CHAPTER 4

1.5K 95 24
                                    

RAINI

Sa wakas natikman ko narin ang pagkain sa Cafeteria. kasalukuyan kaming nakain ngayon dahil launch na, natapos ang first two sub ng humihinga pa ako. buti pa dito dalawa lang ang subject tapos uwian na at bukas pa daw ang sched ng dalawa pang subject.

Tuwang-tuwa ang sikmura ko habang kumakain ako ng Chicken cordon bleu. masyado na akong maraming kinokompara sa paaralang ito at paaralan na pinapasukan ko dito. dito libre ang pagkain, ang sasarap pa ng mga putahe samantalang sa'min ang kwek- kwek samung piso, dito ang manok libre.

Kung nananaginip lang talaga ako, sana h'wag na ako magising!

"Ito ba yung sinasabi niyong nakakasawa?" napangiwi ang dalawa dahil punong-puno ang bibig ko habang nagsasalita.

"Hindi ka pa nagsasawa ngayon kasi ngayon mo pa lang natikman. kapag araw-araw na, doon mo na masasabi." bored na bored na sagot ni Victoria. habang walang ganang kumakain. napatingin ako sa plato niya, ganda talaga ng plating dito pang five star restaurant.

"Ano yang kinakain mo." turo ko doon sa plato niya.

"Ah, ito? Roast beef tenderloin with red wine sauze." hindi ko agad natandaan yung pangalan sa haba pero name palang pang mayaman na talaga.

"Pwede patikim?" pagpapaalam ko kay Victoria.

"Just go on." nakangiting wika nito. agad kong tinusok ng tinidor ang isa doon, nang matikman ko ito ay napapikit nalang ako ng mariin sa sarap.

"Grabe, ang sarap! yung sayo Hydra ano naman yan?" nakatingin naman ako sa plato ni Hydra ngayon, napatigil naman siya sa pagkain.

"Southwestern maple glazed salmon with pineapple salsa." sagot niya. hindi ko na naman natandaan yung pangalan sa sobrang haba. siguro sa tagal na nila dito kabisado na nila yung menu dito sa cafeteria.

"Pwede matikman?" nahihiyang paalam ko.

"Sure! sure!" natatawang wika nito. kumuha lang ako ng kalahati para tikman. gusto kong magtatatalon dahil ang sasarap ng pagkain.

Hindi ko alam sa mga to kung bakit mas bet na bet nila ang sardinas kesa sa pagkain dito sa cafeteria. sabagay sabi nga nila first time din nila makakain nun. kung mag benta siguro ako ng sardinas dito yayaman na ba ako? sardinas na kaya magpapaahon sa buhay ko?

"Masarap parin ang sardinas." napabuntong hininga pa si Hydra. bukang bibig niya na ngayon ang sardinas.

"Hindi ba expensive yon? pangalan palang kasi parang mamahalin." wika ni victoria. hindi ko alam kung anong ire-react ko. totoo ba? pangmayaman ba ang pangalan?

"Ewan sa inyo. kumain na nga lang kayo." tinuro ko pa yung mga pinggan nila. unti pa lang ang bawas ng mga pagkain nila para silang mga walang gana.

Nagsibalik nalang din ang dalawa sa pagkain. susubo na sana ako pero nakita ko yung apat na kasama ni Chalter sa cafeteria, nag-aantay pa ako ng isang kasunod na papasok pero wala. nagki-kwentuhan ang mga ito, pumwesto ang mga ito sa katabing lamesa lang namin. parang hindi ko tuloy malunok yung kinakain. hindi naman nila kasama si Chalter pero dahil mga kaibigan sila, kinakabahan din ako sa kanila.

Nakayuko lang akong nakain at iniiwasang tumingin sa direksyon nila. ang dalawa sa harapan ko ay tahimik lang na nakain. hindi siguro nila na pansin ang apat sa katabing lamesa namin. mabuti naman at ayos na yung lalaking nawalan ng malay kanina? napansin ko rin na wala na siyang sugat.

"Masyadong gigil si Chalter makipaglaban akala mo naman ay may utang akong hindi nabayaran."

"Ang hina mo talaga."

"Anong mahina? he just launched a massive wave of fire. bago pa ako makagawa ng atake tinamaan na ako ng ginawa niya."

"Buti at hindi ka nasunog?"

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now