CHAPTER 13 - Ailee

1.2K 55 16
                                    

Habang tinatahak ko ang daan patungo sa Concert Grounds at unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko. Naisipan ko na labas ng mall maglakad dahil kung sakaling may makita akong ibang tao ay mabilis akong makakapagtago o makakatakas. Kaya gumagaan ang pakiramdam ko dahil sa sampung minutong paglalakad ako ay wala pa rin akong nararamdamang kakaiba o nakakatakot. Tanging ang mga tunog lamang ng kuliglig ang naririnig ko at pakiramdam ko rin ay wala ako sa laro kung saan ang mga kasali ay nagpapatayan na parang mga aso't pusa.

Pinagmamasdan ko ngayon ang kalangitang punong-puno ng mga bituin habang kumakain ng chichiryang nakuha ko sa vending machine kanina. Ang stun gun naman ay hindi ko pa rin binibitawan simula nang makuha ko ito sa ilalim ng inidoro. Mas lalo akong naging alerto at hinding hindi na ako magdadalwang isip na muli itong iputok kung sakaling may sumugod nanaman sa akin upang paslangin ako.

Ang tunog ng mga kuliglig ay mas lalong lumalakas habang dinadaanan ko ang mga matataas na puno patungo sa Concert Grounds. Ang mga street lights naman ay ang nagsisilbing liwanag sa napaka tahimik at napakalawak na daanan.

Tumalikod ako upang pagmasdan ang itsura ng mall sa di kalayuan at bigla akong napahinto. Ano yon? Agad kong itinanong sa aking sarili sa pamamagitan ng aking isip. May isang napaka kapal kasi na usok ang nanggagaling sa isang gusali ng mall. Siguro... Baka may nasusunog na isang bahagi ng gusaling 'yon at kung tama ang hinala ko, baka isa sa mga manlalaro ang gumawa nito. Bigla kong naalala na wala palang rules ang larong 'to at maaari naming gawin ang lahat ng mga bagay upang kami ay manalo. Sa sobrang kapal ng usok ay natatakpan na ang iilang mga butuin sa kalangitan at sa sobrang lakas nito ay para akong nakakita ng usok na nanggagaling sa isang bonfire.

Hindi ko nalang siguro dapat pansinin ang bagay na 'yon dahil kailangan ko pang tahakin ang Concert Grounds. Siguro ay napapaisip kayo bakit sa concent grounds kong gusto magpunta. Siguro ay iniisip niyo rin kung bakit hindi ako magtago sa loob? Ang totoong dahilan ay mas gumagaan kasi ang pakiramdam ko sa tuwing ako ay nananatili sa mga malalawak na lugar, nakaka-hinga ako ng mas maluwag at pansamantala ding nawawala ang takot sa puso ko. Muli akong humarap sa aking nilalakaran at muli kong ipinagpatuloy ang aking paglalakad. Pero muli nanaman akong napahinto matapos kong makarinig ng isang napakalakas na putok ng baril! Nang dahil putok na narinig ko ay muling bumalik ang kaba sa aking puso. At ang mga ibon na nananahimik lang sa puno ay biglang nagsipag-liparan dahil sa sobrang pagkagulat.

Lumipas pa ang ilang minuto at ang akala ko ay tapos na ang gulong naririnig ko sa di kalayuan pero muli nanaman akong nakarinig ng isang nakakagulat na tunog! Isang napakalakas kasi na pagsabog ang nanggaling rin sa usok ang agad kong narinig!

"Mukhang may isa talagang tao ang handang ipanalo ang larong 'to." Sa pagkakataong ito ay hindi ko inaasahang mag-sasalita dahil sa sobrang nerbiyos. Nang dahil sa sobrang takot ay naisipan ko nang tumakbo upang mabilis akong makalayo at walang makakita kung sakaling may isa nanamang mamamatay tao ang biglang sumugod sa akin.

Binilisan ko ang pag-takbo hanggang sa nakarating na 'ko sa lugar kung saan may napakalawak na damuhan. Ito ay ang Concert Grounds. Nakakapanibago ang lugar na 'to dahil ang Concert Grounds ay nagiging isang Parking Lot nalang kapag walang... Concert. Naaalala ko pa ang ikinukwento sa akin ni Tita Jessie noong nabubuhay pa siya na noong kabataan raw niya ay mahilig siyang manuod ng concert dito. Ang pinakapaborito niya raw na bandang napanuod dito ay ang grupong eks... ek... EXO na pumunta dito noong 2019.

Sa tuwing walang concert ay napupuno ito ng mga sasakyang nakaparada pero ang parking lot na 'to ngayon ay parang isang football field dahil wala kang ibang makikita kundi ang mga damo. Walang ni-isang sasakyan o motorsiklo ang nakaparada at sa tingin ko rin ay madali akong makikita nang kung sino man sa lugar na kinatatayuan ko. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa natanaw ko mula sa aking kinatatayuan ang napaka-taas na Ferris Wheel sa di kalayuan.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now