CHAPTER 31

915 55 18
                                    

A/N: ROAD TO 800 FOLLOWERS AND 23K READS! GRABE NA TALAGA KAYO! SOBRANG THANK YOU HAYAAN NIYO AT MAGPAPARTY AKO DAHIL MALAPIT NA ANG ANNIVERSARY NG MYSTICAL ACADEMY! <3

MARAMING SALAMAT SA MGA TAONG WALANG SAWANG NAGHIHINTAY PALAGI NG UPDATE HANGGANG SA MATAPOS ITO.

31/40!

MASAYA SANA KUNG WAG NA KAYO MAGING SILENT READER, MAG-INGAY NAMAN KAYO FLES! charizz!

ADD ME ON FACEBOOK: EL LI

RAINI

Walang araw na hindi ako kinilig sa mga ikinikilos ni Chalter kahit sa paglalakad niya kinikilig ako. Palagi akong pumupunta sa bahay ni Chalter para doon kumain. Masaya ako na pinaglulutuan niya ako ng pagkain. May mga ginagawa siya ngayon na hindi niya ginagawa noon katulad nalang madalas na pagngiti niya at ang masaya pa doon hindi na siya masungit. 

"What are you doing?" Tanong ko sa kaniya. nakaupo ako sa malambot niyang kama nang pumwesto siya sa aking likuran.

"Reeci taught me how to braid hair so I could braid yours." Malambing na wika niya.

Naramdaman ko ang kamay niyang marahan na sumuklay sa nakalugay kong buhok.  Wala sa sariling napangiti ako sa kaniyang sinabi. Nag-effort pa talaga siya magpaturo para lang talian ang buhok ko. Ang hirap kaya para sa lalaki na aralin ang pagtitirintas ng buhok.

"Sige nga, tignan natin kung marunong ka." Lumingon ako sa kaniya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

"Though I'm not very skilled yet, I'll try my best." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinatalikod sa kaniya.

Sinimulan niya ng talian ang buong buhok ko nang isahan. Hindi nakaligtas sakin ang mga buntong hininga niya. Hindi na siya matapos tapos sa tuktok ng ulo ko dahil paulit-ulit siyang nagkakamali.

Sobrang marahan ang bawat haplos niya sa buhok ko natatakot na baka masaktan ako.

"Ayus lang kahit magulo, Chalter." Mabilis kong sagot nang uulit na naman siya.

Huminto siya at kinuha ang nakapatong na salamin sa side table ng kama niya. Iniharap niya sa akin iyon para makita ko ang sarili. Kinuha ko ang aking buhok sa aking likuran. Medyo magulo nga ang pagkakatirintas no'n pero bumagay naman sa akin. Nagmukha lang siyang messy bun.

Napangiti ako habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin. Nag-angat ako ng tingin sa nakangusong si Chalter.

"Maganda naman ah!" sambit ko dahil nakasimangot siya halatang hindi tanggap ang kinalabasan nang ginawa niya.

"Maganda nga." Seryosong sagot niya habang titig na titig sa mukha ko.

Ngumuso ako na parang nanghihingi ng halik. "Kiss mo nga ulit ako."

Natatawang inilapag niya ang salamin sa kama at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge habang nakatingila sa kaniya.

Pumikit ako nang unti-unting lumapit ang mukha niya. Hinintay ko na lumapat ang labi niya ngunit imbes na sa labi ko sa noo niya ako hinalikan. Napadilat ako at lumayo na ang ulo niya. Wala akong makapa na pagkadismaya dahil sa noo niya ako hinalikan. Mas lalo niya lang pinasayaw ang mga paru-paro sa tiyan ko sa sobrang tuwa.

Pinagmasdan ko lang siyang naglakad para kunin ang bag niya sa upuan.

"Bakit hindi sa lips?" Tanong ko at nagkunwareng nadismaya.

Mahina siyang natawa. "Next time na. Mali-late na tayo, Zalana."

Nakangiting hinablot ko ang aking bag na nakapatong sa kaniyang kama. Sumunod ako nang makalabas siya ng bahay. Magkatabi kaming naglalakad bakas parin ang ngiti sa kaniyang labi.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now