CHAPTER 6

1.3K 82 9
                                    

RAINI

"Alam na ba ng mga magulang mo na uuwi ka?" rinig kong tanong ni Victoria kay Hydra.

"Hindi pa. surprise nalang para masaya." wika ni Hydra

Hindi na ako nasingit sa usapan nila dahil punong puno ng pagkain ang bibig ko. mamaya rin ay makakalabas na ako ng infirmary tapos pupunta ako sa office Mr. Themis dahil pinapatawag daw ako nito. oo nga pala at hindi pa ako pinupuntahan ni Ms. Vanadey kung pinayagan akong mag-stay sa dorm. sana lang sabihin sakin mamaya para kung sakaling malaman kong hindi pwede, maghahanap ako ng pansamantalang matitirahan dito sa labas ng Academy.

Baka manirahan ako sa gubat kasama ang mga mababangis na hayop doon, h'wag naman sana.

"Ikaw, Raini ayaw mo ba talaga sumama sakin para mapakilala kita sa parents ko?" pang isang daan na nayaya ni Hydra yan. kung maka sabi naman na ipakilala sa mga magulang niya para naman jowa niya ako.

"Ilang beses ko ng sinagot yan." inirapan ko nalang siya. gusto ko man sumama ayaw ko naman makisingit sa family bonding nila, oras nilang magpapamilya yon dapat lang na ibigay ko na sakanila.

"Mababait naman parents ko." nakanguso pa na wika niya.

"Sino ba nagsabing masama?" taas kilay na sabi ko lalo siyang napasimangot samantalang si Victoria ay natawa naman.

"Sa akin ayaw mo sumama?" tanong ni Victoria.

"Ayaw ko rin." umiling ako ng mabilis.

"Kay Chalter?" sabay nilang tanong.

"Adik ba kayo? bakit naman ako sasama doon?" inis na sagot ko. napapadalas na kasi yung pang-aasar nila sakin nung nangyari yung aksidente akala mo naman ay ginusto ko.

"Asus! baka hindi ka maniwala pag sinabi ko sayo kung sino ang naghatid sayo dito?" makahulugang sabi ni Hydra kaya nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Hoy, kayong dalawa! wag niyo akong ini-echos!" dinampot ko ang isang unan sa hospital bed at ibinato yon sa kanila pero mabilis din nilang nailagan. nagtataka pa yung mga mukha nila.

"Anong ibig sabihin ng echos?" nagtatakang tanong ni Victoria parang sa itsura niya parang ngayon niya lang narinig ang salitang yon.

"Biro ang ibig sabihin nun." inis na kinagatan ko yung fried chicken.

"Pero hindi kami nagbibiro." malaki ang ngiti na sabi ni Hydra. so, anong sinasabi nila si Chalter ang naghatid sakin dito? paano naman makakapasok ang isang yon sa girls dorm?

"Girls dorm." tamad na sagot ko.

"Rule Breaker." bato pa ni Victoria.

"Tigilan niyo ako pakiusap lang! nakakawalang gana." sunod-sunod na subo ang gianawa ko kaya natawa ang dalawa. may parte sa utak ko na gustong maniwala pero mas malaki yung part sakin na ayaw ko dahil baka inaasar lang nila ako o trip nilang hulihin ang magiging reaksyon ko.

"Kung ako lang sana ang binuhat ni Chalter ng pa-bridal style pwede na akong mawala sa mundo." nangangarap pa na dagdag ni Hydra.

Hindi ko siya nilingon dahil namumula ang mukha ko sa isipin na binuhat nga ako ng ganun ni chalter kung totoo man ng sinasabi nila. pero asa naman yun, di ba? kailan naman nagkaroon ng paki sa akin yon. para ngang walang paki sa lahat yon kahit sa mga kaibigan niya pa.

Bumukas ang pinto dahilan para makuha nito ang atensyon namin tatlo. iniluwa nun si Ms. Vanadey na maganda ang ngiti, pumasok ito at lumapit sa kinaroroonan ko. may sagot na kaya siyang nakuha kay Mr. Themis kung pwede ako mag stay sa dorm? yon ang pinaka biggest problem ko ngayon.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now