CHAPTER 2 - Ailee

3.8K 128 17
                                    

Bigla akong nagising dahil sa sobrang lakas na tunog ng isang sasakyan na nanggagaling sa kabilang bahagi ng kalsada. Pinilit kong matulog muli pero mukhang hindi ko na talaga kaya. Bumangon na ako at naisipan kong puntahan kung ano ba ang nangyayari sa lugar na 'yon. Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa narating ko na ang lugar na pinagmumulan ng napakalakas na ingay kani-kanina lang.

Pero bigla akong nalungkot dahil hindi ko na ito naabutan pa. Sa tingin ko naman ay iilang tao ang nakasaksi 'non kaya agad akong nag-hanap ng tao na maaaring mapag-tanungan. Sa bandang kanan ko ay may isang matangkad na lalaki ang naka-tayo. "Kuya! Kuya! Teka lang po! Anong meron dito kanina?" Pero imbes na sagutin niya ang napaka-simpleng tanong ko ay tinitigan lamang ako nito at agad na naglakad papalayo na parang diring-diri sa akin.

Sa bandang kaliwa ko naman ay may isang matandang lalaki na naka-upo sa isang maliit na bench at naisipan ko na siya na lamang ang tanungin ko. "Manong! Ano po bang meron dito kanina? Bakit ang ingay?" Pinagmasdan ako nito pero 'di katulad nang unang taong tinanungan ko, siya ay sumagot at pinakinggan ko ang bawat detalye na sinabi niya. "Ahh, yun ba? Napakaraming sasakyan ng mga pulis ang dumaan at meron pang isang tangke." Bigla akong napa-isip dahil pagkaka-alam ko. Ginagamit lamang ang tangke kung mayroong digmaan. "Huh? Tangke? Ehh saan po ba 'yun papunta?" Agad niyang itinuro ang lugar kung saan papunta ang tangke. "Doon iha. Sa tingin ko ay papunta sila sa Mall of Asia."

Mall of Asia? At ano naman ang gagawin ng tangke na pang-digmaan sa lugar na 'yon? Di kaya may mga nagnanakaw nanaman ang gumagambala sa lugar na 'yon? Pero wala na akong pakielam sa kanila. Naisipanan kong bumalik na muli sa lugar kung saan ako natutulog kanina dahil baka agawin nanaman ng ibang mga masasamang palaboy ang karton na ginamit ko. Nakakahiya man sabihin sa inyo pero sa kalsada lang ako nakatira katulad ng napakarami pang ibang tao na katulad ko.

Muli akong tumakbo pero pagbalik ko sa lugar na 'yon ay wala na ang mga karton ko at ang pwesto kung saan ako natutulog kanina ay napapalibutan na ng mga mahigit sampung lalaking humihithit ng rugby. Ayoko nang paalisin sila sa pwesto ko dahil mukhang hindi magdadalawang isip ang mga 'yon na saktan ako. Wala na akong nagawa kundi ang lumipat nalang ng lugar kung saan pwedeng matulog at tumira, natatakot din kasi ako na mapa-away dahil alam kong wala naman akong kalaban-laban. Pero habang naglalakad ako ay may nadaanan akong isang napakalaking salamin. Pinagmasdan ko ang aking sarili at kagaya ng dati ay wala nanamang nagbago. Ang damit ko ay nangingitim na at ang buhok ko naman ay parang sinabunutan ng sampung babae sa sobrang gulo.

Pero sa tingin ko ay hindi dapat nangyayari sa'kin ang lahat ng 'to kung ang mga magulang ko lamang ay nandito sa aking tabi. Nakulong kasi sila matapos nilang akusahan na hindi nagbabayad ng tamang buwis. Agad na dinampot ng mga pulis si Papa, at si Mama naman ay agad na kumuha ng baril at sa sobrang galit ay aksidente niyang nabaril ang isang pulis sa tuhod. Nang dahil doon ay nakulong din siya at tanging si Tita Jessie na kapatid ni Mama na lamang ang nag-aruga sakin.

Pero hindi pa pala tapos ang lahat ng paghihirap ko dahil ang bahay na tinitirahan namin ay agad na kinuha ng gobyerno. Sa tingin ko ay ito ang karagdagang parusa matapos ng ginawa ni Mama.

Si Tita Jessie naman ay pinipigilan ang mga pulis na pumasok sa bahay namin (dahil papalayasin na kami) pero bigla siyang binaril sa ulo matapos niyang harangan ang mga ito! Nagkalat ang kanyang mga dugo sa napaka-kintab naming sahig. Sa sobrang pagkagulat ko ay hindi ko mapigilan ang sumigaw! Hindi ko inaasahan ang mga nangyari at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tumakbo ako patungo sa ilalim ng lamesa pero agad rin nila akong nakita. Hinatak nila ang mga paa ko at wala akong ibang nagawa kundi ang lumabas na lamang ng bahay. "Pasensya na bata! Utos lang samin ng Presidente 'to." Si Tita Jessie ay inilagay nila sa isang sako at hindi ko na alam kung ano pa ang ginawa nila sa kanya. Siguro ay itinapon nalang ang kanyang bangkay sa Pasig River upang wala nang makitang ebidensya ng ginawa nilang kasamaan.

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na ang hustisya sa aking bansa ay walang kwenta. pakitaan mo lang ng napaka-kapal na pera ang mga judge at agad na silang tatagilid. Napaka-gulo ng bansa ko. Gusto ko nang lumayas dito pero wala talaga akong magawa. Siguro ay mamamatay nalang akong nakatira sa gilid ng kalsada.

