CHAPTER 33

907 40 8
                                    

A/N: Merry Christmas and Happy new year! This is my gift! Happy 990 Followers on wattpad and Happy 30k reads Mystical Academy!

Maraming salamat sa matiyagang paghihintay at walang sawa na supporta. We will give this story a happy ending, I promise!

THEMIS

Mabilis akong naglakad upang hindi na makasunod sa akin si Rakki pero kahit mag teleport pa yata ako ay hindi niya ako titigilan. Kumikirot na ang lahat ng ugat ko sa ulo dahil sa stress na nararamdaman ko tapos dadagdag pa ang babaeng ito. Masyado ng maraming kinakaharap na problema ang paaralang ito, sa sobrang dami hindi ko na alam kung paano pa susulosyunan ang lahat.

I suspect one person is Demus' daughter, but I refuse to accept who that person is.

Lalo lamang sumakit ang ulo ko nang maalala ko ang nangyaring pag-uusap namin ni Kuro Mesha kaninang umaga. Laking gulat ko nga na nagpadala siya ng mensahe upang papuntahin ako sa bahay niya at may importante siyang sasabihin. At first, nagdadalawang isip ako dahil hindi naman makausap nang matino ang matanda ngunit marami din siyang nalalaman na hindi ko nalalaman.

Akala ko sasabihin niya sa akin kung sino ang anak ni Demus na nakapasok sa Mystical Academy. Akala ko masusulosyunan na ang isa sa mga pinoproblema ko pero nagkamali ako.

Nagkamali ako, imbes na mabawasan ay nadagdagan pa nang panibagong problema!

"Anong mayroon at ipinatawag mo ako dito sa... " Inilibot ko ang paningin sa kabuuan na bahay niya o bahay nga ba ang tawag dito?

"Kung hayop naman ang nakatira?... ganoon ba ang ibig mong sabihin, Themis?" Pagputol niya sa iniisip ko.

Tumikhim ako para iwasang magkamali. Matagal ko nang nararamdaman ang galit na meron siya sa akin, hindi ko lang alam kung anong pinaghuhugutan niya ng galit. Samantalang wala akong maalala na binastos ko siya ni minsan.

Nahuli ko ang pag-irap niya sa hangin bago sumimsim sa basong hawak niya. Nakaupo siya sa sira-sirang sopa na parang pag inupuan mo ay lulusot ka na sa sobrang rupok.

"Kuro Mesha... " Tawag ko sa pangalan niya.

Hindi siya lumingon sa akin pero nagsimula na siyang magsalita.

"Ang sasabihin ko sa'yo ay bad news, handa ka na ba marinig? ayaw kitang mamatay sa stress pero sasabihin ko parin sa'yo kahit ayaw mong marinig. Hindi naman para sa'yo 'to, kundi para sa mga taong hawak ng paaralang pinapatakbo mo na pinaktabo ko narin noon." Saad niya habang nakatanaw mula sa bintana.

Tumango ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Hinding-hindi ko rin naman talaga makakalimutan ang kauna-unahang tao na nagturo sa akin ng lahat. Para kaming si Chalter lang noon, tinuturuan niya din kami. Siya ang una't nag-iisang guro at nagpatayo ng Mystical Academy para sa mga kagaya namin.

Masasabi mo talaga na magaling siyang Kuro, kaya naman halos lahat nang tinuturuan niya ay hindi hamak na mahusay pag dating sa pag control ng ability nila. Naalala ko pa na isang section lang kami na tinuturuan niya at nasa fifty lang kami na estudyante niya. Sinukuan niya lang ang paaralan nang mangyari ang mapanganib na pag-ibig ni Ursula sa isang normal na tao.

Halos maging abo ang paaralan ng Mystical Academy. Pati ang dalawang siyudad ng Alsorer at Alkemi naging apektado. Muntik nang mabura ang mga kagaya namin dito sa mundo dahil sa makasariling pag-ibig ni Ursula.

"Handa akong makinig." Matapang na sagot ko.

Hinanda ko na agad ang sarili ko sa maririnig ko mula sa kaniya. Nanlalamig ang mga kamay ko ngunit tinatagan ko dahil pakiramdam ko manghihina ako sa kung ano man ang lalabas sa bibig niya.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now