CHAPTER 23 - Mylene

754 37 1
                                    

Napakaliwanag ng buong paligid at wala akong ibang nagawa kundi ang iharang ang aking kaliwang kamay mula sa aking mga mata upang mabawasan ang sobrang liwanag na nakikita ko. Hindi kaya patay na 'ko? Bigla akong kinilabutan at ang pinakahuling pangyayaring natatandaan ko ay nung ako ay mawalan ng malay dahil sa pagiging emosyonal. Upang malaman kung ako ba ay patay na ay dali-dali kong kinurot ang aking mukha nang bigla akong napasigaw ng malakas! "AWWWWWW!"


Ang ibig sabihin 'non ay hindi pa ako patay! Lumipas pa ang ilang saglit at tuluyan nang nabalanse ang paningin ko. Ang ibig sabihin 'non ay hindi na ako nasisilaw sa sobrang liwanag at nakakatingin na ako ng maayos.

Pinagmasdan ko ang buong paligid at bigla akong nagtaka. Anong klaseng lugar ba 'to? Sa bandang itaas ay mayroong isang pahabang ilaw at matapos non ay napatingin naman ako sa kanang bahagi ng paligid at nakakita ako ng isang maliit na lamesa at sa ibabaw nito ay may isang babasagin na flower vase na may pulang rosas na nakapasok sa loob nito. Sa tabi naman nito ay may isang music player pero hindi ito tumutugtog. Paglingon ko naman sa kaliwang bahagi ng paligid ay may isang nakasaradong pintuan. "Nasaan ba ako?" Kaagad kong binulong sa aking sarili nang dahil sa sobrang pagtataka.


Pinilit kong tumayo upang maglakad patungo sa pintuan pero nang babangon na ako ay bigla akong napasigaw ng sobrang lakas. "ARAYYYYYYY!" Bigla kasi akong nakaramdam ng sobrang kirot at hapdi na nang gagaling sa aking likuran at nang kinapa ko ito ay bigla akong nakaramdam ng isang bagay na nakadikit sa akin. Matapos kong silipin ang aking tagiliran ay saka ko lang nalaman na ito pala ay isang benda.


Habang pinipilit ko pa rin na bumangon ay mas lalo akong napasigaw ng sobrang lakas. "ARAYYYYYYYYY!" Hindi ko na kinaya ang sobrang sakit at tuluyan na akong napaiyak. Hindi ko akalain na nagawa ko paring maglakad patungo kay Charmaine kahit na duguan na ang aking likuran.

Bigla akong nakarinig ng napakalakas na mga hakbang na nanggagaling sa mula labas ng pintuan at bigla naman akong kinabahan ng sobra. Habang tumatagal ay mas lumalakas pa ito at paglipas ng ilang segundo ay narinig kong may nagbubukas na nang pintuan. "WAG! PAKIUSAP! WAG!" Bigla akong napasigaw dahil sa sobrang takot. Kinuha ko ang isang unan at ipinangtakip ko ito sa aking mukha. Tuluyan ko nang narinig ang pagbukas ng pintuan at hindi ko sila kayang tignan dahil baka saktan din nila ako.


"Gising na siya!" Wika ng isang lalaki. "Oh my God! Nagkamalay na siya!" Wika naman iyon ng isang babae. "Painumin niyo siya ng tubig." At wika naman iyon nang isa pang lalaki. Sa sobrang kaba ay hindi ko mapigilan ang mag-makaawa sa kanila kahit na narinig ko na ang kanilang mga boses. "WAG NIYO AKONG PATAYIN! MAY MGA ANAK PA 'KO!"


Matapos kong sumigaw ay bigla akong nakaramdam ng isang kamay na humawak sa balikat ko. "Ligtas ka na. At hindi ka namin sasakt..." Hindi na ako nakatiis pa at ang unan na nakaharang sa mukha ko ay bigla kong naibato sa kanila. "AYOKO PANG MAMATAYYYY!"


Kasabay naman ng pag-bato ko sa kanila ng unan ay bigla ulit akong nakaramdam ng kirot mula sa aking likod. "AHHHHHHH!" Hindi ko iyon kinaya at muli nanaman akong napasigaw!


"Diyos ko! Na-trauma siguro ang babaeng 'to sa nangyari sa kanya kanina." Wika iyon ng isang babae. Kahit na wala na ang unan na ipinanghaharang ko sa aking mukha kanina ay nakapikit pa rin ako. Hindi ko sila kayang pagmasdan dahil hindi ko na alam kung sino pa ba ang mga pagkakatiwalaan ko. Habang nakapikit pa rin ako ay biglang pumasok sa isipan ko si Ailee. "Si Ailee? Nasaan na si Ailee? ILABAS NIYO SIYA! O BAKA NAMAN PINATAY NIYO NA SIYA!" Muli akong nakaramdam ng isang haplos mula sa ulo ko. "Ligtas si Ailee. Patungo siya ngayon sa ferris wheel para iligtas ang sanggol. At ang sabi niya sa amin, ang sanggol daw na 'yon ay kilala niya."

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now