CHAPTER 8

1.3K 88 20
                                    

Author's note: gusto ko lang magpasalamat sa mga reader na nagbasa nitong Mystical Academy dahil naka 1.5k reads na ang story na ito sa loob lang ng 11 days hindi ko alam kung paano nangyari pero sobrang nagpapasalamat ako sa mga nagbabasa. sana hanggang sa huling kabanata na maisusulat ko dito ay nandiyan parin kayo. ^_^

RAINI

Hindi ko pinansin ang nakakapasong sinag ng araw na tumatama sa balat ko. sinubukan kong i-pokus ang isipan ko na palabasin ang kapangyarihan ko kahit tagaktak na ang pawis ko sa init. naramdaman kong gumapang ang enerhiya sa katawan ko napapikit ako ng mariin para kontrolin itong wag maglaho. nang tuluyan ng dumaloy ang enerhiya unti-unti na akong nagmulat na mata at nakita ko sa gitna ng kamay ko ang nakalutang na tubig naka hugis itong double helix.

Napatitig ako dito sa sobrang mangha hindi ako makapaniwala dahil napalabas ko ito. malawak ang ngiti na nilingon ko si Kuro Mesha ang dalawang kamay niya ay nasa likuran pero parang hindi naman siya masaya na nagawa ko ng palabasin ang power ko.

"Basic pa lang yan." seryosong wika nito. "Alam mo ba kung paano paglahuin yan?" dagdag pa nito.

Napatingin ako sa tubig na nakalutang parin sa pagitan ng dalawa kong kamay dahil hindi ko alam kung paano ito aalisin. lumingon ulit ako kay Kuro Mesha nakita ko siyang nakangisi.

"How?" agad naman siyang lumakad pa palapit sakin, nakatitig lang din siya sa tubig.

"Kung anong ginawa mo nung pinalabas mo yan, ganoon din ang gagawin mo para mawala yan basta kailangan mo lang ng pokus." paliwanag nito na agad kong naintindihan.

Huminga ako ng malamim bago pumikit. pinukos ko ang sarili ko na gusto ko itong mawala. pero wala akong nararamdaman kahit naka-pokus na ako sa ginagawa.

Kaya nagmulat na ako ng mata dahil sa akala kong walang nangyayari pero laking gulat ko na wala na ang tubig. nanlalaki ang matang nilingon ko si Kuro Mesha.

"Paano nangyari? wala naman akong naramdaman kanina?" nagtatakang tanong ko.

"Wala talagang pakiramdam yun. kung kanina ay nararamdaman mong may nilalabas na enerhiya ang katawan mo yon ay dahil nag release ka ng power mo kaya pag napapasobra sa release ng kapangyarihan nanghihina ang katawan pero hindi maibabalik ng naglahong kapangyarihan ang enerhiya na nailabas na ng katawan mo." namangha ako sa ipinaliwanag niya. ganun pala yon?

"Ngayon kaya ko ng magpalabas okey na yon?" napalakpak pa na sabi ko.

"Sabi ko diba basic palang yon. si Chalter ang trainor mo pag balik mo sa academy, walang awa ang isang yon panigurado iiyak ka nalang kahit pa sabihin natin na baguhan ka palang. kaya tinuturuan na kita ng mga basics para kahit papaano kung umiyak ka sa training mo atleast nilabanan mo siya." inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. alam ko naman na iiyak talaga ako hindi na kailangan ipaalam.

"Turuan moko ng mga pwedeng makatalo kay Chalter." matapang na sabi ko natawa ito na parang biro ang sinabi ko.

"Alam mo ba kung anong technique gagawin ni Chalter para matalo ka?" makahulugang sabi nito. pero interesado ako sa sinabi niya para malaman ko kung anong panlaban sa pwede kong ikatalo.

"Ngiti." maikling sagot nito.

Nang tumalikod ito. biglang nanlaki ang mata ko dahil ngayon lang nag sink-in sakin kung anong sinabi niya pinamulahan na naman ang mukha ko. napapadalas na ang pamumula ng mukha ko, allergic yata ako sa pangalan ni Chalter.

"Anong ngiti pinagsasasabi mo diyan?" asar na tanong ko.

"Wala akong maituturo sa'yo na makakatalo kay Chalter pero kaya kitang turuan para pumantay sa lebel niya ngayon. kung mahirap ka turuan hindi mo agad matutunan yon." wika niya habang umiikot sa limang matataas na bato na nakatayo sa paligid ko.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now