CHAPTER 29

937 57 9
                                    


A/N: Happy 22k Reads and 700 followers! Hindi ko maabot ang mga iyan kung hindi dahil sa inyo. Maraming salamat! Huwag sana kayo magsawa na suportahan ang story na ito hanggang sa matapos.

RAINI

PASALAMPAK na itinulak ako sa damuhan ng kung sino. Mabuti nalang at naitukod ko agad ang mga kamay sa lupa para hindi tuluyang masubsob. Napasinghap pa ako bago mabilis na nilingon ang kumuha sa akin. At sinasabi ko na nga ba! pamilyar na agad sa akin yung amoy ng kamay kanina pa lang eh.

Marahas na tumayo ako at pinagpagpag ang dalawa kong kamay. Pumamewang ako habang tinitignan siya sa paraan na hindi ako makapaniwala. Habang siya malamig ang tingin sa akin.

"Hindi mo naman ako kailangan kaladkarin, kusa naman akong sasama." Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa huli kong sinabi.  Anong kusang sasama pinagsasabi ko? harurut!

"Tatakas ka ng Academy? gusto mo ba na sa punishment room na ang susunod mong parusa?" Napaatras ako nang humakbang siya papalapit.

"Hindi naman nila malalaman." Lumapat ang likod ko sa isang katawan nang puno dahil wala na akong maatrasan pa.

"You're not going anywhere. May kasalanan ka pa sa akin kanina sa ginawa mong pag-iwan sa akin sa library."

Isang dangkal nalang ang pagitan ng mukha namin dalawa. Yumuko ako para iwasan na magkasalubong ang mga mata namin. Nakakapanghina ng tuhod kung paano siya tumitig sa akin.

"Si Hydra! Baka hinahanap niya na ako."

Nataranta ako nang maalala ko si Hydra na iniwanan ko. Panigurado na napansin niya ng nawawala ako at baka mag-alala iyon.

Lilihis na sana ako sa gilid nang bigla niyang iharang ang kamay at humawak sa sinasandalan kong puno. Lumaki ang mata ko at mabilis siyang tiningala. Lumunok ako nang magsimula na naman akong kabahan sa ikinikilos niya.

"Pabalik na ngayon ang kaibigan mo sa Academy panigurado." 

"Bakit ba sobrang lapit mo Chalter?" Iritadong saad ko. Hindi man lang siya nagpatinag nang itulak ko ang dibdib niya.

Kapal talaga ng mukha niya e, noh? pinaglagpas ko na nga yung ginawa niyang pagtulak sa akin kanina. kahit kailan talaga walang concern ang lalaking ito sa akin hindi niya ba naisip na what if nasubsob ako at nabangasan yung mukha ko. edi nagkaroon siya ng dahilan para hindi niya ako magustuhan lalo. Itsura na nga lang panlaban ko kay Sorcha tapos sisirain pa.

"Ano naman sa'yo ngayon kung malapit ako?" Bulong niya at inilapit pa ang sarili sa akin.

Ano naman sa akin? Aba't hindi ako makahinga!

"A-ang baho mo!" Sigaw ko sa kaniya sabay takip ko sa ilong, kunwareng nababahuan sa kaniya.

Naging epektibo naman ang dahilan kong iyon dahil mabilis siyang lumayo sa akin at inamoy ang sarili.  Nag-iwas ako ng tingin habang abala siyang inaamoy ang sarili niyang damit. Seryoso? Naniwala talaga siya sa sinabi kong mabaho siya samantalang ang bango bango niya.

"Wala naman akong naamoy." Kunot noo na wika niya.

Kumurap-kurap ako ng ilang beses habang nakatingin sa kaniya. "A-Anong wala? ang baho kaya!"

Ngumisi siya. "Buntis ka ba?" 

Nalaglag ang panga ko. "Anong sinabi mo?!" 

NBSB nga ako tapos buntis? 

"Kung ano-anu kasi naamoy mo." Nakapamewang na tumingala siya sa langit. "Pero sabagay paano ka nga pala mabubuntis, wala pa nga nangyayari sa atin." 

Napahawak ang dalawa kong kamay sa punong sinasandalan ko para suportahan ang katawan ko na muntikan na matumba. Kung gaano kalaki ang mata ko ngayon ganoon din kalaki ang uwang ng labi ko sa sobrang gulat. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Paano niya nasasabi ang mga bagay na iyon sa akin nang hindi siya nahihiya? 

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon