CHAPTER 9

1.3K 77 15
                                    

RAINI

"RAINI!"

Nagulat ako sa pagsalubong sa akin ni Hydra at Victoria pagkapasok ko sa gate ng Mystical Academy. tumatakbo ito papunta sa direksyon ko lumawak ang ngiti ko nang makita ko sila.

si Kuro Mesha ang naghatid sa akin malapit sa Academy hindi niya ako hinatid mismo sa tapat ng gate dahil ayaw niya. tinuro niya lang sa akin ang daan papunta dito nung malapit na kami sa Academy. ang matandang yon pinuyat ako kagabi para lang mag-training. hanggang ngayon ramdam ko parin ang pagod, pakiramdam ko ay kulang ako sa tulog at pahinga.

"Hoy, na-miss ka namin!" nanggigil na wika ni Hydra habang mahigpit ang yakap sa akin, ganun din ang ginawa ni Victoria ng makalapit siya.

"Nagtaka pa kami kung bakit ang tagal mo. kaya tinanong namin si Ms. Vanadey kung bakit hindi ka pa nabalik sa Academy sabi niya tini-train ka daw ni Kuro Mesha." mahabang wika ni Victoria.

"Akala ko ba uuwi ka sa inyo?" masama ang tingin ni Hydra sa akin pagkatapos niya kumalas sa pagkakayakap.

"Akala ko nga rin e, pero doon nila ako pinapunta." pagpapalusot ko. sobrang na-miss ko rin sila, masaya ako na nakita ko na sila ulit.

"Teka-bakit parang ang dami mong sugat sa mukha?" hahawakan pa sana ni Victoria ang mukha ko nang takpan ko ng dalawang kamay ang pisnge ko.

"Oo nga. sugat ba yon? binugbog ka ba ni Kuro Mesha?" gulat na tanong ni Hydra mabilis akong umiling bilang sagot.

"Ha? hindi ah." binugbog naman e? asa!

"Eh bakit ganyan ang mukha mo? tsaka parang kulang ka sa tulog tas parang pagod." gatong pa ni Victoria.

"It's a part of training." nakangiting wika ko sa kanila.

"Akala ko binugbog kana e." natawa ako sa sinabi ni Hydra.

"Bakit mo naman naisip yon?" natatawang tanong ko. si Kuro Mesha bubugbogin ako? baka siya bugbugin ko.

"Sabi kasi nila sobrang strict daw nun magturo parang mas malupit kay Chalter. yung habang nag ti-training ka pinapatay kana ganun." napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Victoria. parang hindi naman ganun ang nangyari sa akin? sino kaya ang nagkalat na ganun si Kuro Mesha? sobrang baliktad.

"Sino naman nagsabi niya?" natatawang tanong ko habang nagsimula nang maglakad. sumabay ang dalawa sa lakad ko at nasa gitna nila ako.

"Lahat." kibit balikat na sagot ni Hydra.

"Kamusta naman family bonding?" nagtaka ako nang biglang mag-iwas ng tingin si Hydra.

"Masaya, sobra." nahila ni Victoria ang atensyon ko nang sumagot siya. nakita ko ang malawak na ngiti niya kitang kita ko kung anong resulta ng pag-uwi niya.

"Sige, Raini mamaya nalang ulit papasok pa kami sa last subject e." tumango ako sa sinabi ni Hydra. nag beso pa sa akin ang dalawa bago silang umalis.

Nagpasya na ako na pumunta sa dorm para magpahinga sa sobrang bigat ng katawan ko muntik ko ng hindi madala ang sarili papunta sa girls dorm dahil bagsak na bagsak ang balikat ko sa sobrang pagod na nararamdaman. pagdating ko sa loob ng dorm ay pabagsak na inihiga ang katawan ko sa malambot na kama. narinig ko ang pag tunog ng tiyan ko dahil sa gutom pero pinakain naman ako ni Kuro Mesha bago ako umalis ng bahay nila pero parang kulang dahil hindi agad nabawi yung lakas ko.

Napapikit ako ng mariin nang maalala ko na may training ako bukas kasama si Chalter. baka pwede naman na bawiin ko na muna yung lakas na nawala sakin bago ako sumabak sa isa pang nakakamatay na training. hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong hinihila ng antok.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon