CHAPTER 4 - Mylene

2.4K 89 17
                                    

Ang sakit ng ulo ko. Oh Diyos ko! Pero habang tumatagal ay unti-unti na itong nawawala. Saka ko lang napansin ang tunog ng huni ng mga ibon sa kalangitan. Bumangon ako at napatingin sa langit. Napaka-aliwalas ng kalangitan at ang mga bituin naman ay tanaw na tanaw ko. Pero may isang bagay pa akong agad na napansin. Sa di kalayuan ay naririnig ko ang hampas ng alon ng tubig. Siguro ay malapit lang ako sa dagat. Pero nasaan na ang mga buhangin? Ang sahig kasi na tinatapakan ko ay gawa sa simento. Muli akong tumalikod at saka ko lang nakita ang napaka taas na Ferris Wheel. Teka! Parang alam ko kung ano ang lugar na 'to.

Pinipilit kong isipin kung nasaan ako pero hindi ko talaga maalala. Ang napakalakas na alon ng tubig ay mas lumalakas pa habang ako ay naglalakad. Siguro ay papalapit na ako rito. Ipinagpatuloy ko pa ang paglalakad hanggang sa tuluyan ko na itong nakita ng mas malapitan. Wala nga ako sa dagat dahil may mataas na simento na nakaharang. Sinukat ko ang harang na pader at ito ay hanggang sa tiyan ko. Pinilit ko itong akyatin hanggang sa tuluyan na akong nakatayo sa ibabaw.

Pinagmasdan ko ang lugar at may isang bagay nanaman akong napansin. Walang ibang tao dito kundi ako lang. At sa kabilang bahagi ng ferris wheel ay may isang gusali. Hindi ko ito masyadong makita dahil napaka-dilim ng buong paligid. Naisipan ko na bumaba na sa kinatatayuan ko upang puntahan ito. Tumakbo ako hanggang sa narating ko na ang gusali. Kahit na sobrang dilim ng paligid ay pinilit ko pa ring basahin ang nasa ibabaw ng gusali. "Mall of Asia" Mahina ko itong binigkas.

Sandali lang? Mall of Asia? Alam ko ang lugar na 'to! Ito nalang ang nag-iisang mall sa buong siyudad. Ang ibang mga Malls kasi ay tuluyan nang nagsara dahil sa pagkalugi. Pero sa tingin ko, ang Mall of Asia ay malapit na ring mag-sara dahil wala nang oras ang mga tao na mag-punta sa ganitong klasing lugar. Sinasabi rin nila na ang Mall of Asia ay ang isa raw sa pinakamalaking Mall sa Asya noong araw. Pero iba na ngayon. Ang Mall of Asia kasi ay pang-21 nalang sa pinaka malaking mall sa Asia. Salamat sa napakalaking projector sa labas ng Star City at nalaman ko ang mga bagay na 'to. Siguro din, ang dagat na nakita ko kani-kanila lang ay ang napakaduming Manila Bay.

Ang mga anak ko...

Bigla silang pumasok sa isipan ko at hindi ko alam ngayon kung nasaan na sila. Pero bakit ba ako nandito ngayon? Ano ang ginagawa ko sa lugar na 'to? Naguguluhan ako! Gusto ko nang makita ang mga anak ko at baka hindi pa sila kumakain! Oo nga pala! Ako pala ang dapat magdadala ng pag-kain sa kanila. Ang pagkain na galing sa basurahan! Gusto kong umiyak pero hindi ito matuloy-tuloy dahil sa sobrang lakas ng hangin na sumasampal sa mukha ko. Pero habang tumatagal ay mas lalo pa itong lumalakas! Lumingon ako sa aking lukuran at mas nanlaki ang mga mata ko! May isang kahon na unti-unting bumababa galing sa langit. Pinagmasdan ko ito hanggang sa tuluyan nang lumapag sa sahig. Naisipan ko itong takbuhin pero hindi ko alam kung ano ang laman sa loob nito. Paano kung may bomba? O baka Pagkain! Oo! Siguradong pagkain ang laman 'non dahil gutom na gutom na rin ako! Agad akong tumakbo papalapit rito pero agad akong napatigil dahil sa isang bagay.

"Ahh!" Napasigaw ako sa sobrang pagkagulat dahil ang napakadilim na paligid ko ay unti-unting lumiliwanag. Ang mga ilaw sa mga lamp post ay tuluyan nang bumubukas. Maging ang mga ilaw sa gusali kung saan nakalagay ang mga katagang "Mall of Asia" ay tuluyan na ring umandar. Pinagmasdan ko ang ferris wheel at maging ito ay umaandar na rin. Nang dahil sa mga ilaw ay nalaman ko na naka-tayo pala ako ngayon sa gitna ng kalsada. At ang kahon na nakita ko kani-kanina lang ay nakapatong pala sa isang sidewalk.

Bago pa ako humakbang ay bigla akong nakarinig ng isang babaeng nag-sasalita. Pero kakaiba ang ingay na naririnig ko at mukhang galing ito sa isang speaker katulad nang nakita ko noong araw na pinapa-alis kami ng mga pulis sa Roxas Boulevard. Yung speaker na nasa helicopter. Medyo malakas ang mga salitang naririnig ko at mukhang aabot sa dagat ang tunog ng speaker.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon