CHAPTER 23

1.2K 65 51
                                    

N/A: sorry na huwag na kayong magtampo! gagraduate din ako sa april 29 kaya makakapag update din siguro ako ng madalas. matapos lang talaga tong mga gagawin para sa school.

RAINI

"Today is our exam. Ngayon ko makikita kung may pagbabago ba sa mga ability niyo, kung nag improve ba o hindi."

Nakatuon ang atensyon ng lahat sa nagsasalitang si Mr. Styx sa unahan. kinakabahan na ang lahat dahil baka sila ang mapili ni Mr. Styx na makipag laban ngayon. kahit ako tahimik lang pero lihim na napapalunok dahil kinakabahan din naman kasi ako. hindi naman porket nako-kontrol ko na ang ability ko ibig sabihin ay magaling na nga ako.

Bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang pagkabalisa sa sobrang kaba na nararamdaman. lalo na't kung sa mga elemental users ka itatapat, dasal nalang talaga panlaban mo para mabuhay. tumingin ako gilid ko kung saan nakaupo si Hydra. nakatungo ang ulo niya sa desk at mukhang nagsisimula ng magdasal?

"Mr. Styx, may chance po ba na makalaban namin ang mga elemental users kahit sub elements lang ang mayroon kami?"

"At Mr. Styx hindi po malakas ang ability na meron ang mga katulad namin na sub elements lang." saad ng mga kaklase ko.

I'm agree. Hindi ko rin naman bet ang makipag laban sa mga sub elements. parang walang thrill para sa akin, yung mga gusto ko na makalaban yung mga katulad ni Chalter. parang ang lakas maka life and death situation pag siya ang nakalaban mo. pwede rin naman yung mga may kakayahan na gumaya ng powers tulad nung Mirk at si Clyde.

"Don't worry class. Sub vs Sub. Elemental vs. Elemental." wika ni Mr. Styx habang inililibot ang tingin sa kabuoan ng klase.

Yown!

Napapikit pa ako at bahagyang napasuntok sa hangin sa sobrang tuwa. Gumaan din ang pakiramdam ng ibang estudyante dahil sa sinabi ni Mr. Styx.

"Saya mo ah!" narinig ko ang mahinhin na tawa ni Victoria sa tabi ko.

"Kabado talaga ako." sabay kindat sa kaniya.

"Raini!" Lumingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang pagtawag ni Lennox sa akin.

Nang makita ko ang pagmumukha niya nabadtrip agad ako. mukha ni Lennox ang hindi mo gugustuhin makita sa umaga. dahil badtrip agad ang una mo'ng mararamdaman.

"Oh, Bakit?!" pagsusungit ko habang nakataas ang isang kilay.

"Can't wait makalaban ka!" halata sa mukha niya na excited siya.

"Not gonna happen. bigwasan lang kita, bagsak ka." Hindi ko na pinansin ang pagtawa niya at ibinalik ko nalang ang atensyon sa unahan.

"But Class..." Mr. Styx spoke again. "Because of your reactions, I'll think about it." he smirked.

Trip mo kami, Sir? mukha ba kaming nakikipagbiruan?

"Are we joke to you, Zeeeer?!" Angal ni Hydra.

"Well, mukhang hindi ko makikita ang improvements sainyo dahil takot kayo sa Elemental users? nakapag desisyon na ako. Halo ang makakalaban niyo." pinal na wika ni Mr. Styx.

"Mr. Styx—"

"Okay, here's our schedule today!" binuksan ni Mr. Styx ang libro sa harapan niya.

Hindi na naituloy ng babae kong kaklase ang sasabihin niya dahil sa pagputol ni Mr. Styx na mukhang ayaw na makarinig nang anuman pagtutol mula sa amin.

"Today we're going to battle field with all of your teachers including Mr. Themis." mabilis na isinara ni Mr. Themis ang libro at lumingon sa gawi ni Airlys. "Air user vs. Water user."

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now