CHAPTER 28

914 57 19
                                    

RAINI

"Telekinetic heat vision generate beams of heat from the eyes through psionic energy or focus."

Sumunod ang mata ko sa palakad-lakad na si Ms. Rakki. Abala ito sa pagtuturo sa unahan at abala ang lahat sa pakikinig pati narin ako. Kadalasan sa mga itinituro ng mga teachers ay alam ko na kung paano gamitin. Ngunit mas maganda pa nga din kung ituturo nila. Sa dami ng kaya namin gawin hindi sila mauubusan ng ituturo sa amin.

Lumitaw sa ibabaw ng lamesa ni Ms. Rakki ang isang malaking hologram. Para itong projector dahil may nakasulat. Kung sa Mortal Realm projector ang gamit ng mga teacher, sa amin naman hologram.

"Anyone of you are able to release immense amount of heat from your eyes with psionic energy which can be used to burn, heat, melt, and many more." Pag-ulit niya sa nakasulat sa hologram.

Tumunog ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase. Agad na nagsiksikan ang mga kaklase ko palabas ng classroom. Napailing nalang ako saka bumaling sa katabi ko na si Victoria na abala sa pag-aayos ng libro niya.

Hindi pumasok si Hydra at masama daw ang kaniyang pakiramdam. Dahil kami ay isang kaibigan na may taglay na kabaitan, hindi na namin pinilit. Ganoon din sila Lennox, Airlys at Chalter.

Naging maayos na ulit ang Academy pagkatapos ng ginawang pagsugod ni Demus. Muling naisa-ayos ang mga nawasak na kagamitan sa Academy. Ang estatwa ni Alkemi nakatayo na ulit sa gitna ng battle field. At ang maganda pa doon nilagyan nila ng malaking fountain ang palibot ng estatwa.

"Bakit naman kasi ang dami mong dalang libro?" Parang ako pa ang nahihirapan kay Victoria sa dami niyang dala.

"May pinag-aaralan lang ako."

Muntik ng mahulog ang nasa pinakatuktok ng libro. Dahil mabilis ang kilos ko nasalo ko iyon.

"Ako na magdadala ng iba." Kinuha ko ang dalawa pang libro sa ibabaw.

Ngumiti siya. "Thank you."

"Raini."

Napalingon ako sa likuran at nakita ko si Viorica at Reeci.

"Sasabay ka na ba sa amin papuntang cafeteria? baka nandoon na sila Airlys."

Napangisi ako nang makita ang bahagyang pamumula ng mukha ni Reeci nang banggitin ang pangalan ni Airlys. Siguro may nangyari na hindi ko alam. Hindi naman siya mamumula ng ganyan kung wala.

"Mauna na kayo, susunod nalang ako. Sasamahan ko lang muna si Victoria sa library."

Nagkibit balikat lang si Victoria at sabay na silang lumabas ng classroom.

Habang naglalakad kami ni Victoria papunta sa library. Sumagi sa isip ko ang nangyari ilang araw palang ang nakakalipas. Nang tanungin ako ni Mr. Themis kung may alam ako. Naalala ko kung paano niya kwenelyuhan si Chalter pagkatapos ko sumagot. Sa itsura niya nung panahon na iyon parang nakalimutan niya na anak ang turing niya sa lalaki. Wala akong ibang makita sa mukha ni Mr. Themis nun kundi galit.

Isa rin si Demus sa mga sumugod pero hindi nagkasalubong ang landas namin. Curious tuloy ako tungkol sa kaniya. Baka sakaling kapag nakita ko ang itsura niya ay makilala ko kung sino ang anak na hinahanap niya.

"Dito kami magkikita ni Raven." Litanya ni Victoria pagkapasok namin ng library.

"Kayo na ba?" Tanong ko sa kaniya habang abala siya sa pagsasauli ng mga libro sa bookshelves.

Umikot ang mga mata niya. "Ang kulit niyo sinabi ng hindi pa nga."

"Eh, parang kasi." Inagaw ko ang isang libro na dala niya at inayos iyon sa lalagyanan.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireOn viuen les histories. Descobreix ara