CHAPTER 13

1.1K 81 17
                                    

RAINI

"I would teach you some spell."

Nasa battle field ako ngayon kasama si Ms. Vanadey dahil ituturo niya daw sa akin yung mga spell na nai-turo niya na dati sa klase. hindi ko daw matutunan yun dahil hindi  naman pwedeng ituro niya ulit yun sa klase para sakin.

Kaya nung free time pinatawag niya ako para turuan ako sa mga spell. nakaramdam ako ng excitement dahil bet na bet ko ang pag spell casting dahil fan ako ng harry potter.

"Audi vocem meam Frustrum, sicut mandatum."

Pagbanggit niya nito biglang umangat ang upuan na nasa gilid. nanlaki ang mata ko sa pagkamangha.

"Ano po'ng sinabi niyo kanina?" excited na tanong ko dahil gusto kong subukan.

"Let me explain first, Miss Evanescent. ang spell na sinabi ko ay salin sa wikang latin ito ang sinasabi kung gusto mo magpalutang ng isang bagay, malaki ang maitutulong nito sa pang araw-araw pero hindi siya pwedeng gamitin kung tinamad ka lang abutin ang isang bagay." natawa pa na sabi nito na parang may-naalala siya.

"Bakit po?" pagtatanong ko dahil sa pagtawa niya pero hindi niya ito sinagot. nilingon niya ang isang upuan na hanggang ngayon ay lumulutan parin.

"Audi est mandatum meum,
Inferius in terra aerum."

Pagbigkas ni Ms. Vanadey ng mga salitang iyon ay unti-unting lumapag ang upuan sa lupa. para akong ewan na manghang-mangha, kahit na nagtuturo naman siya ng spell sa klase namin. pero hindi ko talaga maiiwasan mamangha dahil sobrang galing talaga.

"Kailangan mo lang ng pokus, ayon naman talaga ang importante sa lahat." tumango naman ako.

"I'll send you notes ng mga spell pwede mo'ng pag-aralan ang mga yon." tumango akong muli sa sinabi niya.

Tinignan ko ang upuan na pinalutang ni Ms. Vanadey kanina. nag-pokus ang mga tingin ko dito. gusto kong subukan ang isa sa mga itinuro niya.

"Fac illud in abscondito"

Nanlaki ang mata ko nang mawala nga ito kung saan ito nakapwesto. tumawa naman si Ms. Vanadey sa tabi ko nang makita niya ang reaksyon ko.

Magic will never failed to amuse me!

"Fac videntur esse videatur."

Nang magbanggit ako ng isang salamangka lumitaw ang upuan, hindi ito nagbago ng pwesto kung saan ito naglaho kanina. malawak ang ngiti na nilingon ko si Ms. Vanadey, napakunot ang noo ko dahil nakatitig lang siya sa mukha ko.

Tulala lang siya at mukhang hindi napansin na nakatingin na rin ako sa kanya. may dumi ba sa mukha ko?

"Ms. Vanadey, you're spacing out?" napakurap naman ito ng mabilis nang marinig niya akong nagsalita.

"Ow, I'm sorry it's just your face." nagtatakang wika niya.

Napawak naman ako sa mukha ko dahil sa sinabi niya. kinapa kapa ko pa ito dahil baka may dumi lang.

"Ano po'ng meron?" tanong ko nang walang namang makapa na kahit na anong dumi sa mukha.

"Your face and your eyes, it's reminds me of someone. I think I've seen you before?" naguguluhan pa na sabi niya.

"Impossible naman po iyon at kanino naman po?" bahagya naman siyang umiling na parang inaalala niya na hindi niya matandaan.

"I don't know, hindi ko matandaan pero parang nakita na kita dati."

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now