CHAPTER 3

1.7K 100 12
                                    

RAINI

"Grabe ang sarap naman nito!" pumapalakpak si Hydra nang matikman niya yung sardinas.

Narinig ko kasi ang pagtunog ng tiyan ni Hydra kanina mukhang nagutom siya sa klase nila. nagyaya siya na pumunta sa cafeteria kaso tumanggi si Victoria dahil nagsasawa na siya sa pagkain doon. sayang naman at gusto kong makita ang cafeteria. buti nalang nasa bag ko pa ang anim na iba't ibang klase ng delata.

Yes, de lata!

Yun ang baon ko sa field trip marami pa nga akong ibang dalang pagkain. pero hindi ko na nilabas, kinuha ko lang yung sardines at buti may kanin sila dito sa dorm. nagtaka pa nga sila nang makita yung sardinas bago lang daw sa paningin nila. kasalukuyan, nakain kami sa pabilog na lamesa. sapat na ang isang sardinas sa'min tatlo dahil katulad ko mahihina rin kumain yung dalawa.

"Siguro ang expensive nito noh? sarap talaga grabe!" siya lang ang maingay sa'min tatlo. expensive? twenty pesos?

"Hindi naman. mukhang mas mahahalin pa nga yung pagkain niyo sa cafeteria." wika ko.

Umiling naman si Victoria habang nakain.

"Noong unang tungtong namin dito tuwang-tuwa kami sa pagkain, habang tumatagal paulit-ulit nalang nakakasawa sobra." wika niya bago sumubo ulit ng kanin.

"Parang hindi nakakasawang kainin ang isang to!" ang lakas talaga ng boses ni Hydra kanina pa siya kuda ng kuda habang nakain buti at hindi siya nabubulunan.

Kung alam lang nila sa mundo ko, sawang sawa na ang mga tao sa sardinas.

"Meron ka pa?" mabilis akong umiling kay Victoria. tinitipid ko yun ngayon dahil wala naman sardinas dito, mahirap na paborito ko pa naman ang mga de-lata.

"Siya nga pala, when did you discovered your power?" buti nalang at naintidihan ko ang sinabi ni Hydra, puno kasi ang bibig niya ng kanin.

Agad ko namang inalala kung paano nga ba.

"When I was five years old back then, nagkaroon kami ng family bonding ng mama at papa ko malapit sa ilog. habang abala si Mama at Papa nun nagpaalam ako na pupunta ako malapit sa ilog, actually hindi ako pinayagan pero dahil matigas ang ulo ko, pumunta parin ako. tas nakakita ako ng puppy na nahulog sa gilid, dahil malakas ang agos ng tubig mabilis na tinangay yung puppy hinabol ko pilit ko siyang inaabot hanggang sa nadulas ako. nag-panic ako dahil ang lalim ng ilog nagpagaspas lang yung kamay ko sa tubig, pinipilit kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil sa malakas na agos ng tubig. unti-unti akong nawawalan ng hininga, unti-unti akong lumulubog. isa lang yung nasa isip ko nung time na yon gusto ko maligtas, tas bigla nalang umangat ako sa tubig tas parang tinutulak ako ng tubig sa gilid hanggang sa makapunta ako sa damuhan. ayon, tapos sunod sunod na ang pangyayari na parang naiintindihan ako ng tubig, doon ko nalaman." mahabang kwento ko. they are slowly nodded.

"Ganoon nga siguro kapag nasa binggit ka ng kamatayan kusang nagigising yung kapangyarihan na nasa loob mo para i-ligtas ka." wika ni Victoria.

"True." pagsang-ayon naman ni Hydra.

"Bilisan na natin kumain, para ma-ilibot ka namin sa academy." nakaramdam naman ako ng excitement sa sinabi ni Victoria kaya binilisan ko na ang pagkain.

Hindi ko parin maiwasan na hindi isipin na nananaginip ako. baka naman na-coma ako dahil sa lalim ng pagkakabagsak ko kaya ako nandito ngayon? napasulyap pa ako sa singsing na suot ko. naalala ko pa kung paano may lumabas na malakas na enerhiya mula dito, naglabas ito ng isang nakakasilaw na liwanag bago ako nawalan ng malay. hindi ko rin maiwasang isipin kung anong kinalaman ni Mama dito, mula sa pagtatanong niya tungkol sa singsing, sa information na nakasulat sa papel na ibinigay niya.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now