CHAPTER 26

984 54 14
                                    

A/N: ADD ME ON FACEBOOK KUNG GUSTO NIYO LANG NAMAN https://www.facebook.com/profile.php?id=100082681710683
FB: EL LI

RAINI

NAKAUPO kaming lahat sa bermuda grass ng battle field sa kalagitnaan ng gabi. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa balat ko. Yakap ko ang tuhod habang ang baba ko naman ay nakapatong dito.

Paikot ang pwesto namin habang sa gitna naman namin ang isang maliit ng bonfire na gawa ni Chalter. Siyam kami ngayon dahil kasama si Raven. Nasa right side ko si Hydra at sa left side ko naman ni Victoria. Kapag nag-aangat ako ng tingin ang si Chalter agad ang nakikita ko dahil magkaharap kami.

Inabala ko na lang ang sarili sa pag galaw ng kahoy sa bonfire. Tinutulak ko iyon para malagyan ng bagong panlingas.

"Pinaparamdam sa akin ng bonding na'to kung gaano ako ka-single." Natawa ang ilan sa sinabing iyon ni Hydra. 

"Excuse me, wala naman taken dito maliban kay Victoria at Raven." Sabat ni Lennox. Napalingon tuloy kami lahat kay Victoria.

Namumula ang mukha niya habang todo ang pag-iling. Nakita ko si Raven sa tabi niya  na  napangiti dahil sa reaksyon na ipinakita niya. 

"Hindi pa niya ako sinasagot kaya single pa naman kami pareho." Sagot ni Raven.

Todo parin ang asar sa kanila ng iba kahit si Airlys nakikisali sa pagtukso sa kapatid. Natawa nalang din ako dahil puro ka paitan ang lumalabas sa bibig ni Hydra. 

"Naku! dapat hindi pinapatagal yung ganyan Victoria, nagkalat pa naman ang mga mang-aagaw sa mga gedli. malay mo isa pala ako doon!" Tumawa pa siya nang pagkalakas-lakas. Pwede kami maka storbo ng mga tulog sa tawa niya.

Kung paano pala kami napunta dito? nangulit sila na mag bonfire daw tapos makipagkwentuhan sa kalagitnaan ng gabi dahil masaya daw iyon. Hindi na kami umaasa na papayagan kami ng mga teachers ngunit nang dahil kay Chalter nandito kami ngayon. Malakas yata iyan!

"Ang hina mo naman, Raven. Kung sa akin iyan wala pa isang linggo napasagot ko na 'yan." Pagyayabang ni lennox kaya naman napangiwi si Viorica sa tabi niya.

"How could you that when you're torpe naman." Nakangisi na bato ni Reeci.

"Boo! torpe!" Nag thumbs down pa ako ginaya din ako ni Hydra.

Nalukot ang mukha ni Lennox para siyang natatae sa istura niya. na-offend yata sa sinabi ni Reeci, kahit totoo naman talaga. Nag-iwas ng tingin si Viorica at sinamaan  ng tingin si Reeci. bago pa bumaling sa aking ang masamang titig niya, nanahimik na ako agad. madali lang naman ako kausap.

"Hindi ako torpe ah! makikita niyo pag may natipuhan akong babae, hahalikan ko sa harap niyo mismo!" Galit na dinuro niya kami lahat.

"Hindi magpapahalik sa'yo iyon, mabaho hininga mo." Seryoso na sabi ni Viorica.

Sus, nagtataguan pa ng mga  feelings. good for me wala akong pinagtataguan, immune na ako sa mga gwapo dito kaya wala akong matipuhan. bakit parang hindi ako naniniwala sa sinabi ko?

"Ang tahimik mo naman Chalter." Nabaling tuloy ang atensyon namin lahat kay Chalter dahil sa sinabi ni Hydra.

Salubong ang makapal nitong kilay. "Kailan naman ako naging madaldal?" Hindi para sa akin ang sagot niyang iyon pero sakin siya nakatingin.

Muntik na ako mapatalon kay Victoria dahil tumili si Hydra. "Excited na ako! Birthday mo na next month! Party malala na naman ito." 

Nakapikit pa ako habang hawak ang puso ko. Nagmulat ako sa narinig at tumingin kay Chalter. birthday niya next month? hindi ko alam iyon ah. 

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon