CHAPTER 19

1.1K 70 17
                                    

Author's note: tambak ako ng school works habang sinusulat ko ito nagawa ako ng Thesis at Module. gusto ko umiyak sa stress! hindi ko alam kung ano uunahin ko.

(Naglabas lang ng sama ng loob haha.)

RAINI

"Raini, kumalma ka!"

Tumigil ako paglalakad at sinamaan ko ng tingin si Viorica. paano naman kasi ako kakalma kinulong nila ako dito sa kwarto? tapos may kung anong ginawa pa si Ms. Rakki sa kwarto namin para hindi ko magamit ang ability ko. hindi ko tuloy magawang mag teleport para tumakas.

"Paano ako kakalma? pinaparusahan si Chalter e, ako naman ang may kasalanan!" nag uumapaw ang puso ko sa konsensya. nagbabayad si Chalter sa kasalanan na ako naman ang may gawa.

"Hayaan mo na panagutan niya ang ginawa niya. muntik na siyang makapatay ng mga inosenteng tao sa plaza at kung hindi mo lang naagapan agad yung apoy baka sunog na ang buong plaza sa ginawa niya." malakas ang impact akin ng sinabi ni Reeci.

"Upo ka nalang muna, Raini." Inalalayan ako ni Victoria na maupo sa kama.

Nakatulala lang ako sa kawalan habang inaalala ko ang nangyari kahapon. tama si Reeci saksi ako kung paano gapangin ng apoy ang kabuuan ng plaza. agad ko rin naman naagapan iyon nang mabalik ako sa katinuan.

Kahit napatay ko ang apoy hindi parin maaalis sa akin na maraming nasunog sa parte ng plaza.

"Nakarating narin sa Alsorer ang ginawa ni Chalter." Tumingin ako kay Airlys.

"At ano daw?" kinakabahan na tanong ko.

"Gusto nilang parusahan si Chalter." nanlumo ako sa isinagot ni Hydra. "Pero hindi pumayag si Mr. Themis dahil kung ano lang ang parusa na ginagawa nila para sa estudyanteng lumalabag, iyon lang gagawin nila." dagdag niya pa.

"Ano bang klaseng parusa ang ginagawa nila sa punishment room?" Natahimik silang lahat sa tanong ko. kaniya-kaniya silang mga nagsi-iwas ng tingin kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba.

"Wag ka mag-alala kaya niya iyon." kumakamot sa ulo na wika ni Lennox.

"Bakit pang ilang beses na ba siyang naparusahan?" Sa itsura nila parang hindi nila alam kung paano nila ako sasagutin.

"First time."

Umuwang ang labi ko sa sagot ni Reeci. "F-first time?" ilang beses pa ako napakurap.

"Yeah. kadalasan kasi sa jail room lang siya dinadala kasi spoiled ni Mr. Themis iyon." sagot ni Reeci.

"Ano naman klaseng parusa ang ginagawa sa punishment room?" nagsi-iwas na naman sila ng tingin at naiinis na talaga ako.

"Hindi na namin alam ang tungkol doon." hindi ko magawang magtiwala sa sagot ni Viorica.

"Kung paparusahan si Chalter, dapat ako rin. ako ang dahilan kung bakit niya iyon nagawa." nag-umpisa na naman mamuo ang luha sa mga mata ko.

Sobrang nakokonsensya ako dahil kasalanan ko kung bakit paparusahan si Chalter. kung nakinig nalang sana ako sa kaniya kahapon na bumalik nalang kami sa academy. hindi siya mapapahamak at walang madadamay na mga inosenteng tao. matigas kasi ulo ko, kaya heto kulang nalang mamatay ako sa sobrang konsensya.

Napaiyak na ako sa mga palad ko. ayaw kong makita nila na umiiyak ako. pinigilan ko na kumawala ang mga nagbabadyang hikbi sa bibig ko.

"Tahan na, Raini. magiging okay rin si Chalter." naramdaman ko ang marahan na paghagod ni Hydra sa likuran ko.

"Please, payagan niyo na akong makalabas." Pakiusap ko sa kanila habang nagmamakaawa ang mga mata na nakatingin sa kanila.

Kita ko ang pagdaan ng awa sa mga mukha nila na agad din nawala.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now