CHAPTER 8 - Ailee

1.2K 63 8
                                    

Napakabilis ng tibok ng puso ko. Parang ayoko nang lumabas sa banyong 'to dahil sa sobrang kaba. Diyos ko! Kung sino man ang lalaking 'yon ay mukhang gusto talaga niyang ipanalo ang walang kwentang laro na to! Sa tingin ko rin ay tuluyan na siyang nakalabas ng arena at mukhang hindi rin ako makakapagtago sa lugar na 'to ng pang habambuhay dahil kailangan ko nang kumain.

Agad akong tumayo at nang bubuksan ko na ang pinto ay biglang nahulog ang mga gamit sa shoulder bag ko. NAKU PO! Ang flashlight at gumulong patungo sa kaliwang cubicle at mukhang kailangan ko itong kunin.

Pinulot ko muna ang mga iba ko pang gamit at muli ko itong ipinasok sa aking shoulder bag. Binuksan ko ang pintuan ng banyo at agad akong nagtungo sa kaliwang cubicle. Unti-unti kong binuksan ang pintuan at mabilis kong nakita ang flashlight sa gilid ng bowl.

Lumuhod ako upang kunin ito at agad ko nang ipinasok sa shoulder bag. Pero bigla akong napatigil dahil may isang bagay akong napansin sa likod ng inidoro. Sinilip ko ito at saka ko kinuha kung ano ba ang bagay na 'yon. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala sa bagay na nakuha ko.

Isa itong Stun Gun at mukhang malaki ang maitutulong nito sa'kin sa ganitong klaseng sitwasyon. Kapag natamaan ka kasi ng bala nito ay mabilis kang makakatulog. Imbes na ipasok ko ito sa aking bag ay hindi ko na ito binitawan pa bilang proteksyon sa aking sarili. Muli akong tumayo habang hawak-hawak pa rin ang stun gun at dahan-dahan akong lumabas ng arena.

Mas lalo ko na ring nararamdaman ang gutom habang tumatagal. Kailangan ko nang makahanap ng lugar na makakainan upang hindi maubos ang lakas ko. Parang nagdadalawang isip akong lumabas sa arena dahil natatakot ako sa mga bagay na maaaring mangyari. Muling kumalam ang aking sikmura at mukhang hindi na ako makakapaglakad pa nang malayo.

Umupo ako sa sahig ng lobby at naisipan kong itulog nalang 'to. Ganon kasi ang palagi kong ginagawa kapag dumarating ang puntong nagugutom ako. Sa tuwing gigising naman ako ay tuluyan nang mawawala ang aking pagka-gutom.

Bago ko ipikit ang aking mga mata ay bigla akong nabuhayan ng pag-asa. Sa bandang gilid kasi ng lobby ay may vending machine kung saan ay maroong iba't-ibang uri ng mga chichirya at chocolate ang naka-display. Pinilit kong tumayo at unti-unti akong naglakad patungo sa vending machine upang kumain, pero nang binasag ko ang salamin na nakaharang sa dispenser ay hindi ko ito magawa! Napakatibay kasi ng salamin at mukhang hindi ito mababasag sa isang hampas lang.

Agad naman akong nag-isip ng paraan upang mabuksan 'to. Lumingon ako sa likuran at saka naman ako nakakita ng isang upuan na gawa sa kahoy. Mabilis akong naglakad patungo dito at dali-dali kong kinuha ang upuan. Binuhat ko ito at bigla kong inihagis sa vending machine!

Mabilis na nabasag ang salamin at ang bubog nito ay nagkalat sa iba't ibang bahagi ng sahig. Agad kong kinuha ang mga chichirya at inilagay ko ito sa aking bag at ang isang chichirya naman ay binuksan ko upang kainin. Mabilis akong nabuhayan ng pag-asa at mukhang hindi pa katapusan ng buhay ko. Ang pagkagutom ko naman ay agad na nawala, salamat sa pagkain na nakita ko.

Pero hindi pala 'yon ganoon kadali...

Matapos ko kasing kuhain ang mga chichirya sa vending machine ay agad na tumunog ng napakalakas na security alarm. "INTRUDER ALERT. INTRUDER ALERT." Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako mapakali. Mukhang naka handa na ito kung sakaling may mga taong magnanakaw ng pagkain. Mukhang kailangan ko nang maka-alis sa lugar na 'to bago pa mahuli ang lahat!

"INTRUDER ALERT. INTRUDER ALERT." Tumakbo ako patungo sa labas ng arena at wala na rin akong pakielam kung may tao man ang makakakita sa'kin. Nakarating ako sa bus na pinanggalingan ko kanina at mabilis akong pumasok sa loob nito upang magtago. Sumilip naman ako sa bintana upang tignan ang arena.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon