CHAPTER 24

975 64 13
                                    

Authors's Note: Sorry na! wag na kayo galit! HAHAHAHAHAHHAHAHA ginanahan ako mag UD dahil may someone na nagpost sa board ko na mag update.

RAINI

"Gusto ko nalang mangarap ng mangarap. nakakatamad ba naman kumilos, gusto ko malamangan ang skills ni Chalter pero tinatamad ako mag ensayo." Reklamo ko.

Lalo akong tinatamad dahil sa pwesto ko. nakahiga ako sa isang malaking ugat ng puno habang humahampas sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. ang sarap lang matulog. ang chill nang paligid parang natanggal lahat ng isipin ko dahil sa ganda ng tanawin.

"No bird can fly without opening its wings." Lumingon ako sa nagsalitang si Draco. Lumipad paalis ang isang ibon na nakadapo kanina sa balikat niya.

"Sermon ba iyan?" pinagtaasan ko siya ng isang kilay.

"Pangaral lamang iyon, Raini." nakangiting wika niya.

Ang ginoo naman nang isang ito, okay lang bagay naman sa itsura niya ang maginoo. Lumipat ang tingin ko sa tigre na payapang nakahiga sa lupa. mukhang gusto yata magpalambing kay Draco. may gusto siguro sa kanya lahat ng babaeng hayop dito.

"Mukhang lapit kayo ni Chalter sa isa't isa." biglang tanong niya habang hinahaplos ang ulo ng tigre.

"Slight lang, P.I.C kasi kami." pagmamalaki ko.

"P.I.C?" sa uri ng reaksyon niya parang ngayon niya lang narinig iyon.

"P.I.C! Partner In Crime!" pagpapaliwanag ko. tinignan ko pa siya sa paraan na hindi ako makapaniwala.

"Really? ibig sabihin may mga secrets kayo na tanging kayong dalawa lang ang nakakaalam?" Nakangisi na tanong niya.

Napanguso naman ako at napatingala, iniiisip ang tungkol sa tanong niya. may secrets ba kami dalawa ni Chalter parang wala naman maliban sa crystal, dahil magbe-benifit naman siya doon. pero secret ko na binunyag ko kay Chalter? wait, iniisip ko pa.

"Wala naman." napakamot nalang ako sa pisnge.

"Paano naman kayo naging partner in crime?" Tanong niya na naman.

"Ewan ko nga ba, mema sabi ko lang siguro." walang kwentang sagot ko para lang matapos na ang katanungan niya.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa malaking ugat ng puno. Tumayo na ako nagsimulang maglakad papalapit sa ilog. Napakalinis non, parang kumikinang sa linaw ang tubig. Kitang kita ko ang malinaw na repleksyon ko para lang akong nananalamin. Kitang kita ko rin ang kung anong nasa ilalim ng ilog dahil sa linis nito.

Napangiti ako nang makita ang iba't ibang kulay ng mga isda sa ilalim. Wala bang tilapia dito? bangus? kahit galunggong nalang sana?

Napatingala ako dahil sa malakas na ungol mula sa kalangitan. Isang malaking dragon ang masayang lumilipad sa himpapawid. Paikot-ikot lang siya at paulit-ulit na nagbubuga ng apoy sa ere. Pangarap ko makasay sa dragon! pero hindi nalang pala dahil attitude sa akin ang dragon.

Isang buga niya lang sa akin ng apoy, wala na! wala na akong pag-asang lumandi sa buhay.

"Iyan ang ilog pagmamahal." Bigla nalang sambit ni Draco.

Nasa likuran ko na pala siya, hindi ko man lang napansin.

"Pagmamahal ang pangalan ng ilog na ito? ang weird." Pag naligo ba ako dito mararamdaman ko na kamahal-mahal ako? magiging sapat na ba ako? na worth it ako?

"May history kasi kung bakit Ilog pagmamahal ang ipinangalan sa ilog." Sagot ni Draco.

Napatitig ako sa kaniya na seryosong nakatingin sa ilog.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora