CHAPTER 35 - Top

536 28 0
                                    

May isang bagay akong napansin at iyon ay mukhang konti na na lamang ang mga natitirang buhay dito sa loob ng Camp Horizon dahil wala na akong nakikitang mga pagala-galang mga tao na gustong humadlang sa pagkapanalo ko. Pero sa loob ng ilang oras ng pananatili ko dito sa loob ng lugar na 'to ay nararamdaman kong nanunuyot na rin ang mga laway ko at mayroon akong isang bagay na gusto. At iyon ay ang rugby. Nami-miss ko na ang amoy 'non at sa oras talaga na makalabas ako sa lugar na 'to ay iyon agad ang una kong bibilhin.

Naisipan kong bumalik na sa loob ng mall dahil nakakairita na talaga ang mga pagsabog na naririnig ko sa di kalayuan. Naglakad ako hanggang sa muli ko nanamang nakita si Camela na biglang sumulpot sa harapan ko. "Camela?" Pero matapos ko lamang magsalita ay bigla siyang naglaho. At nang pagsilip ko naman sa aking likuran ay naroon na siya. "Camela? Paano ka napunta d'yan?" Pero matapos ko lamang magsalita ay muli nanaman siyang naglaho.

"Camela? Nasaan ka!" At nang paglingon ko muli sa aking harapan ay naroon nanaman siya. Pero sa pagkakataong ito ay nakatingin na lamang siya sa akin at hindi na nagsasalita. Unti-unti akong naglakad patungo sa kanya at nang pagkarating ko sa mismong harapan niya ay sinubukan ko siyang hawakan. At nang dumampi na ang aking mga daliri sa kanyang mukha ay MULI NANAMAN SIYANG NAWALA! "Ano bang nangyayari dito? Nababaliw na ba ako?" Pasigaw kong sinabi.

Pero bigla akong kinilabutan dahil matapos ko lamang sumigaw ay biglang bumulaga sa buong paligid ko ang sandamakmak na mga tao na kamukhang kamukha talaga ni Camela na nakasuot ng pulang gown! Ipinikit ko ang aking mga mata at napa-upo na rin ako sa sobrang pangingilabot!

Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari sa akin.
Mukhang... Mukhang ito na ata ang epekto ng... rugby sa katawan ko.

***

Simula kasi noong gumamit ako ng rugby ay nagsisimula na ring magpakita sa akin si Camela. Kaya kailangan ko na rugby dahil iyon lamang ang nagsisilbing pampalakas ko. Kailangan ko nang makahanap 'non sa lalong madaling panahon kundi ay baka tuluyan na akong nasiraan ng bait.

Muli kong idinilat ang mga mata ko at tuluyan nag nawala ang napakaraming mga Camela. "Wag kang mag-alala Camela. Gagamit ulit ako ng rugby para makita ulit kita!"

Hindi ako baliw at hinding-hindi iyon mangyayari sa akin. Sa Camela ang buhay at inspirasyon ko at hinding-hindi ko siya bibiguin.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora