CHAPTER 33 - Ailee

565 29 1
                                    

Nananahimik lang ako at mas pinipili kong hindi na lamang magsalita pero kanina pa talaga ako may nararamdamang kakaiba sa lugar na napuntahan ko. Noong una ay pinaniwala ako ni Eddmar at Jimmy na ligtas at mababait ang samahang napuntahan ko. Pero napapaisip pa rin ako kung bakit may mga namamatay pa rin kung tunay ngang ligtas sa lugar na 'to. Kani-kanina lamang ay namatay si Jenicca sa hindi malaman na dahilan at silang lahat ay tila walang pakielam. Kasalukuyan kasi silang nakikinig ng mga pagsabog sa di kalayuan at maging si Mylene ay nakatulala rin at mukhang may malalim na iniisip.

Kung babalikan ko ang mga nangyari kanina. Si Clarisse na may sakit sa pag-iisip ay namatay sa pagliligtas sa akin dahil sa sanggol at mukhang walang pakielam si Beatriz base sa naging reaksyon niya. Ang pangalawa namang namatay kanina ay si Jimmy na walang ginagawa kundi ang nakahiga lamang. Biglang bumula ang kanyang bibig matapos siyang painumin ng gamot ni Beatriz. At ang panghuling taong namatay ay si Jennica kung saan ay matapos niyang tikman ang sopas na niluto ni Beatriz.

Kung iisipin ko ng mabuti. Mukhang may koneksyon si Beatriz sa mga masasamang nangyari sa kanila. kasalukuyang bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga nakakakabang nangyayari. Kung tama rin ang hinala ko na masamang tao si Beatriz ay mukhang kailangan na naming maka-alis ni Mylene at ang sanggol sa lugar na 'to sa mas lalong madaling panahon.

Gusto ko sanang kausapin si Mylene tungkol sa mga teorya ko pero biglang tumabi sa kanya si Beatriz. Mas mahihirapan ata akong kausapin siya.

Ang sanggol ay kasalukuyang natutulog sa isa sa mga kwarto ng simbahan at buo na ang desisyon ko na isama na rin siya. Sa pag-alis namin sa lugar na 'to.

Kasalukuyan ko pa ring naririnig ang mga pagsabog at habang tumatagal ay mas luma lakas pa ang mga tunog nito. "HOY! TIGNAN NIYO YUNG NASA TAAS!" Hindi ko naman inaasahan ang biglang pagsigaw ni Eddmar. Sabay-sabay kaming napatingala sa kalangitan at bigla kaming nakakita ng mga lumilipad na hover plane at helicopters patungo sa direksyon ng mga putukan. "Ano bang nangyayari? Parang may masama atang nangyayari sa labas ng mga bakod." Wika ni Mylene. Pero ang lahat ay sinusundan ng tingin ang mga sasakyang panghimpapawid habang papalayo ito sa amin at wala nang sumagot pa sa mga tanong niya.

Nasa tabi ko si Mang Elwin at hindi na rin ako nagdalawang isip na magpaalam sa kanya habang ang lahat ay nakatingin sa himpapawid. "Mang Elwin. Pupuntahan ko lang po yung sanggol. Baka gising na eh." Kaagad naman siyang tumango at saka na ako pumasok sa loob. Hindi ko naman inaasahan ang mga sumunod na pangyayari dahil bigla na rin silang sumunod sa akin noong pumasok ako. Narinig kong nagsalita si Mikaela nang medyo nakakalayo na ako sa kanila. "Ano ba yan. Akala ko baman kung ano. Hindi naman pala 'yon galing dito sa loob ng Camp Horizon. Baka naman yung mga rebelde nanaman 'yon na walang magawa kundi magpakamatay nalang para sa wala. Sus! Tara na nga dito sa loob!"

Lumipas pa ang ilang segundong paglalakad hanggang sa nakapasok na ko sa kwarto ng sanggol. Kasalukuyan pa rin siyang natutulog at kaagad ko siya binuhat. Niyakap ko siya ng napaka higpit at saka ako nagsalita para sa kanya. "Wag kang mag-alala baby. Makaka-alis na tayo dito." Saka ko muling niyakap ang sanggol at ipinikit ko ang mga mata ko upang mas maramdaman ko ang kanyang presensya. "Wag kang mag-alala. Hindi kita papabayaan." Agad kong ibinulong sa kanya.

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto matapos kong magsalita at habang yakap-yakap ko pa rin ang sanggol ay bigla akong nakarinig ng mahinang tunog. "Toot. Toot. Toot." Para itong tunog ng isang lumang video game at saka ko muli pinakinggan ang tunog. Patuloy pa rin ang pag-tunog nito at habang tumatagal ay hindi pa rin ito tumitigil. "Ano ba 'yong tunog na 'yon?" Pinilit kong hanapin kung nasaan ba ang tunog at napagdesisyunan kong ibalik ang sanggol sa kama at lumuhod upang hanapin ang tunog sa ilalim ng lamesa at nang pagsilip ko dito ay nabigo lamang ako.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now