CHAPTER 11

1.2K 65 9
                                    

RAINI

"Okey ba itsura ko?" nawiwirduhan akong tumango sa tanong ni Hydra.

"Bakit ba kanina mo pa tinitignan mukha mo sa salamin?" pababa kasi kami sa girls dorm para pumunta ng cafeteria tapos nagdala pa siya ng mini mirror. habang naglalakad tinitignan niya ang sarili sa salamin. muntikan na nga siya madapa kanina kakatingin sa salamin mabuti at naalalayan siya ni Victoria.

"Syempre! kakain lang naman tayo kasama si Reeci at Lennox tapos malay mo pa biglang sumabay si Chalter." wika niya habang inaayos ang buhok sa harap ng mini mirror niya.

"Kasama naman si Airlys at Viorica." wika ko.

"Ano naman pake ko sa kanila." napailing nalang ako sa sagot nito.

"Victoria, ang pabango mo? labas mo nga pa-spray lang ako isa." nakalahad ang kamay nito sa gawi ni Victoria, hindi niya pinuputol ang tingin sa salamin.

"Halos ipaligo mo na kaya ang pabango ko, kanina mo pa sinasabing isang spray lang pero naka twenty spray ka. pati nga paa mo inisprayan mo na, hindi ka naman nila aamoyin." napabuntong hininga pa si Victoria.

Nagyaya si Lennox na sabay-sabay kami kumain dahil na no choice siya gusto sumama ni Hydra, pinasama na ganun na rin si Victoria.

Alas syete palang nang umaga masyado pang maaga para sa training. hinihiling ko na sana wala si Chalter sa cafeteria kahit sure naman akong wala siya doon dahil hindi siya nakain kasabay ang mga kaibigan pero naalala ko nung nakaraan bigla itong sumulpot sa cafeteria posible na mangyari ulit yon pero wag naman sana.

Nawa tahimik ang umagahan ko dahil hinahanda ko pa ang sarili ko para harapin siya mamaya. nakakahiya man aminin pero three times akong nag toothbrush bago lumabas ng dorm. pero ganun din dahil kakain nga kami.

Nang makarating na kami sa cafeteria nakita agad namin ang pwesto nila Lennox, may isa pang lamesa ang nakadugsong dito dahil hindi naman kami kakasiya sa isang lamesa lang. pumunta na kami sa direksyon nila, si Hydra nag-umpisa na maging mahinhin. ginagaya niya na nga si Victoria ngayon kaya napailing nalang ako.

"Hi." agad na bati ni Airlys nang makaupo kami.

"Hindi ba sasama si Chalter sa inyo kumain?" paninigurado ko ang apat ay napatingin sa akin. de javu!

Ayon na naman ang mga ngisi nila nung huling kain nila na kasama ako.

"Gusto mo? pwede ko tawagin para sa'yo." pang-aasar agad ni Lennox.

"Tigilan mo'ko, Lennox ang aga-aga." inirapan ko pa siya.

"Ay sige, tawagin mo para sa akin." mahinhin na wika ni Hydra pero hindi lang siya pinansin nito. aww, sorry for you Hydra.

"And I guess he's still sleeping." wika ni Reeci.

Napangiti naman ako agad nang malamang tulog pa ito. sana ma-late siya sa training!

Hindi na kami umorder ng pagkain dahil may nakahanda ng pagkain sa harapan pag-upo palang namin. tuwang tuwa ang tiyan ko dahil sa mga hipon na nakikita ko sa harapan. I love tempura!

Nagkanya-kanya na kaming sandok nang biglang may babaeng lumapit sa table namin. napatingala kaming lahat sa kanya, nakita ko ang pamumula ng mukha ng babae dahil nakatingin nasa kanya ang atensyon namin lahat.

"Ahm, Miss? do you need anything?" pagtatanong ni Viorica.

"Reeci, can you be my date?" nahihiyang wika ng babae kaya napatingin ako kay Reeci pero nagsasandok lang ito ng pagkain.

"I'm sorry. she's my date." tinuro pa ni Reeci ng tinidor si Airlys na nakayuko.

Biglang nag-angat ng tingin si Airlys nanlalaki ang mata nito ng makitang nakaturo sa kanya ang tinidor ni Reeci. hmm, I smell something crushy?

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now