CHAPTER 34

953 43 20
                                    

S/A: HAPPY 1k Followers mga indzaaai!!! tigilan na ang pagiging silent reader magcomment na kayo HAHAHAHHAHAHAHA gusto ko kayo makilala!

THIRD PERSON

"Nakausap mo ba siya?" Tanong ni Achylus sa bagong gising na asawa.

Ilang taon din ang kaniyang hinintay upang tuluyan itong magkaroon ng malay. Labis ang kasiyahan niya na makita itong may malay na. Wala sa sariling pinagmasdan niya ang magandang babae habang nakatulala ito sa kawalan. Wala pa ito sa sarili dahil nangangapa pa ito sa kaniyang paligid.

Nilapitan niya ang babaeng nakadungaw sa balkonahe. Niyakap niya ito mula sa likuran habang ang kaniyang baba ay nakapatong sa balikat nito.

"I always call her name..." sagot nito. "It's also an odd feeling to think that I could get inside her body and speak to her. she had a powerful force coursing through her, and I could sense it." Humarap siya sa asawa.

Sandali siyang natulala dahil sa napakagandang mukha ng lalaki.  Pinagmasdan niya ang bawat sulok ng mukha nito. Hindi pa siya nakontento at hinawakan niya ang panga nito.

Then she smiled at him. "Did I ever tell you that you're so handsome?"

He smirked. "Nope." Sagot nito sa malalim na boses.

"You're perfect, love." malambing na wika nito habang hinahaplos ang mukha ng lalaki.

"Really?" Tanong ng lalaki habang ang mga mata nito ay nakatuon sa labi ng babae.

"I don't know why they call you 'god of darkness' when you are the one who brings light in to my life." Emosyonal na wika nito.

Umiwas ng tingin ang lalaki dahil sa sinabi ng babaeng pinakamamahal niya. May kakaiba siyang naramdaman nang sabihin nitong siya ang nagbibigay liwanag sa buhay ng babae.

"Do you want your daughter?" Pag-iiba ng lalaki sa usapan.

Ang kaninang malambing na mukha ng babae ay napalitan ng galit.

"Yes.. I want her dead." Pagalit na tumalikod ito at naglakad palayo.

Agad naman siyang sinundan ng lalaki. "Do you want me to bring her to you?"

"No need, Aki. Hayaan mo akong magpakilala sa kaniya personally. Anyway... Where's our daughter?" Umupo ito sa isang bakanteng upuan katapat ng isang napakahabang gintong lamase.

"She's in Mystical Academy." baritonong sagot ng lalaki.

Nanlaki ang mga mata ni Ursula at malakas na hinampas ang lamesang nasa tapat nito. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kalmado niyang asawa.

"What?" mahinang tanong nito. "Pinapasok mo siya sa pesteng paaralan na 'yon? Hindi mo ba naisip na anumang oras pwede siyang mamatay doon kapag nalaman ng mga tao doon na anak mo siya? na isa siyang espiya sa paaralang iyon?" Galit na saad nito.

"Our daughter is smart. And beside from that it's her decision, I don't have any choice because she's begging for it... I can't stand her."

Lumambot ang ekspresyon ni Ursula sa huling sinabi ng asawa.

"Alam mo naman na hindi ko pa nakikita ang anak natin." Nanghihina itong bumalik sa pagkakaupo.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon