nandito?" Umupo siya sa katapat naming sofa at bahagyang pinunasan ng basahan ang basang lamesa dahil sa ginawa ko kanina.

Kinuha ni Chalter ang isang baso ng juice at sumimsim doon. napatingin ako sa skirt ko na basa dahil sa pagbugha ko ng juice kanina. di' bale nalang sa school nalang ako magpapalit ng uniform may extra pa naman ako.

"Wala naman, sinamahan lang namin si Raini na bumisita dahil hindi siya nakauwi noong nakaraan." wika ni Mr. Themis.

At last, nawala narin ang kaba sa puso ko. solve na ang problema ko! nasolusyunan din ang pinag-ooverthink ko araw-araw.

"Ah mabuti naman kung ganoon." tumatangong sabi ni fake mother.

"Alam niyo naman siguro ang tungkol sa UADLS?"

Pareho kaming natigilan ni Chalter dahil hindi namin naintindihan ang sinabi ni Mr. Themis.

"UADLS?" nagtatakang pag-ulit ko sa sinabi ni Mr Themis. nilingon naman nila akong dalawa.

"Lumabas muna kayong dalawa." nakangiting wika sa akin ni Mama.

Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. ayaw kong umalis dahil curious ako tungkol sa UADLS. kainis naman, kakatapos ko lang ma-curious tungkol sa anak ni Demus may panibago na naman. ang dami niyo namang sekreto, ang damot niyo pa mag-share. gusto kong isigaw iyon sa kanila pero pinili ko nalang ang manahimik.

Tumayo na ako nang biglang tumayo si Chalter nagtitigan pa silang dalawa ni Mr. Themis. mukhang may nag-uusap sila gamit ang mata.

Sinubukan ko'ng pasukin ang isip ni Chalter ngunit sumakit lang ang ulo ko dahil parang nauntog sa isang malapad at matigas na pader ang utak ko. napaayos ako ng tayo nang tumingin sa akin si Chalter.

"Sa labas tayo." pagyaya sa akin ni Chalter at saka naunang naglakad.

Tumingin ako kay Mr. Themis. "Sa labas lang po kami." tinuro ko ang pinto gamit ang hinalalaking daliri.

"Sure." Tumango pa siya.

Pagkatapos kong marinig ang sagot niya dali-dali na akong sumunod kay Chalter na nasa labas. nakita ko siyang nakapamulsa sa gilid ng pinto nang makalabas ako.

"Ano na gagawin natin ngayon?" napabugha pa ako sa hangin habang hinahawakan ang dahon ng halaman sa gilid.

"Gusto mo ba pumasyal sa Alkemi?"

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon