CHAPTER 12

1.1K 70 23
                                    

RAINI

"Am I late?" hinihingal na tanong ko pag-pasok ko sa training room.

halos takbuhin ko yung distansya ng girls dorm at training room, take note wala pang tigil sa pagtakbo yon sino ang hindi hihingalin sa haba ng hallway nakita ko siyang nakaupo sa isang upuan, nakapikit pa ito ng maabutan ko.

"Nope. uso naman kasi ang teleportation." malamig na wika nito nang mapansin niyang hinihingal ako.

Napakamot ako sa ulo nang mapagtanto na may madali nga naman na paraan bakit tumakbo pa ako. dala-dala ko parin ang kasanayan bilang pagiging normal na tao dito sa Academy.

"Can we make it fast?" tanong ko pa kaya napaangat ang isang kilay nito.

"And now you have the right to demand?"

"Hindi! ano kasi darating yung designer sa dorm mamaya baka hindi ko maabutan." pagpapaliwanag ko. init agad ng ulo e, hindi pa nga tapos.

"Then let's start." pagbitaw niya nang salitang yon biglang tumunog ang tiyan kaya nanlaki ang mata ko.

"Hindi ka pa nakain?" gulat na tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin dahil namumula ang mukha niya. nahihiya siguro sa pagtunog ng tiyan niya. okey lang naman yon, ako nga naamoy niya ang hininga ko na amoy sardinas.

"I'm fine." maikling sagot niya.

Sino ba kasing nagtanong kung okey lang siya? ang tanong ko naman kung hindi pa siya nakain. may sira ba ang pandinig niya?

"Training to, dapat bago tayo magsimula kumain dapat ang isa't isa para parehas tayong may lakas." wika ko.

"And?" taas kilay na tanong nito.

"Kakain ka muna bago tayo magsimula, may baon ako sa bag na sandwich galing cafeteria." saad ko habang hinahalughog yung bag ko. nasaan na ba kasi yung tinapay na yon na maraming gulay? hindi ko kinain ang sandwich dahil ang daming gulay. I'm not fond of vegetables it makes me vomit.

Nang makita ko ang sandwich na naka-wrapped sa isang tissue kinuha ko agad yon. nilahad ko yon sa harap ni Chalter pero tinignan niya lang yon.

"Hindi ka mabubusog kapag tinitigan mo lang yan." napabuntong hininga pa siya bago kunin ang sandwich na hawak ko.

"I thought you were in a hurry?" tanong pa nito.

"Your health matters. dami mong tanong kainin mo na nga lang yan!" iritadong wika ko. dami pa daw sinasabi e, ayaw nalang kumain nagmamadali na nga.

Napansin ko na hindi parin niya pinapakialaman ang sandwich at nakatingin lang siya sa akin. napakamot na ako sa ulo sa pagkayamot.

"Gusto mo pa bang subuan kita?"

"Psh." umirap pa siya bago buksan ang sandwich.

"Good yan!" tinaas ko pa ang thumb ko as a sign of okay.

Pumunta ako sa ibang upuan samantalang siya naman ay umupo din malayo sa akin. nakatalikod pa siya habang kumakain ng sandwich kaya napailing nalang ako sa kaartehan ng lalaking yon.

Nakatulala lang ako sa pinto ng Training room blanko lang ang isip ko nakatingin lang talaga ako sa pinto. nang biglang bumukas ito, iniluwa nito si Clyde kaya napatayo ako sa gulat. ngumiti siya nang makita niya ako kaya ngumiti ako pabalik. nakita ko ang napalingon na si Chalter mula sa pagkakatalikod. sumeryoso ang mukha nito ng makita si Clyde.

Oo, nga pala alam ko ang kwento bakit ang init ng ulo niya kay Clyde.

"How are you?" nakangiting tanong nito nang makalapit siya sa akin. nangunot naman ang noo ko dahil doon, pumunta ba siya dito para lang itanong ang bagay na yon?

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now