CHAPTER 20 - Top

877 38 21
                                    

Makalipas lang ng ilang saglit ay hindi ko na muling narinig pa ang boses ng babae na kasing boses talaga ni Camela. Alam kong matagal na siyang lumisan pero hinding-hindi ko pa rin talaga nakakalimutan ang napaka-anghel niyang boses. Hanggang ngayon ay tumatatak pa rin sa isipan ko ang mga katagang sinasabi niya sa akin sa tuwing gabi bago ko siya patulugin. "Mahal kita Kuya Top. Good night."

Si Camela ang pinaka-unang taong tumawag sa akin ng ganung klaseng pangalan. Kaagad ko siyang tinanong kung bakit ito ang naisipan niyang itawag sa akin. "Teka lang Camela. Bakit Top? At saan mo naman nalaman yan?" Bigla akong nginitian ni Camela at mabilis niya akong sinagot. "Ehh kasi naman kuya. Si Mama kasi. Noong kapanahunan daw niya ay mahilig siya sa grupong Bimbang at tinanong ko siya kung sino ba ang kanyang paborito kahit na wala akong alam sa bimbang na yun. Ang sabi niya ay si Top daw."

"Bigbang Camela. Bigbang yun." Bigla namang natawa si Camela at simula non ay Top na talaga ang tinawag niya sa akin hanggang sa maging palayaw ko na 'to.

Noong tuluyan nang lumisan si Camela ay nalungkot talaga ako ng lubusan dahil namatay siya nang hindi man lang dinala sa hospital. Bukod kasi sa napaka-mahal na singil ay karamihan na rin ng mga doktor ay pumupuslit patungo sa ibang bansa upang doon na manirahan. Pero sinisisi ko pa rin talaga ang mga walang kwenta kong magulang dahil tina-trato nila kami ni Camela na parang hindi nila tunay na mga anak. Minsan ay nagtatanong ako sa isip ko. Ampon lang ba kami?

Matagal ko nang alam ang Camp Horizon, noong bill pa lamang ito ay marami na agad ang tumututol pero nang idineklara na ng presidente ang Martial Law noong 2042 ay kaagad na naging sobrang magulo ang buong Pilipinas. Inamin ng Presidente na siya ang gumawa ng Camp Horizon Bill at nabigla talaga ang lahat ng mga mamamayan sa buong bansa.

Kagaya ng sinabi ko kanina. Naging sobrang gulo din ng buong Metro Manila matapos ipatupad ang Martial Law. Kaliwa't kanan ang mga protesta na patalsikin ang Pangulo pero dahil ang mga militar ang nagsisilbing batas sa buong siyudad ay wala nang nagagawa pa ang mga inosenteng mamamayan.

Sa tuwing may nagaganap kasi na rally ay kaagad na dumarating ang mga militar o ang City Police upang paulanan sila ng mga bala. Palagi rin nilang inuulit ang mga katagang "Pasensya na. Utos lamang sa amin 'to ng Presidente at kung blah blah blah blah..." Minsan ay naririndi na rin ako pero wala naman talaga akong pakielam sa kanina at mas lalo na sa patapon na bansa na 'to.

Naaalala ko pa ang pinaka-matinding rally na nangyari noong 2043. Iyon ay ang dumugin ng mga sibilyan ang Quezon City Circle upang magdaos ng isang malawakang panawagan sa Presidente na itigil na ang Martial Law. Naaalala ko pa na nanonood lamang ako sa telebisyon at nakita ko roon na napakaraming mga bata, matatanda, at kung sinu-sino pang mga Pilipino ang naki-isa sa pagpapa taksik sa kanya.

Ang mataimtim sana na panawagan ay napalitan ng kaguluhan matapos dumating ng mga City Police sa Circle. Pero hindi ko alam na may mas malalim pa pala talagang dahilan kung bakit sa Circle ang napili nilang lugar na pagdadasuan ng rally... iyon pala ay dahil gusto nilang paguhuin at pasabugin ang napakataas na Quezon Memorial Shrine kung saan nakahimlay ang katawan ng dating pangulo na si Manuel L. Quezon. "MS. PRESIDENT! ISA KANG BALIW! ITIGIL MO NA ANG KABALIWAN MO KUNDI AY MAS MARAMI PA KAMING PAPAGUHUING MGA LANDMARKS DITO SA METRO MANILA!" At kaagad kong napanuod sa telebisyon kung paano gumuho ang napakataas na Memorial Shrine at kasabay non ay ang pagbabaril ng mga animal na City Police sa mga inosenteng mga tao. Ang lahat ay nagsisipag-takbuhan habang ang iilan naman ay nagsisigawan na parang katapusan na ng mundo.

May iilang mga nakaligtas sa pamamaril ang nagsabi na hindi nila alam na ganon pala ang balak ng namuno sa malawakang rally. Marami ang mga namatay kabilang na ang namuno sa kanila.

Kahit ano pang rally o panawagan ang gawin ay wala na talagang pagbabagong nangyayari. Parami pa ng parami ang mga namamatay at mas lalo na ring humihirap ang bansa. Napakaraming ipinatupad na bagong batas na ikigulat talaga ng marami (kabilang na ako).

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now