CHAPTER 25

968 60 19
                                    

A/N: My goal is bago sana ko magcollege at mastress sa buhay college e, matapos ko itong story na ito! Goal ko din na bago sana mag aniv itong MA ay maka abot ako ng 32 chaps!

Hello sayo Miss Mynameismicahhh! sa simpleng pag post mo sa board ko malaking bagay na iyon para sa akin. nagsilbing encourage sa akin iyon para makapag update! thank you! <3

Special mention din kay
CyrilDawn9 jianlauren Ro_Nah marijisoo18 efrievirgines Thank you rin sa inyo!! <3

KURO MESHA

Napapikit ako nang mariin habang pigil ang hiningang nagtatago sa isang makapal na katawan ng puno. Mabilis na nagtaas-baba ang aking dibdib dahil sa pagkahingal. Ngunit kahit ganoon ginawa ko parin ang lahat para huwag makagawa ng kahit anong ingay.

Hindi ko alam kung kanino ang mga tauhan na humahabol sa akin at kung ano ang pakay nila. Mabuti at mabilis na nakatakas agad ako sa bahay. Kaninang umaga palang ramdam ko na may darating sa bahay. Masama ang kutob ko sa mga darating at tama nga ako.

"Hanapin niyo siya!" Rinig ko na sambit ng isang lalaki.

"Dito kami at doon naman kayo." Rinig ko na utos sa kanila ng isa pang lalaki.

"Huwag niyong patayin, inihabilin ni Demus na buhay natin na ihaharap ang matanda sa kaniya." Wika ng isa pang lalaki na sa tingin ko ay pinuno nila.

Isiniwang ko ang ulo sa gilid ng puno para silipin sila. Marami sila at hindi ko maaninag ang mga mukha dahil nakasuot ang mga ito ng black cloak. Tanging ang mga bibig lang nila ang makikita. Ang iba sa kanila may dalang palaso at ang iba naman ay espada.

Lumingon sa direksyon ko ang isa sa kanila. Mabilis na ibinalik ko ang ulo sa pagkakatago. Napapikit ako ng mariin at isinandal ang ulo sa katawan ng puno.

Nakakapagtaka na hinahanap ako ni Demus. Paano niya ako nakilala gayong pribado ang pamumuhay ko. Siguro dahil narin sa alam niyang marami akong nalalaman tungkol sa Mystical Academy. Hindi ko man alam kung anong binabalak niya. Ngunit hinihiling ko na sana hindi sila magkita ni Ursula.

Nang masigurado ko na wala na sila. Agad-agad akong lumabas sa pinagtataguan. Luminga-linga pa ako sa paligid para lang makasigurado. Matanda na nga ako, ngunit hindi pa ito ang tamang oras para mamamatay.

Tatakbo na sana ako sa kaliwang bahagi kung saan walang tauhan si Demus. Bago pa ako makatakbo, isang babaeng naka red cloak ang biglang sumulpot sa aking harapan. Nanlalaki ang mga mata na humakbang ako paatras.

Tanaw ko ang magandang labi niya. Iyon lang ang makikita mo sa kaniya dahil hanggang ilong ay natatakpan ng balabal niya. Maalon ang kulay abo nitong buhok na umaabot hanggang bewang. Tumigil ako sa pag-atras nang maalala ko kung sino siya.

"Sumama ka sa akin." Malamig ang boses na utos niya.

"P-paano ka nakabalik?" Nautal pa ako dahil sa kaba na namumuo sa dibdib ko.

Paano siya nakabalik gayong sira ang portal patungo sa mundo ng mga normal na tao?

"Baka nakakalimutan mo kung sino ako? Magpapakilala ba ako ulit?" Nakita ko ang nakakapangilabot na ngisi sa labi niya.

Agad akong umiling. "H-Hindi na kailangan!"

"Ang portal ay para lang sa inyo, hindi para sa akin." Nagbago ang paligid pagkatapos niyang magsalita. Sa isang iglap lang, nasa isang bahay kami na hindi ako pamilyar.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now