CHAPTER 12 - Mylene

1.1K 55 9
                                    

"GUSTO KO NA PO TALAGANG MAKA-ALIS DITO!" Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Shiela Mae na may suot na number 14 na damit. "AYAN NA PO YUNG APOYYYYY!" Natataranta namang sinabi ni Kenneth na may suot na number 18 na damit.

Napapalibutan na kaming lahat ng naglalagablab na apoy at kahit anong pag-tulak ang gawin namin sa pintuan ay hindi pa rin talaga ito bumubukas dahil sa naka-harang na kahoy! Aksidente ko namang nakapa ang aking bag dahil sa sobrang pagpa-panic nang bigla akong may nahawakan na isang matigas na bagay. Yung stainless elesi! "Teka lang! May gamit ako sa bag, baka makatulong!"

Agad namang napalingon si Arianne sa akin at parang nagkaroon siya ng napakaliit na pag-asa. "Bilis! Kunin mo na! Bilisan mo!" Nararamdaman ko na ang init na nanggagaling sa apoy pero hindi ko pa rin ito pinansin. Agad kong kinuha ang elesi at hinampas ko ito ng napakalakas sa pintuan. Pero hindi pa rin ito nabasag! Tanging isang maliit na crack lang ang nagawa ko.

Bigla akong nagulat dahil inagaw sa akin ni Arianne ang elesi at siya ang humampas sa pintuan. Para siyang isang lalaki dahil sa pagkakahampas nito, at inulit-ulit pa niya ang pag-palo hanggang sa mas lumaki na ang crack. "ATE ARIANNE! AYAN NA YUNG APOYYYY!" Mabilis na isinigaw ni Justin... Teka, si Kris pala ang sumigaw! Nalilito na ako sa kanilang itsura dahil sa sobrang pag pa-panic.

Isang napakalakas naman na tunog na parang nabasag na plato at baso ang kaagad kong narinig! Dahil sa sobrang pagkagulat ay hindi ko mapigilan ang tumili nang napakalakas! Pag-lingon ko sa pintuan ay tuluyan na itong nabasag! Kaagad kong binuhat ang mga bata upang palabasin! Pero dahil sa sobrang liit lamang ng nagawa naming butas sa salamin, mukhang nahihirapan kaming lumabas!

Sinipa ko naman ito nang napakalakas hanggang sa mas lumaki pa ang basag na nagawa namin. Unang lumabas si Arianne. Binuhat niya si Justin hanggang sa tuluyan na rin itong nakalabas. "Mag-ingat kayo sa mga bubo!" Isinunod niya si Kris na nangingiyak-ngiyak na dahil sa sobrang takot. Isinunod ko naman si Shiela Mae at si Kenneth na itawid sa labas.

Si Melby naman ay natatakot pa rin at parang ayaw niyang lumabas dahil sa mga napaka-tulis na bubog na naka-kalat sa gilid ng pintuan. "LUMABAS KA NA MELBY! BILISAN MO!" Sigaw ni Arianne galing sa kabilang bahagi ng pintuan.

"Natatakot po ako!" Paiyak niyang isinagot. Kaagad akong lumabas sa pintuan at dahil sa sobrang pagmamadali ko ay aksidente kong naidikit ang aking kaliwang braso sa bubog ng salamin na nakadikit sa pintuan. Kaagad na tumalsik ang kakaunting dugo ko sa sahig. "OUCH! ARIANNE! ARIANNE! KUNIN MO NA SI MELBY! BILIS!" Agad na lumapit si Arianne sa pintuan upang hatakin na si Melby. Lumingon naman ako sa kanila upang makita kung nakalabas na ba si Melby kahit na nararamdaman ko pa rin ang sobrang hapdi na nanggagaling sa aking kaliwang braso.

Nang hahatakin na si Melby ni Arianne ay bigla akong nawindang sa mga nakita ko! Dalawang segundo matapos mailabas si Melby ay tuluyan nang umabot ang apoy sa lugar na kinatatayuan ng bata! Mabilis na nasunog ang kanyang tuhod hanggang sa umakyat na ito sa kanyang damit. Mabilis naman siyang naihatak ni Arianne pero sa sobrang pagmamadali ay biglang tumama ang ulo ni Melby sa kahoy na nakaharang sa handle ng pintuan. "DIYOS KO! NASUSUNOG NA SI MELBY!" Sigaw ni Arianne. Umiiyak si Melby ng napakalakas dahil sa sobrang sakit nang kanyang pagkaka-untog at maging ang sobrang hapdi ng mga apoy na nakapalibot sa kanyang buong katawan!

Kahit na napaka-init ay hinila pa rin siya ni Arianne upang mailayo sa nasusunog na gusali. Agad na humandusay ang kawawang bata na si Melby pero pinipilit pa rin siyang hilahin ni Arianne! "TAMA NA ARIANNE! PATAY NA SIYA! PATAY NA!"

Umiiyak si Arianne at mukhang hindi niya magawang iwanan ang kawawang bata. Si Justin at ang iba pang mga bata ay nakapikit at mukhang hindi nila kayang makita ang mga nangyayari. "HINDI! HINDI KO SIYA IIWAN!" Pero wala nang nagawa si Arianne matapos ko siyang hatakin ng napakalakas! "TARA NA! KAILANGAN NA NATING MAKA..."

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now