CHAPTER 9 - Top

1.1K 61 7
                                    

"PESTE! PESTENG BUHAY TALAGA 'TO!" Hindi ko mapigilan ang sobrang inis dahil natakasan agad ako ng dalawang babae. Nanggigigil ako dahil hindi ko sila napatay! Ngayon ay naliligaw na 'ko dito sa loob ng Department Store at mukhang hindi ko na mahanap ang labasan. Nang dahil walang kwentang shutgun na 'yon ay nakatakas ang babaeng dapat babarilin ko. Bakit ba kasi naubusan pa ko ng bala? Hindi ko na nakita pa ang numero ng kanyang damit dahil mabilis siyang nakatakas. Alam kong hindi pa siya nakakalayo at mukhang nandito lang din siya sa loob ng Department Store at nagtatago.

Kung sakaling makikita ko siya ay hindi na ako magdadalawang isip na patayin siya o kahit na sino pang mga tao dito sa loob ng Camp. Nangangati na ang aking mga kamay na pumatay ulit ng tao.

May isang pangyayari ang agad na pumasok sa isip ko. Naaalala ko kasi ang isang pangyayari noong ako ay 19 Years Old palang. Iyon kasi ang kauna-unahang beses na nakapatay ako ng tao. Sa sobrang kahirapan kasi ay napilitan akong gawin ang isang bagay na labag noon sa kalooban ko.

Naisipan kong tumambay sa Luneta Park upang makahanap ng taong hoholdapin hanggang sa may isang lalaki akong nakitang bumaba sa isang napakagandang sasakyan. Siya ay may suot na gintong kwintas, may suot na napakagandang business suit, at may napakalaking bag. Agad kong inisip na ang bag na kanyang dala ay punong puno ng pera. Kaya naisipan kong sundan siya hanggang sa makarating siya sa isang napakataas na gusali.

Mahigit walong oras akong nag-abang sa kanya hanggang sa siya ay tuluyan nang nakalabas. Napakadilim na ng paligid at kakaunti na rin ang mga tao sa buong lugar. Gutom na gutom na ako noong mga sandaling 'yon at ang sikmura ko ay parang nagwawala na rin. Ang lalaking naka business suit ay agad na lumabas sa gusali at ako naman ay nabuhayan ng loob. Pumasok na siya sa kanyang sasakyan, pero hindi niya alam na ang daanan ng gasolina sa ilalim ng kanyang kotse ay binutas ko na gamit ang isang kutsilyo.

Agad na niyang binuksan ang kanyang kotse hanggang sa tuluyan na itong umandar. Pinagmamasdan ko siya ng tingin habang ang kanyang sasakyan ay tuluyan nang lumalayo mula sa lugar na kinauupuan ko.

Habang umaandar naman ang kanyang sasakyan ay bigla itong huminto at tumirik. Inaasahan ko na ganito ang mangyayari dahil sa ginawa ko kanina. Kaagad siyang bumaba sa kanyang sasakyan at saka na ako naglakad patungo sa kanya. Hawak-hawak ko ang isang napaka purol na kutsilyo na pinambutas ko sa Gasoline Pipe. Lumuhod siya upang silipin ang ilalim nang kanyang sasakyan hanggang sa tuluyan nang naganap ang isang bagay na hindi ko inaasahang mangyayari.

Biglang sumabog ang sasakyang pagmamay-ari ng taong hoholdapin ko dapat at saka ako tumilapon dahil sa sobrang lakas ng pwersa. Ang kutsilyong dapat na ipananakot ko sa kanya ay nabitawan ko at tumalsik sa gitna nang kalsada. Unang tumama ang aking likuran sa sahig at nahihirapan akong bumangon. Pero lumipas pa ang ilang segundo ay pinilit kong tumayo upang lumayo sa lugar nang pagsabog dahil naririnig ko na ang sasakyan ng mga pulis na paparating.

Nagtago ako sa likod nang puno at nang sinilip ko ang sasakyan na nasusunog ay bigla akong nagulat sa nakita ko. Ang lalaking dapat na nanakawan ko ay nakahandusay na sa gilid ng kalsada at nagliliyab. Hindi ako makapaniwala na ganong klasing bagay pala ang magagawa ko.

Tuluyan nang nakatating ang mga pulis at mabilis na akong nagtago upang hindi nila ako makita. Agad akong umiyak dahil sa bagay na nagawa ko. Nanginginig ang mga kamay ko at parang nagsisisi rin akong ginawa ko sa kanya 'yon.

Mabilis akong sumakay ng bus hanggang sa tuluyan na akong nakarating sa isang lugar, kung saan ay hindi na ako makikita pa ng mga pulis.

PERO HINDI PA PALA TAPOS ANG LAHAT NG 'TO.

Agad akong napadpad sa Quezon City Circle at doon na ako nagpalaboy-laboy. Habang naglalakad ako sa isang sidewalk ay nakakita ako ng isang bukas na telebisyon sa isang tindahan ng mga pagkain. Nilapitan ko ito upang makinuod dahil napapagod na ako kakalakad.

May isang Flash Report ang agad na lumabas sa TV screen at nagulat ako sa napanuod ko.

"Magandang araw sa inyong lahat. Isang nakakalungkot na balita. Ang CEO ng Emerald Corporation ay namatay matapos sumabog ang sinasakyan nitong kotse. Natuklasan ng mga pulis na ang daluyan pala ng gasolina ay nabutas. Agad na nakuha sa crime scene ang isang kutsilyo at ito ay positibo sa chemical na ginagamit sa paggawa ng gasolina. Nakuha rin ang finger print ng taong huling humawak dito.

Asahan niyo na ang mga City Police ay maglilibot sa buong siyudad upang kuhanin ang mga finger prints ng lahat ng mga mamamayan."

Pero hindi pa ako tapos sa panunuod ay bigla akong nakakita ng mga pulis na papalapit na sa tindahang pinagtatambayan ko! Agad na bumilis ang tibok ng aking puso at hindi ko na alam ang aking gagawin. May hawak silang Scanner at kung sino man ang mga taong makasalubong nila ay agad nilang pinapatigil upang mag-scan ng kanilang mga kamay.

Mabilis na lumipas ang ilang minuto at pinagpapawisan na rin ako sa sobrang kaba. Nasa likod ko na ang mga pulis at saka ako nakaisip ng isang napakagandang paraan. Nakita ko na bukas ang isang stove at ang babaeng nagbabantay sa tindahan ay nakatalikod. Mabilis kong idinikit ang mga kamay ko hanggang sa napasigaw ako sa sobrang sakit. Agad ko ring tinanggal ang aking kamay at ang may ari naman ng kainan ay biglang nagulat dahil sa ginawa ko. "Diyos ko! Ayos ka lang ba?" Agad na sinabi ng babaeng nasa loob ng tindahan. "A-Ayos lang po ako." Binigyan niya ako ng isang baso ng tubig at tissue saka ko binuhusan ang aking mga kamay. Napasigaw ako sa sobrang hapdi at pinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi ko na uulitin ang ganitong klaseng bagay.

"Kamusta iho, patingin ng Finger Print mo." Bigla akong nagulat dahil ang mga pulis pala ay nasa likod ko na. Agad kong pinunasan ng tissue ang aking mga kamay ay pinilit kong hindi ito iharap sa kanila upang hindi nila makita ang paso.

Idinikit ko ang mga kamay ko sa scanner at agad na lumabas ang berdeng ilaw galing sa ilalim nito. Mahigit sampung segundo ang tinagal nang pag i-scan hanggang sa tuluyan nang lumabas ang resulta.

"NEGATIVE"

Nakahinga ako ng maluwag at ang mga pulis naman ay tuluyan nang umalis.

Sa tuwing naaalala ko ang bagay na 'yon ay parang natatakot pa rin ako. Pero matapos nang pangyayaring 'yon ay mas lumakas ang aking loob na magnakaw at manakit ng ibang tao. Natuto pa akong humithit ng rugby at nang dahil din doon ay parang muling sumigla ang buhay ko.

Nandito pa rin ako sa Department Store at lumipas pa ang ilang minutong paglalakad ay tuluyan ko nang nakita ang labasan.

Pero bigla akong napahinto dahil nakarinig ako ng ingay galing sa likod ng mga damit na naka display.

Agad ko itong nilapitan at matapos kong hawiin ang mga damit ay bigla akong nagulat dahil may isang matandang lalaki pala ang nagtatago dito. "Pakiusap... Pakiusap iho, wag mo akong patayin..." Mahina niya itong sinabi sa akin.

Pinagmasdan ko ang kanyang damit at nakita ko na ito ay Number 48. Naaalala ko kanina na ang number 48 sa listahang nakuha ko ay ang pinaka matandang kasali sa larong ito.

Napahinga ako ng malalim at bigla tuloy akong napaisip kung dapat ko ba siyang patayin o hindi.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now