CHAPTER 14

1.1K 75 7
                                    

RAINI

"Wow, Raini! grabe bagay na bagay sa'yo ang ball gown mo."

Nakayuko ako dahil pinamulahan ako sa sinabi ni Victoria. habang nakaharap din ako sa salamin kanina tuwang-tuwa ako para sa sarili ko dahil bagay nga ito sa akin. halos hindi ko yata mamukhaan ang sarili ko kanina dahil sa ayos ko.

I smiled when I saw Hydra with her red ball gown samantalang ang kulay naman ng kay Victoria ay green na bumagay talaga sa balat niya, lalo tuloy lumabas ang kaputian ng balat niya dahil sa kulay ng suot niya.

"Ganda natin, huh!" wika ni Hydra nang makita niya ako sa reflection ng salamin.

"Ready kana pag-agawan ang braso mo mamaya?" napakunot pa ang noo ko sa sinabi ni Victoria.

"Asa naman."

Naglakad ako palapit kay Hydra. tumabi ako sa kaniya para makita ko kung ayos lang ba ang buhok ko. napangiti ako nang makita ang sarili sa salamin. hindi ko talaga akalain na makakaranas din ako ng ganito sa buong buhay ko ng libre. sa ayos kong ito, wala akong binayaran dito.

Akala ko pa kanina kami narin ang mag-aayos sa mga sarili namin. pero laking gulat namin kanina na may kumatok sa dorm at sila daw ang stylist at mag make over sa amin. how lucky I am? pinagsisihan ko na talaga na itinuring kong sumpa ang power na mayroon ako.

Kung normal akong tao, wala ako dito.

"Nginingiti mo diyan? porket date mo si Chalter natututo ka ng mag-yabang?" wika ni Hydra.

"Hindi ko in-expect yon." inirapan ko pa siya.

Naalala ko na naman ang araw na'yon two days ago. halos hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil nasa harapan ko si Chalter. bumabalik na naman yata ako sa pagiging kabado pag kaharap ang lalaking iyon.

Hindi ko talaga akalain na siya ang magiging date ko ngayong araw dahil sa kagagawan ni Lennox. kung alam ko lang hindi ko na tinanggap ang tulong na in-offer nila ni Reeci. hiyang-hiya din ako noong araw na'yon dahil ramdam ko ang talim ng tingin sa akin ni Chalter, tagos buto ko na yata.

Nung si Sorcha na ang sumigaw si Clyde ang lumabas sa building ng boys dorm. nanghinayang pa ako dahil pwede naman si Clyde ang mabunot ko, sana pala ako nalang ang unang bumunot. pero sa tingin ko nakatulong pa ako dahil alam kong masaya si Sorcha na si Clyde ang date niya knowing their love triangle story.

Kaya siguro masama ang tingin sa akin ni Chalter noong panahon na yon dahil nanghihinayang din siya kung bakit hindi nalang si Sorcha ang date niya.

"Kinakabahan ako." mahinang wika ko.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Hydra sa tabi ko.

"Syempre si Chalter yon."

"Ano naman ngayon?" gulat na tanong niya pa.

"Anong ano naman ngayon? sure ka diyan sa tanong mong yan?" si Chalter yon!

"Well, kung ako nasa posisyon mo kakabahan din naman ako." natatawang sagot niya.

Nadagdagan lang ang kaba na nararamdaman ko dahil sa isinagot niya.

"Mabait naman sa'yo si Chalter di'ba?" gulat na nilingon ko si Victoria sa likuran. nasa kama ito at nagsusuot ng heels niya.

"Anong mabait? kailan?" hindi makapaniwalang sabi ko. palagi ngang harsh sa akin si Chalter asan ang mabait doon? hindi ko makita.

"Huminahon ka nga, Raini. para hindi siya magalit sa'yo kailangan mo lang maging maganda sa mga mata niya. pag nangyari yon matatameme yon, hindi ka na niya aawayin." wika ni Hydra.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now