CHAPTER 11 - Top

1.1K 58 18
                                    

"Maawa ka sa'kin. Pakiusap..." Hindi pa rin siya tumitigil sa pakikiusap sa akin. Siguro ay mga limang beses na niyang inulit-ulit ang mga katagang 'Pakiusap' habang ang kanyang mga kamay ay nanginginig. Mukhang hindi ko na siya dapat pang saktan at siguro ay dapat iwanan ko nalang din siya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng awa sa ibang tao. Bihira lang akong maawa dahil simula nang naging palaboy ako ay puro kasamaan na ang mga ginagawa ko.

"Hindi ko... kayo sasaktan." Bigla akong nakaramdam ng parang kurot sa aking puso matapos ko ito sabihin sa matandang nagmamaka-awa sa akin. "Salamat iho... Pagpalain ka sana." Napa-ngiti na lang ako sa kanya at hindi na ako sumagot pa.

Tumalikod ako at naisipan kong umalis na lang sa department store nang bigla naman akong nakarinig ng napakalakas na putok ng baril galing lang sa aking likuran! At nang pagharap ko ay bigla akong nagulat matapos kong makita ang matandang nginitian ko kanina lang ay patay na ngayon!

Nanlaki ang mga mata ko at nakita ko rin sa aking likuran ang lalaking may damit na number 20 na may hawak na baril. At ang baril nito ay nakatutok na sa akin ngayon!

Sa sobrang galit ko ay hindi na ako nagdalawang isip na sugurin ang hayop na lalaking pumatay sa walang kalaban-laban na matanda! Wala akong pakielam kung tamaan man ako ng bala galing sa kanyang baril pero sa sobrang bilis ng pagsugod ko sa kanya ay huli na ang lahat bago pa niya iputok ang baril! Tumalsik ito sa di kalayuan at pinag-sasapak ko siya hanggang sa mamula na ang kanyang buong mukha!

Bigla naman siyang may kinuhang isang lapis mula sa kanyang bulsa at itinusok niya ito sa tagiliran ko! "AHHHHHHH!" Napasigaw ako sa sobrang sakit at agad akong napa-atras hanggang siya ay nakatayo na at biglang tumakbo ng napakabilis papalayo sa akin. Agad akong bumangon at ang lapis na nakabaon sa aking tagiliran ay agad kong tinanggal at itinapon. Nakikita ko na tumatakbo pa rin siya papalayo pero hindi pa ako tapos, hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti sa kanya!

Pinilit kong tumakbo upang habulin siya hanggang sa nakita ko ang kanyang baril! Sa sobrang pagmamadali siguro niya ay hindi na niya naisip pang kuhain at pulutin ang kanyang baril. Ang dugo naman sa tagiliran ko ay tuloy-tuloy pa rin sa pagpatak. Wala itong tigil kaya wala akong nagawa kundi takpan ito gamit ang aking kaliwang kamay. Mabilis kong dinampot ang baril at agad akong tumakbo upang habulin siya.

Hindi pa ako tapos sa'yo. Yan ang mga katagang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Isa siyang animal! ANIMAL! Hindi ko ininda ang sakit at tuloy-tuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa naaninag ko na siya.

Hindi pa ako tapos sa'yo. Nakita ko na bigla siyang nadapa. Siguro ay dahil ito sa sobrang sakit ng pag-suntok ko sa kanya. Nang dahil doon ay mas nagkaroon ako ng pagkakkataon na maabutan siya. Gusto ko siyang paslangin bilang pagganti! GUSTO KONG GUMANTI! GUSTO KO SIYANG PATAYIN!

Hindi pa ako tapos sa'yo. Tuluyan ko na siyang naabutan at mukhang alam niya na nasa likod na niya ako kaya agad siyang bumangon at muling tumakbo. "WAG MO AKONG... PATAYIN! PAKIUSAP... ANG GUSTO KO... LANG NAMAN AY... MANALO!" Bigla siyang sumigaw at alam kong para sa'kin 'yon.

Hindi pa ako tapos sa'yo! Nakita ko na tumatakbo siya patungo sa loob ng dressing room pero bago pa siya makapasok sa loob ay tuluyan ko na siyang naabutan. "HAYOP KAAAA!" Sumigaw ako na parang katapusan na ng mundo at matapos non ay agad kong ipinutok ang baril hanggang sa siya ay tuluyan nang humandusay.

Tinamaan siya sa likurang bahagi ng ulo at mukhang patay na rin siya. Pero hindi pa rin ako nakuntento sa ginawa ko. Hindi pa ako tapos sa'yo. Hindi pa rin gamagaan ang pakiramdam ko at unti-unti akong naglakad papalapit sa kanya. Itinutok ko ang baril sa kanyang ulo at muli ko itong ipinutok! Nang dahil doon ay tuluyan nang nawasak ang kanyang bungo at ang kanyang utak ay nakikita ko na. Ang dugo naman galing sa kanyang ulo ay wala nang tigil sa pag gapang sa tiles.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now