CHAPTER 36 - Ailee

580 28 0
                                    

Kasalukuyan naming tinatahak nila Eddmar, Mikaela, Mylene, at ang sanggol ang ligtas na lugar na tinutukoy ni Beatriz habang siya naman ang nagsisilbi naming gabay. Siya kasi ang nangunguna sa paglalakad habang kami namang lahat ay sumusunod lamang sa kanya. Bago kami makapasok sa loob ng mall ay bigla akong napatingin sa bandang kaliwa sa labas. Natanaw ko kasi sa di kalayuan ang kaninang nasunog na department store. Hindi ko naman inaasahan na biglang magsasalita si Mylene. "Napaka-bilis talaga ng oras. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na silang lahat. Sina Kenneth, Arianne, at ang iba pang mga mabubuting tao na nakasama lang natin kanina." At saka naman siya napatingin sa akin. Sina Eddmar at Mikaela ay nasa bandang unahan namin kaya sigurado ako na hindi nila narinig ang sinabi ni Mylene. "Wag kang mag-alala Mylene. Makakalabas tayo dito. Naniniwala ako." Habang nakatingin pa rin sa akin si Mylene ay bigla siyang napaluha at hindi ko naman inaasahan na gagawin niya 'yon. "Yung... Yung mga anak ko. Kamusta na kaya sila?" Pinunasan niya ang kanyang luha at muling nagsalita. "Nami-miss ko na sila. Si Jester at si Marianne. Gustong gusto ko nang marinig ang tinig ng mga anak ko. Gustong gusto ko na silang yakapin." Bigla kong itinigil ang paglalakad ko at ang pagtulak sa kanyang wheelchair at saka ako lumapit upang yakapin siya. "Magkikita ulit kayo ng mga anak mo. Magtiwala ka lang sa Diyos." Napansin ko naman na napatigil sina Eddmar at ang iba pa sa paglalakad dahil sa'min ni Mylene. "Nami-miss ko na ang mga anak ko. Ayokong mawala rin sila katulad ng nangyari sa asawa ko." Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya habang pinapagaan ko ang loob niya. "Alam mo ba Mylene... Nami-miss ko na rin sina Mama at Papa. Kasalukuyan pa rin silang nakakulong at gustong-gusto ko na rin silang makita at mayakap. Kaya wag kang mag-alala dahil makikita rin natin ang mga mahal natin sa buhay." Hindi ko na rin mapigilan ang maluha dahil sa mga nasabi ko. Tila parang may kumurot sa puso ko matapos kong maalala ang mga magulang ko. Gusto ko na rin sila makita katulad ni Mylene na gusto na ring makita ang kanyang mga anak. Pagkalipas naman ng samoung segundo ay itinigil ko na ang pagyakap ko kay Mylene at hindi ko inaasahan na nasa harapan na pala namin sina Eddmar, Beatriz, at Mikaela. "Tama na muna yang drama. Kailangan muna nating maghanap ng matataguan. Hindi na ligtas dito sa labas dahil mas madali na tayong makikita ng iba pang mga tao dito." Pinunasan ko na ang luha ko at saka tumayo. Pumunta ako sa likuran ni Mylene at muli kong ipinagpatuloy ang pagtutulak sa wheelchair. Si Eddmar naman ay napagdesisyunan na tumabi sa akin habang kami ay naglalakad. Tinitigan niya ang sanggol na hawak-hawak ni Mylene saka nagsalita. "Uhm. Ate Mylene. Pwede ko po bang kargahin yung sanggol?" Napalingon naman si Mylene sa kanya at saka sumagot. "Ahh sige ba. Ohh." Iniabot niya kay Eddmar ang sanggol at nang nakuha na ito ni Eddmar ay hindi nito mapigilan ang mapangiti. "Hello baby. Kamusta ka na? Gutom ka na ba? Wag kang mag-alala ha. Kakain tayo ng marami mamaya. Promise yan!"

Lumipas pa ang ilang minutong paglalakad hanggang sa tuluyan na kaming napadpad sa isang lumang bangko. "Eto na. Nandito na tayo." Wika ni Beatriz. "Nasaan na tayo? Anong lugar to?" Tugon naman ni Mikaela. "Nandito tayo sa Philippine National Bank. Nagsara na 'to matapos bumagkas ang ekonomiya ng buong Pilipinas. May alam akong ligtas na lugar dito. Tara na!" Napansin ko na sarado ang pintuan ng bangko pero matapos itong sipain ng napakalakas ni Beartiz ay saka na ito bumukas. Napakalakas ng tunog nito at hindi ko mapigilan ang magulat. Isa-isa kaming pumasok sa loob nito at sumalubong naman sa amin ang napakalamig na hangin. Napakadilim sa loob nito at saka na kinuha ni Eddmar ang nag-iisang flashlight sa kanyang bulsa. Binuksan niya ito at tumambad naman saamin ang napakalumang lugar. Ang mga lamesa ay punong-puno na ng mga sapot habang ang mga upuan naman ay hindi na maaaring upuan dahil marupok na ito. "Bakit dito mo kami naisipan na dalhin Beatriz?" Tanong ni Mylene. "Noong bata pa ako. Palagi kaming pumupunta dito sa National Bank at palagi kong nakikita yung malaking vault na nasa pinakadulong bahagi ng lugar na 'to. Alam kong ligtas tayong lahat doon." Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa natanaw ko sa kaliwang bahagi ang isang pintuan habang nakalagay naman ang isang karatula nito sa taas na may katagang EMPLOYEES ONLY! DO NOT ENTER! Nakita rin ito ni Beatriz hanggang sa tuloy-tuloy na niya itong pinasok. "Mag-ingat ka Beatriz. Mukhang delikado d'yan." Pero hindi niya ako pinansin at ipinagpatuloy pa rin niya ang paglalakad hanggang sa pinasok na niya ang napakadilim na kwatro. "Saan pupunta 'yon?" Tanong ni Eddmar. "Anong gagawin 'non sa loob?" Tanong naman ni Mikaela. At paglipas lang ng limang segundo ay biglang bumukas ang lahat ng mga ilaw sa loob ng bangko at saka lumabas si Beatriz. "Pasensya na. Naroon kasi sa loob yung Power Switch ng buong lugar na 'to." At 'di ko mapigilan ang mapalingon sa buong lugar at hindi ko inaasahan na malaki pala ang bangko na 'to. Sa pinakadulong bahagi naman ng lugar na 'to ay natanaw ko ang isang nakabukas at napakalaking vault. Itinuro ko ito at saka nagsalita. "Ayun! Tara na!" Napalingon din silang lahat sa tinuro ko hanggang sa pinuntahan na namin ang napakalaking vault. Dali-dali na kaming pumasok sa loob ng napakalamig na vault at sobrang lamig ng lugar ay parang may nakabukas na aircon.

Isang minuto pa lamang ang lumipas sa pananatili namin sa loob ng vault at bigla namang umiyak ang sanggol na buhat-buhat ni Eddmar. "Nako. Umiiyak yung baby Mylene." Napalingon naman si Mylene sa kanya at mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit umiiyak ang sanggol. "Kailangan na talaga natin ng pag-kain. Mukhang gutom na talaga ang sanggol." Muli akong napalingon kay Eddmar matapos niyang magsabi ng gagawin. "Alam ko na. Ako nalang ang kukuha ng pag-kain." Pero Hindi ko inaasahan ang biglang pagsagot ni Beatriz. "Hindi na Eddmar! Ako nalang ang kukuha ng pagkain para sa'ting lahat. May alam akong malapit ng fast food chain dito." Agad rin namang nagsalita si Mikaela. "Oo nga Eddmar. Mukhang kabisado ni Beatriz ang buong lugar. Baka maligaw ka pa kung sakaling ikaw pa ang lalabas." At wala na ngang nagawa si Eddmar. Nagpaalam na si Beatriz sa amin at sinimulan na niyang tahakin ang fast food chain na pupuntahan niya. "Pst!" Bigla akong napalingon sa aking likuran at napansin ko na si Mylene pala ang sumitsit sa akin. Tumango siya sa akin at mukhang pinapalapit niya ako papunta sa kanya. Kaagad naman akong lumapit sa kanya at saka niya inabot sa akin ang isang maliit na kutsilyo. Hindi naman nakita ni Eddmar at Mikaela ang pagabot sa akin ng kutsilyo dahil kasalukuyan silang nakatingin kay Beatriz habang siya ay papalayo. "Para saan 'to?" Pabulong kong sinabi sa kanya. "Alam kong may binabalak siyang masama. Nagbago ang tingin ko sa kanya matapos sumabog ang simbahan at naniniwala ako sa'yo Ailee. Natatakot ako para sa buhay ng sanggol. Sundan mo siya at alamin mo kung ano ba talaga ang plano niya. Dali!" Ang kutsilyo naman na ibinigay sa akin ni Mylene ay dali-dali kong ipinasok sa bulsa ng pantalon ko. Nginitian ko siya at saka tumango. "Para sa ating lahat. Gagawin ko ang sinasabi mo. Mag-ingat ka rin dito." At tuluyan na akong naglakad patungo sa pintuan ng vault. "Teka lang Ailee. Saan ka pupunta?" Wika ni Eddmar. "Ahh. D'yan lang sa Employees Room. Maghahanap lang ako ng mapapakinabangan na'tin." Matapos kong magdahilan ay saka na nila ako pinalabas. Narinig ko naman na tinawag sila ni Mylene at tuluyan na rin silang umalis sa pintuan ng vault. Habang papalayo ako ay naririnig ko pa rin ang pag-iyak ng sanggol at muli kong naalala na kailangan ko siyang protektahan. Hindi ako makakapayag na madamay din siya sa kung ano mang binabalak ni Beatriz kung meron man. Handa akong isugal ang lahat upang makalabas ako ng buhay dito sa Camp Horizon.

***

Huminga ako ng malalim at unti-unti kong binuksan ang pintuan papalabas dito sa bangko. Sumilip ako sa labas at nakita ko naman si Beatriz na tuluyan nang nakalayo. Lumabas na ako at saka ko na siya sinundan. Pinilit kong maglakad na may mahinang paghakbang upang hindi niya ako mahuli at paglipas ng limang minutong pagsunod ko sa kanya ay napansin ko na bigla siyang napahinto sa paglalakad. "Ba't siya huminto?" Pabulong kong sinabi habang nakatago ako sa isang napakalaking poste. Muli akong dumungaw at napansin ko na nakatingin siya sa bandang kaliwa ng kanyang nilalakaran. At hindi ko inaasahan ang mga sumunod niyang ginawa dahil bigla siyang pumasok sa loob ng kanyang tinitignan kanina. "Ba't siya pumasok? Wala namang fastfood chain doon ah!" Tumagal ng tatlong minuto ang pagkawala niya at paglipas 'non ay muli na siyang bumalik at naglakad paalis at saka ko naisipan na lumabas na rin sa poste. "Kailangan kong malaman kung ano ba 'yong lugar na 'yon. Nakakapagtaka." Mahina kong sinabi. Lumingon ako sa buong paligid at nang mapansin ko na walang ibang mga tao sa paligid ko maging si Beatriz ay muli na akong naglakad at habang mas papalapit pa ako sa lugar na pinuntahan ni Beatriz ay mas lalo akog kinakabahan. Agad ko nang kinuha ang kutsilyo na nasa bulsa ko at nang pagkarating ko sa lugar na pinasukan ni Beatriz kanina ay bigla akong nagulat. "Basement? Anong meron sa basement na 'to?" At saka na ako pumasok sa loob upang alamin kung ano ba ang meron sa lugar na 'to.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now