CHAPTER 16

1K 65 5
                                    

THIRD PERSON

Nakaramdam ng kaba ang mga teachers nang sabihin ni Hydra sa kanila na nawawala si Raini. pinigilan nila mag panic para sa ikabubuti ng mga estudyante. walang alam ang mga ito sa nangyayari bukod sa namatay lang ang ilaw. kalmado silang lahat habang tuloy parin ang kasiyahan sa loob ng Mystical Academy.

Ngumiti si Themis sa isang estudyante pagkatapos siya nitong batiin. sumulyap siya kay Rakki, nakitingin lang ito sa kaniya hanggang sa may narinig siyang boses sa isip niya.

'Hindi ka ba magpapatawag ng meeting, nawawala si Raini for goodness sake!'

Hindi niya mapigilan mapairap dahil sa ginawang pag sigaw ni Rakki sa isip niya.

'I'm just waiting for Chalter's update.'

'Hindi ba tayo tutulong sa paghahanap?'

Narinig nila ang boses ni Vanadey. hinanap ng mata ni Themis kung nasaan ito. nakita niya ang babae hindi kalayuan. nakangiti ito habang kinakausap ang ilang estudyante.

'Elemental users na ang naghahanap sa kanya.'

Pagsali ni Thompson sa usapan habang tumutulong sa mga estudyante na kumukuha ng pagkain. nagagawa nila mag-usap gamit ang isip kahit abala pa sila sa kaniya kaniya nilang ginagawa.

' I'm worrying about Raini. ' wika ni Vanedey.

'Themis, magpatawag ka na ng meeting.' wika ni Styx.

Napabuntong hininga si Themis dahil hindi niya alam kung ano ang dapat unahin. ang magpa-meeting ba para sa nawawalang si Raini o ang importanteng event na ipinagdiriwang nila. Hindi lang kasi ito basta event dahil ikalimang dekadang anibersaryo ito paaralan.

' Okay, let's go to my office. inform Sorcha Valworth she's going to be incharge here for a while. '

' She's beside me, I'll tell her . ' wika ni Rakki.

Nagkasalubong silang lima paliko ng hallway. habang naglalakad ay panay ang linga nila sa paligid. kailangan nila makasigurado na walang makakasunod sa kanila. wala pwedeng makarinig ng pag-uusapan nila maliban sa kanila. lola na't may iilang estudyante silang pinaghihinalaan na espiya ng kalaban. dahil dalawa ang kalaban nila maraming espiya ang nagkalat sa paligid.

Ini-lock ni Themis ang pintuan ng kaniyang opisina nang makapasok sila. Tinanguan niya ang apat para maupo na ang mga ito. narinig pa sa apat na sulok ng kwarto ang pagbuntong hininga ni Rakki.

Pagod na isinandal ni Themis ang likuran sa backrest ng kaniyang upuan. Madalas nang sumasakit ang ulo niya simula nang dumating si Raini sa Mystical Academy.

"Simula nang dumating yang si Miss Evanescent curious na talaga ako sa kaniya, parang may something sa buhay niya at gusto kong kalkalin iyon." Paninimula ni Rakki.

"Ako, parang nakita ko na siya dati dahil sobrang pamilyar ng mukha niya sa akin. kayo ba? hindi ba siya pamilyar sa inyo?"  Nabaling ang atensiyon nilang lahat kay Vanedey.

"What do you mean familiar?" Puno ng pagtataka na tanong ni Themis.

"Actually, I really don't know. basta pakiramdam ko lang nakita ko na siya dati." nakatulala si Vanedey sa lamesa. pinipilit niyang bungkalin ang isip kung saan niya ba nakita si Raini.

"Bigla na nga lang lumitaw iyon dito tapos nag transfer." Wika ni Thompson.

"It doesn't matter if you saw her before. kaya tayo nandito dahil nag-iisip tayo ng dahilan bakit kinuha ni Demus si Raini."

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now