CHAPTER 7

1.3K 85 15
                                    

RAINI

Sa kalagitnaan ng pagkain ay biglang niyaya ni Kuro Mesha si Chalter sa labas dahil may sasabihin ito. samantalang kaming tatlo ay magpatuloy lang sa pagkain dahil tuwang tuwa ang tiyan namin sa sarap ng luto. akalain mo yun kaya pala niya magluto nang ganitong kasasarap na pagkain pero paglilinis ng bahay hindi niya magawa. dahil kitang kita ko ang mga gagamba na nakadikit sa pader ang dami pang sapot sa kung saan saan.

Ang tanda niya na buti nalang at hindi siya nagkakasakit dahil sa estado ng bahay niya. siguro sa two days ko dito baka mag suggest ako na mag general cleaning kaming dalawa sa bahay niya.

"Sa tingin niyo anong pinag-uusapan nung dalawa sa labas?" tanong ko sa kanila. mahigit isang oras na kasi atang nasa labas ang dalawa hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik.

"Hayaan mo sila." kibit balikat na sabi ni Lennox habang sunod sunod na humihigop ng sabaw.

"Parang maganda ang dalawang araw na pag-stay mo dito ah?" wika ni Airlys. ay nawa!

"Dahil sa pagkain siguro kaya maganda." mahinhin naman siyang natawa.

"Kumain ka na lang babalik narin yun maya-maya." wika ni Lennox kaya tumango nalang ako.

"Pagkatapos niyo ba kumain uuwi na kayo?" tanong ko. paano ba naman ay pag-alis nila magiging boring na buhay ko sa loob ng dalawang araw.

"Siguro." sagot ni Airlys.

"Sabihin niyo naman kay Chalter mamaya na kayo umuwi para may kasama ako dito kahit kaunting oras pa." pakiusap ko. hindi ko alam kung anong nakakatawa sa pakiusap ko dahil tumawa silang dalawa.

"Hindi ba tao si Kuro Mesha? mukha lang pero tao parin naman yun." natatawa pa na sabi niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at inabot siya para pukpukin ng kutsara sa ulo.

"Ang harsh mo. hindi naman ganun, ano lang gusto ko lang may kalaro." sabi ko. parehas naman silang natigilan sa pagtawa.

"Maglalaro tayo?" kumikinang ang mga mata ni Airlys sa excitement.

"Ano namang klaseng laro?" parehas sila ng reaksyon ni Lennox.

Agad naman akong nakaisip ng pwede namin laruin. maraming laro sa mundo ko pwede ko sa kanila i-turo yun. ngumiti naman ako ng nakakaloko sa kanila parang nawala bigla yung excitement nila.

"Parang wala akong tiwala sa palaro mo." naiiling na sabi ni Lennox tumango naman sakanya  si Airlys bilang pag sang-ayon.

"Basta ako bahala. bawal gumamit ng powers." napangiti ako lalo sa loob loob ko ng makita ko silang napalunok.

Humanda kayong dalawa.

Nang matapos kaming kumain hindi parin bumalik si Kuro Mesha at Chalter. kaya niyaya ko na yung dalawa sa labas ng bahay dahil hindi naman pwede gawin ang laro na gusto ko sa loob ng bahay. nakasunod lang ang dalawa sakin hanggang makarating kami sa labas pero wala doon sila Chalter hindi na ako nag-abalang hanapin pa ang lalaking yon.

Kung siniswerte ka nga naman! nakakita ako ng bola sa ilalim ng bahay ni Kuro Mesha kaya ginapang ko yon para kunin. nagtataka ang tingin ng dalawa ng makuha ko na yung bola.

"Game! Game!" masayang wika ko.

"Ano gagawin?" tanong ni Lennox.

"Dodge ball." masayang sagot ko. kunot ang mga noo nila na parang ngayon lang narinig ang salita na iyon. kawawa naman sila, hindi kaya kompleto childhood sa mundo namin kapag hindi nakapaglaro nun.

"Paano naman yon?" tanong ni Airlys.

"Ganito gagawin. hindi ba tatlo tayo walang magkakampi sa atin, may dalawang taya pupwesto sa magkabilang side tapos yung hindi taya nasa gitna siya. siya yung target ng dalawang taya babatuhin siya ng bola dapat hindi siya matamaan kapag natamaan siya ng nakabato sa kanya, siya naman taya tas yung nakabato naman yung papasok bali yung hindi taya tatakbo lang sa magkabilang side. kunware nasa akin na yung bola, tatakbo ka kay Lennox tas pag na kay Lennox na tatakbo ka naman sa'kin, iiwasan mo lang yung bola ganun." tumango sila sa paliwanag ko kaya mukhang naintindihan naman nila dahil tutok na tutok sila pakikinig.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon