CHAPTER 10

1.3K 75 31
                                    

RAINI

"Weapons will serve as your defense when your power was nullified." pagpapaliwanag ni Mr. Thompson sa unahan.

Nakahalumbaba lang ako habang nakikinig. may iilan siyang sinabi na na-ituro na ni Kuro Mesha. nagtataka talaga ako kung bakit ayaw niya maging isa sa mga teacher dito sa Academy samantalang ang galing niya naman magturo. wala e, bitter daw siya kay Mr. Themis ayaw daw niya na tumungtong sa lupa ni Mr. Themis.

"Paano naman po mawawala ang power namin?" tanong ni Hydra.

"There's someone who has ability to nullify our power and there's some place that we couldn't use our power, like the cafeteria." tamad na sagot ko habang nakahalumbaba.

"That's the exact answer for your question, Miss Bianchi." wika ni Mr. Themis.

Well, thanks to you Kuro Mesha feeling ko tuloy magiging top one ako dito sa klase.

"Galing mo, Raini!" mangha-mangha na wika ni Hydra nakaangat ang kamay niya sa ere para makipag-apir, natawa lang ako bago ko siya apiran.

"May top one ba dito? honor ganun?" pabulong na tanong ko sa kanya pero umiling naman siya.

"But we have two weapons. ang isa ay galing sa power natin at ang isa naman ay totoong kagamitan." tumango kaming lahat sa sinabi ni Mr. Thompson.

Bakit hindi na-ituro ni Kuro Mesha na kaya rin palang maglabas ng weapon ang power namin. biglang naging interesado ako sa topic at umayos ako ng upo. naririnig ko pa ang mahinang pagkanta ni Lennox sa likuran parang walang balak makinig. gusto ko sana siyang sawayin dahil sa nakaka-distract ang boses niya.

"At lahat kayo nakapag-palabas na ng weapon gamit ang power niyo, maliban sa'yo Miss Evanescent." tumigil ang tingin nito sa akin.

"Ay, Interesting." rinig kong sabi ni Lennox sa likuran.

"Maari ka bang pumunta sa unahan, Miss Evanescent?" Agad akong tumayo nang daluhan niya ako para pumunta sa unahan.

Nang nasa unahan ako kitang kita ko ang lahat ng kaklase ko. nasa akin lahat ng atensyon nila kaya tinubuan pa ako ng hiya lalo na ng makita ko si Chalter na nakatitig din sa akin.

"Del Vaux."

Nanlaki ang mata ko nang tumayo si Reeci. napamaang ako ng maalala ang laban ni Chalter at Lennox. don' tell me, ganun din ang gagawin namin? natatakot akong nilingon si Mr. Thompson ngunit marahan lang itonh ngumiti sa akin. nabaling ang tingin ko kay Reeci na naglalakad papunta sa unahan.

"Mr. Thompson? bakit niyo po siya pinatayo?" napalunok pa ako dahil natatakot ako makipag laban kay Reeci kung sakali nga na maglalaban kami.

"Ilalabas niya ang power weapon mo." sagot nito.

"Sa ano naman pong paraan?" tanong ko pero ang tingin ko ay nasa seryosong mukha ni Reeci.

"Good luck, Raini!" sinamaan ko ng tingin si Lennox dahil dinadagdagan niya lang ang kaba na nararamdaman ko dahil sa isinigaw niya.

"Raini, make sure na mabubuhay ka pagkatapos niya!" dagdag naman ni Hydra.

Ano??

"Maglalaban kayo. dahil ma-titriggered ang power mo kapag nilabanan ka niya." simpleng sagot ni Mr. Thompson na nagbigay ng libo-libong pawis na namumuo sa noo ko.

Bakit hindi ito sinabi ni Kuro Mesha sa akin? nakakainis naman. na-ituro niya sa akin ang lahat-lahat pero bakit ang ganitong bagay hindi niya na sabi? wala bang tutulong sa akin diyan?

"Ready?" nakataas ang dalawang kilay ni Mr. Thompson sa akin. tumango nalang ako dahil palagi nalang akong walang masabi.

Unti-unting nag bago ang paligid. nawala si Mr. Thompson pati narin ang mga kaklase namin. para kaming napunta sa ibang dimension. wala na kami sa classroom nasa isang lugar kami kung saan puro salamin, wala akong ibang makita sa paligid bukod sa salamin. nakita ko si Reeci na nakatingin lang sa akin.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now