CHAPTER 35

721 29 8
                                    

A/N: Siguro sabado ang update ng chapter 36. THANK YOU!!!


RAINI

Ilang oras na yata kami naglalakad habang hinahanap ang origanong kulay itim. Nasa milicent forest kami ngayon dahil sabi ni Kuro Mesha dito namin matatagpuan ang kakaibang origano.

Kaniya-kaniya kami sa pagbubuklat ng mga halaman para maghanap. Tagaktak ang pawis ko dahil sa sobrang init. Sinasampal ko na yung dahon sa sobrang gigil ko. Frustrated na talaga ako sa totoo lang! hinahamon ng origanong iyon ang maikling pasensya ko.

"Chill." Natatawang wika ni Chalter.

"Paano ako magiging chill? Naiinis na talaga ako." Nakapamewang na hinarap ko siya.

"Oh fuck! Is that a fucking millipede?!"

Nahuli ko si Lennox na nagtatago sa likuran ni Airlys habang nakaturo ito sa kung saan.

"Millipede lang 'yan, Lennox. Ito naman parang hindi lalaki!" Wika ni Airlys habang iritadong hinahawi si Lennox paalis sa likuran niya.

"Hindi naman talaga lalaki yan." Dagdag ko pa.

"Anong hindi? Itanong mo nga kay Viorica 'yan." May pagmamalaki sa boses na sabi ni Lennox.

Napangiti nalang ako at muling ipinagpatuloy ang paghahanap sa itim na oregano. Hiling ko lang ay ang katahimikan at kapayapaan ng Mystical Academy. Kailan kaya darating ang araw na wala ng problema at magiging masaya nalang ang lahat. Hindi na ako makapag hintay na dumating ang araw na 'yon para sa amin.

Hinihingal na umupo ako sa isang higanteng ugat ng puno. Pinagmamasdan ko ang mga kasama ko na pagod narin aa paghahanap ng oreganong kulay itim. Habang si Chalter naman fresh parin para bang hindi siya marunong ma-haggard. Cool parin ang awra niya, seryoso lang mukha habang naghahanap. Si Lennox naman nakaguhit sa mukha niya ang pagrereklamo. At si Airlys naman...

Napabalikwas ako ng tayo sa kaba. "Lennox, nasaan si Airlys?!" Nagpapanic na pag-agaw ko sa atensyon nito.

Pareho silang napalingon ni Chalter sa akin at sabay din nilang inilibot ang mata sa paligid para hanapin si Airlys.

"Huh? Nasaan na 'yon? parang kanina lang katabi ko pa siya." Nagtatakang tanong ni Lennox habang tumitingin sa paligid.

"AIRLYS!" Sigaw ko sa pangalan nito baka sakaling nasa paligid lang siya.

"Don't shout." Pagpigil sa akin ni Chalter.

Nagtataka ko siyang tinignan. Anong don't shout? paano kung may kumuha kay Airlys o nasa panganib si Airlys? Kahit na gusto ko pang isigaw ang pangalan niya para hanapin ay pinigilan ko dahil inutos ni Chalter.

"Baka naman naghahanap parin?" Pagdadahilan ni Lennox.

Mabilis ako naglakad para lapitan siya at bigyan siya ng isang masakit na kurot sa tagiliran.

"Aray ko naman! Chalter oh!" Daing ni Lennox.

"Bakit naman kasi hinayaan mo mawala sa paningin mo si Airlys!" Hindi pa ako nakuntento at piningot ko naman ang tainga niya.

"Nasisi pa nga! Alangan naman kay Airlys lang ako nakatingin habang nagbubuklat ng mga oregano. Ang weird naman kung ganoon." Prinotektahan niya ang sarili nang akma ko na naman siyang kukurutin.

Alam ko naman na wala talaga siyang kasalanan pero nakaiirita talaga ako sa kaniya.

"Raini, relax mahahanap natin si Airlys." Hinawakan ni Chalter ang magkabilang balikat ko.

"Talagang dapat natin siya mahanap, Chalter." Sagot ko. Mabilis naman akong nakatanggap ng tango sa kaniya.

"Imbes na oreganong itim at kunehong mabagal na pink nalang ang hahanapin dumagdag pa talaga itong si Airlys." Idinaan ni Lennox sa pagbibiro kahit bakas naman sa boses niya ang pag-aalala.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWo Geschichten leben. Entdecke jetzt