Isang taon na ang lumipas at ako ngayon ay 17 years old na. Ang kalsadang 'to ang naging tahanan ko at hindi ko na rin nadadalaw sina Mama at Papa sa kulungan dahil may isang bagong batas ang ipinatupad kung saan bawal nang dalawin ang mga bilanggo nang habang buhay. Marami ang nagalit pero sa tuwing ilalabas ng mga pulis ang kanilang mga baril ay agad nang nananahimik ang mga tao.

Ang Pilipinas ngayon ay ang tinaguriang pinakamahirap na bansa sa buong mundo. Pero para sa'kin, ang Pilipinas ang pinakamahirap na lugar sa buong universe. Salamat sa mga corrupt na opisyal ng gobyerno at ang napakapangit na pamamahala dito. Siya nga pala, ang Presidente ng bansa namin ay nakatira sa isang napakagandang mansyon samantalang ang buong mamamayan naman ay naghihirap at karamihan pa sa mga ito ay natutulog lang sa kalsada, kabilang na rin ako dito.

Habang naglalakad pa rin ako ay bigla akong nakakita ng grupo ng mga tao na nagsasagawa ng isang rally sa City Plaza. "Ibasura! Wag hayaang ipatupad ang bagong batas na 'yon!" Hindi ko sila maintindihan dahil ang kanilang mga karatula ay nakaharap sa kabilang bahagi ng kalsada. Naisipan 'kong lapitan ito upang mas maintindihan kung ano ba ang kanilang mga ipinaglalaban. Habang naglalakad naman ako papalapit sa kanila ay may mga media na nagsasagawa ng isang coverage.

Tuluyan na akong nakarating sa mga taong nagsasagawa ng rally at mas lalo kong naintindihan kung ano ba ang kanilang ipinaglalaban. Isa-isa kong binasa kung ano ba ang mga nakasulat sa karatula na ginawa nila at nagulat ako sa mga nakita ko.

"ITIGAL ANG DEPOPULATION LAW"

"SA NGALAN NG DIYOS! ITIGIL NIYO ANG BATAS NA 'TO!"

"SAY NO TO CAMP HORIZON!"

Hindi na ako nagulat kung sakaling gagawa sila ng batas kung saan babawasan ang mga tao dahil ang populasyon ng Pilipinas ngayon ay nasa mahigit 160 Million na. Natawa na lamang ako dahil mukhang mahirap ang batas na ipapatupad nila. Paano nila gagawin ang bagay na 'yon? Di kaya gayahin nila ang lumang pelikula na The Purge? Pero imposible! Mas lalong dudumi ang tingin ng ibang mga tao sa aking bansa. At ano naman ang Camp Horizon? Ngayon ko lang narinig ang katagang 'yon. Wala na akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa bansa dahil ang huling beses na nakanuod ako ng telebisyon ay noong huling dalawang taon pa.

Siguro, ang batas na kanilang gagawin ay gaganda sa paningin ng ibang mga tao sa ibang bansa at pansamantalang kukubli sa napakaruming pamahalaan ng Pilipinas.

Nakakaramdam na ako ang gutom at naisipan kong manghingi nalang ng pandesal sa bakery kung saan araw-araw akong namamalimos. Ang tindera sa lugar na 'yon ay halos naging kaibigan ko na rin.

Hindi niya ako pinagraramutan ng pag-kain at nang dahil sa kanya, ang napakapangit na tingin ko sa aking bansa ay napapalitan ng kaunting pag-asa.

Habang nag-lalakad ako patungo sa bakery ay bigla akong nakarinig ng isang iyak ng sanggol sa may eskenita. Nagulat ako at agad na napatigil sa paglalakad. Naisipan 'kong maglakad patungo sa iyak. Sa tingin ko ay hindi ito isang guni-guni dahil ang pag-iyak ay hindi pa rin tumitigil. Hindi rin ako nababaliw dahil hindi naman ako humihithit ng rugby. Palakas ito ng palakas hanggang sa ako ay nagulat! Binuksan ko ang basurahan at nakita ko ang isang napaka-cute na babaeng sanggol. Sa tingin ko ay isa nanamang walang kwentang mga magulang ang gumawa nito. "Hello baby. Kamusta ka?"

Agad 'kong binuhat ang napaka-cute na sanggol at naisipan ko na dalhin ito sa bahay ampunan na nasa kabilang bahagi lang ng siyudad. "Wag kang mag-alala baby. Hindi kita papabayaan dito. Ligtas ka na."

Pinagmamasdan ko ang sanggol hanggang sa tumigil na ito sa pag-iyak. "Yan! Mabait ka naman pala eh. Wag kang malung..." Hindi pa ako tapos sa pag-papatahan sa sanggol nang biglang may isang panyo ang idinikit sa bibig ko! Hindi ko makita kung sino ba ang naglagay nito sa mukha ko dahil siya ay nasa aking likuran! Unti-unti akong nanghina pero kahit anong mangyari ay hindi ko pa rin binibitawan ang sanggol!

Habang tumatagal ay hindi ko na mararamdaman ang mga tuhod ko hanggang sa napaluhod ako. Unti-unti akong napapikit pero nakikita ko pa rin na kinukuha nila ang sanggol mula sa mga kamay ko. Nararamdaman ko na binubuhat nila ako at agad nila akong ipinasok sa isang van. "Tulong..." mahina kong sinabi. "Wala ka nang magagawa bata! Ito ang utos sa'min ng Presidente." matapos sabihin ng lalaking bumuhat sa'kin ang mga bagay na 'yon ay tuluyan nang dumilim ang buong paningin ko hanggang sa hindi ko na nalaman ang mga sumunod na pangyayari.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now