CHAPTER 20

1K 76 18
                                    

RAINI

Lumipas ang limang araw hindi ko parin nakikitang pumapasok si Chalter sa klase. araw-araw kapag nasa classroom binabantayan ko yung pinto nagbabakasakali na pumasok siya. nagpapahinga parin siya hanggang ngayon. hindi pa daw kasi magaling ang mga sugat na natamo niya ayon sa narinig ko.

Kung pagtsismisan nga ako ng mga estudyante dito harap harapan. ipinaparinig talaga nila sa akin kung paano nila ako sisisihin sa nangyari kay Chalter.

"Hoy, ikaw ha! may ka-close ka na pala sa taga Class C." sinamaan ko ng tingin si Hydra nang sundutin niya ang tagiliran ko.

"Ang issue mo, kaya walang nagkakagusto sa'yo eh." lumaki ang mata niya.

Naglalakad kami patungo sa cafeteria dahil lunch break na. kakatapos lang ng klase namin kay Mr. Thompson.

"Foul yan, Raini! kabastusan ang tawag diyan." dinuro niya pa ako habang hindi makapaniwala ang muka niya.

"Totoo naman ah?" eka nga truth hurts.

Totoo naman din ang sinabi niya na nagiging close nga kami ni Draco. sumasama ako sa kaniya pag pumupunta siya sa gubat para bisitahin ang mga anak niya doon, which is yung mga hayop nga. I swear isa siyang magiging mabuting ama in the future. sa pamamaraan niya sa pag-aalaga ng mga hayop? the best talaga.

Lodi ko nga siya!

"Nandiyan si Marcus." may pagmamalaki pa sa boses niya.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya, ginaya niya naman ako.

"Si Marcus?" pag-uulit ko na paraan na parang hindi ako makapaniwala.

Kumunot ang noo niya. "Oo, bakit?"

Mahina akong tumawa. "Ayon, busy kay Chesca."

Hindi naman sa gusto ko siyang malungkot pero ayon talaga ang napapansin ko. laging magkasama si Marcus at Chesca kahit pagkakain ako sa cafeteria nakikita ko sila.

Hindi ko masisisi si Marcus, sa dami ba naman lalaki ni Hydra sinong lalaki ang magseseryoso dito?

"Sa totoo lang... " nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. "Ang weird ng feelings ko." kahit tumawa siya ramdam ko ang lungkot sa tawa niyang iyon.

"Anong weird?" hindi ko na kailangan mag tanong dahil alam ko naman na ang sagot. Iba parin kung sa kaniya mismo manggaling.

"Dito... " inilapat niya ang hintuturo sa dibdib kung nasaan ang puso niya.

"Oh, anong meron diyan?" sa katunayan masaya ako dahil natututo na siya kung paano magmahal kaso lang mukhang doon pa sa taong hindi siya mahal.

"Masakit. mabait si Marcus e, kahit sa kaunting oras nahulog ang loob ko sa kaniya." mapait na kwento niya.

"Ganoon talaga." tinapik ko pa nang marahan ang likod niya.

"Scary pala ma-fall." pareho kaming natawa sa sinabi niya.

"Ayus naman ba kayo nung huling pag-uusap niyo?" Tanong ko sa kaniya dahil imposible naman na walang rason para bigla nalang siyang iwan ni Marcus sa ere.

Nang lumihis ang tingin ko kay Hydra kita ko na naman ang mapanghusga na tingin ng ilang estudyante. mas mabuti pa ibinalik ko nalang ang tingin kay Hydra.

"Okay talaga kami. tapos ayon pag gising ko hindi niya na ako nilalapitan kasi abala na pala sa iba." Ngumiwi pa siya.

"Naniniwala ako na may dahilan si Marcus." wala naman kasi sa itsura ng lalaki na manloloko siya.

I forgot pala, looks can be deceiving.

"Ano naman dahilan niya para pandirian ako?" sarkastikong tumawa siya.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now