CHAPTER 38 - Ailee

600 28 0
                                    

Mabuti na lamang at may ilaw ang basement at nang dahil 'don ay mas naging maliwanag ang lugar. Humakbang pa ako sa hagdanan patungo sa ibaba hanggang sa nakita ko ang isang napakalaking tangke sa dulo ng basement at ang nasa itaas naman nito ay may nakasulat na FUEL TANK. "At ano naman ang ginawa ni Beatriz dito? Nakakapagtaka talaga." Mas lumapit pa ako sa fuel tank at nang paglingon ko sa likurang bahagi nito ay bigla akong nagulat! Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko! "DIYOS KO! TOTOO BA 'TONG MGA NAKIKITA KO?" Isang timebomb kasi ang nakadikit sa mismong fuel tank at sa loob lamang ng labing-walong minuto ay sasabog na ito. Tinignan ko naman ang metro na nakalagay sa gilid ng fuel tank at nalaman ko rin na puno ang gasolina sa loob nito. "KAILANGAN KONG BUMALIK KINA MYLENE! KAILANGAN KO SILANG PAALISIN DITO SA LOOB NG MALL!"

Sa sobrang pagkataranta ko ay kaagad na akong tumakbo papalabas ng basement. Mas binilisan ko pa ang paghakbang ko sa hagdanan at nang pagkarating ko sa Exit ng basement ay biglang sumulpot si Beatriz sa harapan ko! Hindi ko mapigilan ang magulat at hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at sa tingin ko ay alam na niya na sinusundan ko siya.

"Ohh. Nandito ka pala Ailee?! At ano namang ginagawa d'yan sa loob ng basement?" Mahinhin niyang sinabi. Pero sa sobrang panggigigil ko ay hindi ko mapigilan ang mapasigaw. "Hayop ka Beatriz! Hindi mo na ako malilinlang pa!" Malakas kong sinabi habang hinihingal pa. "Ohh. Bakit mo naman nasabi yan? Ano bang maling nagawa ko sa'yo?" Muli siyang nagsalita ng mahinhin at hindi ko mapigilan ang pagkairita dahil alam kong peke ang tono ng kanyang boses. "Ikaw... Ikaw ang pumatay kay... kay Jimmy at Mang Elwin. Ikaw rin ang naglagay ng timebomb sa simbahan. Alam kong kagagawan mo ang lahat ng 'to. At... At hindi ka magtatagumpay! Kung sino ka man! Isa kang demonyo Beatriz! PUMATAY KA NG DALAWANG TAO PARA LANG SA PERA!" Pero imbes na makinig sa akin si Beatriz ay bigla siyang humakbang papalapit sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapalayo at mapa-atras dahil hindi ko alam kung ano ba ang kaya niyang gawin sa akin. Nakapatay na siya ng dalawang tao at alam kong kaya niya ulit itong gawin para makuha ang malaking premyo. "Apat Ailee. Actually, apat na ang napatay ko. Isama mo na yung walang kamuang-muang na bata na ginilitan ko ng leeg at yung matandang pinugutan ko ng ulo. Ano? Masaya ka na bang malaman na nakapatay ako? Pero wag kang mag-alala Ailee. DAHIL IKAW NA ANG PANGLIMA!"

AT BIGLA NIYA AKONG SINUGOD UPANG SAKALIN!

Napasigaw ako ng malakas at sa sobrang lakas ng pagkakasakal niya sa akin ay bigla akong napahawak sa kanyang damit at saka ako natalisod at nagpagulong-gulong ako sa hagdanan habang kasama siya. "AHHHHHHHHH!"

Parang hindi siya babae kung sumakal!

Parang isa siyang lalaki at hindi ako makalaban sa kanya! "PAPATAYIN KITAAAAAAA!" Pasigaw niyang sinabi!

Pinilit ko siyang labanan pero kahit anong gawin ko ay wala akong magawa dahil nakapatong siya sa ibabaw ko habang sinasakal pa rin ako. Hindi ako makahinga at naninilim na rin ang paningin ko!

At saka ko naalala ang kutsilyo na nasa bulsa ko!

Kinuha ko ito at nang isasaksak ko na sa kanyang tagiliran ay bigla niya itong nakita at saka siya binitawan ang pagkakasakal sa akin upang agawin ang kutsilyo! Matagumpay niya itong nakuha at bigla niya itong inihagis sa lugar na hindi ko na nakita pa! "HINDI MO AKO MAPAPATAY AILEE! DAHIL AKO ANG PAPATAY SAYOOOO!!!" Muli niya akong sinakal at mas lalo nang naninilim na ang buong paningin ko! "AHHHHHHBEATRIZZZZZMAAWAKAAAA!"

Bago pa man ako malagutan ng hininga ay muli akong nakaisip ng isa pang paraan. Iniangat ko ang kaliwang tuhod ko at tumama ito sa pagitan ng dalawa niyang tuhod. "ARAYYYYY!" Napasigaw siya ng malakas at nabitawan niya ang pagkakasakal sa akin! Nang dahil doon ay nagkaroon na ako ng pagkakataon upang gantihan siya! Sinapak ko siya ng napakalakas hanggang sa bigla siyang napa-atras. Kaagad akong bumangon pero kasalukuyan pa ring nananakit ang leeg at batok ko dahil sa kanyang pagsakal sa akin. Muli ko siyang sinapak hanggang sa dumugo na ang kanyang ilong! "HINDI KA MAGTATAGUMPAY BEATRIZ... TALO KA NA!" At muli ko siyang sinipa ng napakalakas hanggang sa nagpagulong-gulong na siya sa nalalabi pang hagdanan. Tuluyan na siyang humandusay at mukhang patay na siya!

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now