CHAPTER 17

1.1K 75 9
                                    

RAINI

"Do you believe in one fake friend can do more damage than five enemies?"

Nakatingin lang ako sa nagsasalitang si Clyde at may isang paru-paro ang biglang dumapo sa balikat niya. pareho kami napatingin sa dito. kasalukuyan kaming nasa ilalim ng puno sa garden dahil niyaya ko siya na magkwentuhan kami. minsan ko lang kasi siya makita kaya naman agad ko siyang niyaya. gusto ko rin naman siya maka-bonding kahit minsan dahil isa rin siya sa mga itinuturing kong kaibigan, kahit minsan lang kami magkasalubong sa daan.

Nagbobonding kami ngayon ng karibal ni Chalter. natawa naman ako dahil sa naisip kong iyon.

"Anong ibig mo'ng sabihin?" pagtatanong ko sa kaniya. pabigla-bigla ba naman siya na nagsasabi ng ganun.

Huminga siya ng malalim. "Didn't I told you don't trust anyone arounds you, even your friends?"

"At bakit naman?" Tumaas ang isang kilay ko. "Kaya ko nga sila naging kaibigan kasi may tiwala ako sa kanila. matatawag mo ba na kaibigan ang isang tao kung wala kang tiwala sa kanila?" gusto niya pa yata ako maging loner katulad niya. ewan ko ba kung tamang definition yung loner kasi wala pa naman ako nakikita na kaibigan niya or ibang estudyante na nakakausap niya.

"That's why I hate soft hearted person." umiiling pa na wika niya saka inilipat ang paru-paro sa daliri niya.

"Sige nga, ipitin mo nga yung paru-paro gamit dalawa mong palad?" paghahamon ko sa kaniya.

"What?" tinignan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Hindi mo magawa?" Inipit ko ang buhok sa tenga dahil natatakpan na yung mukha ko sa sobrang lakas ng hangin.

"Of course! Why would I do that?" Inilayo niya pa sa akin yung daliri niya kung saan nakadapo yung paru-paro.

"Soft hearted ka naman pala e, edi hate mo sarili mo?" tumatawa pa na wika ko.

"Hindi ganoon ang ibig ko'ng sabihin-"

"Do you trust me?" pagputol ko sa sasabihin niya. ilang segundo pa siyang nakatulala sa akin.

"Of course, I trust you." mahina ang boses na sagot niya na ikinangiti ko naman.

"Then you ordered me that I shouldn't trust anyone even my friends?" pinaningkitan ko pa siya ng mata. ang gusto niyang gawin ko ay hindi niya rin pala magawa sa sarili niya.

"That's not what I mean-"

"What am I to you?" agad ko ulit na pagputol sa pagsasalita niya.

Napabuntong hininga siya. "Do you really want me to answer that? because I'm telling you, you wouldn't like my answer."

Nagkaroon ng katahamikan samin dalawa. dahil doon narinig ko ang bawat pagaspas ng halaman na hinanahangin. lumipad narin ang paru-paro na nakadapo sa daliri niya. agad ko siyang hinampas ng libro sa braso, napadaing tuloy siya dahil doon.

"Bakit ka nananakit?" nanlalaki pa ang mga mata niya.

"Wala. feel ko lang na hampasin ka." hinimas himas niya pa yung braso niya kung saan ko siya hinampas. Sus, ang arte ang hina lang naman nun.

"I can say, you are manipulative." umiiling na wika niya.

Ginawa kong hugis baril ang kamay ko at tinuro iyon sa kaniya. ipinikit ko pa ang isang mata para matamaan ko talaga ang gusto kong target.

"Phew! phew!" may lumabas na tubig sa dulo ng daliri ko. tumama ang dalawang butil ng tubig sa pisnge niya napapikit pa siya sa gulat at natawa rin kalaunan.

"Mukhang nagiging close kayo ni Chalter, huh?"

Napangiwi naman ako agad dahil sa narinig kong pangalan. "Hindi kami close. Sa attitude niyang iyon hindi kami magkakasundo."

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now