CHAPTER 16 - Mylene

908 43 10
                                    

"Makaka-alis na tayo dito." Matapos kong sabihin 'yon ay bigla akong napangiti. Si Kenneth naman ay parang takot pa rin hanggang ngayon matapos nang pangyayari kanina. Hindi kami makapaniwala na may isa palang traydor sa kanilang samahan. Hindi ko masikmura ang kalunos-lunos na nangyari sa babaeng may pangalang... Hansel?

Pero sa tingin ko ay dapat lang 'yon sa kanya dahil sa kanyang katangahan.

"Mag-ingat dapat tayo sa paglalakad papunta sa bus. Baka biglang may makakita sa atin at baka barilin tayo." Si Charmaine ay mukhang kinakabahan matapos niyang mag-salita. "Pag-bilang ko ng tatlo. Sabay-sabay tayong tatakbo patungo sa bus. Wag kayong gagawa ng kahit anumang ingay upang walang makahalata sa atin." Wika ni Crezelda na nanutok sa akin ng baril kanina.

Lumingon ako sa iba pa naming mga kasama kung sila ba ay handa na. Sa tingin ko naman ay mukha na talaga silang handang tumakbo patungo sa Terminal.

"Isa." Hinawakan ko ang kamay ni Kenneth at tinitigan ko siya. "Wag kang mag-alala. Tatakbo lang tayo papunta dun." Sabay turo sa bus. "Kinakabahan po ako." Sagot niya. Nginitian ko si Kenneth at agad kong sinabi sa kanya na wag siyang matakot. "Wag kang mag-alala. Walang mangyayaring masama."

"Dalawa." Pinagmasdan ko si Ailee at sa tingin ko ay handa na rin siyang tumakbo patungo sa bus. Si Charmaine naman ay tinitigan ako na parang nakakita ng multo. Kitang-kita ko sa reaksyon ng kanyang mukha na siya ay kinakabahan talaga. Ang iba naming mga kasamahan ay nakatitig sa bus at anumang oras ay handa na rin silang tumakbo ng napakabilis.

"TATLO!"

Mabilis kaming tumakbo patungo sa terminal kung nasaan ang bus. Hindi kami gumawa ng kahit anumang ingay upang walang ibang mga tao ang makakahalata sa amin. Mangangahalati na kami sa pagtakbo nang bigla akong nakarinig ng napakalakas na putok ng baril mula sa di kalayuan!

Ang isa naman sa mga kasamahan namin ay biglang humandusay na sa sahig. Paglingon ko sa aking likuran ay bigla akong nagulat at hindi ako makapaniwala kung sino ba ang tinamaan ng bala!

"Si Crezelda! DIYOS KO! Crezelda!" Biglang napahinto si Charmaine sa pagtakbo at kaagad siyang nagtungo pabalik kay Crezelda na nakahandusay na ngayon s simento. "CHARMAINE! Patay na siya! Kailangan na nating umalis dito!" Si Ailee ang nagsabi 'non at maging siya ay napahinto din sa pag-takbo. Hindi ko na natiis ang mga nakikita ko at maging ako ay napahinto na rin. Binitawan ko ang kamay ni Kenneth at sinabihan ko siya na tumakbo na patungo sa bus. "BILIS! BILISAN MONG TUMAKBO!"

Muli akong nakarinig ng putok ng baril at paglingon sa simento ay dito ito tumama. Mga ilang pulgada nalang ang layo nito sa akin. Mukhang ako na ang susunod na babarilin ng kung sino man na 'yon. Paglingon ko sa bus at saka ko na nakita ang iba pa naming mga kasamahan na tuluyan nang nakarating sa bus. "Charmaine! Kailangan na natin siyang iwanan." Paglingon ko kay Crezelda ay nagulat ako dahil ang bala pala ng baril ay sa leeg niya bumaon. Nakikita ko ang kanyang mga daliri sa kamay na gumagalaw pa, at ang kanyang dugo naman na nanggagaling sa kanyang leeg ay patuloy pa rin sa pag-agos.

Muli nanaman akong nakarinig ng napakalas na putok ng baril pero sa pagkakataong ito ay nakita ko na kung sino man ang taong namamaril at gustong pumatay sa amin. Agad kong hinawakan ng napakahigpit ang aking machine gun na nakuha ko sa lalaking nanunog ng department kanina at agad ko itong itinutok sa nay bandang National Bookstore kung saan ko nakita ang pag-kislap ng baril.

Pero laking gulat ko dahil ang namamaril pala sa amin ay isang babae at may kasama pa siyang dalawang mga babaeng nakasunod lang sa kanya. Sa tingin ko ay mga bata lang sila at mukhang hindi pa nila alam ang kanilang ginagawa!

"Crezeldaaaaa! Hindi ito maaari." Umiiyak si Charmaine at hindi pa rin siya makapaniwalang patay na si Crezelda. Habang papalapit na ang tatlong babae sa amin ay saka ko lang nakita ang damit na kanilang suot-suot. Number 31, 41, at 42. "Mga bata lang sila! Hindi ko silang kanyang patayin!" Mabilis kong sinabi kay Charmaine habang siya ay umiiyak. Pero bigla siyang tumayo at inagaw niya ang machine gun na hawak ko.

"MGA PUTANG INA NIYOOOOOOO!" Itinutok niya ang machine gun sa tatlong batang babae at ipinutok niya ito. "WAHHHHHHH!" Kasabay ng pag-sigaw ni Charmaine ay ang napakalakas na tunog ng baril. Sa sobrang lakas ng machine gun ay mabilis na tumalsik at humandusay ang tatlong batang babae sa lapag. Ang mga salamin naman sa mall ay tuluyan na ring nabasag dahil ang ibang mga bala ng machine gun ay dito tumama.

Tuluyan nang namatay ang tatlong batang babae at sa tingin ko ay mas gumaan na ang pakiramdam ni Charmaine dahil naipaghiganti na niya si Crezelda. "Tara na. Hindi na tayo pwedeng magtagal dito." Boses iyon ni Ailee at kitang-kita ko sa kanyang mukha ang sobrang kaba at takot.

Ang baril naman ay tuluyan nang ibinalik ni Charmaine sa akin. "Salamat. Salamat sa pagpapahiram." Sinabi niya 'yon habang hinihingal. Lumapit siya kay Crezelda at ipinikit na niya ang mga mata nito. "Paalam Crezelda."

Tuluyan na naming iniwan si Crezelda at mabilis kaming tumakbo patungo sa bus. Kaagad kaming pumasok sa loob at ang iba naming mga kasamahan ay nagtatago na rin sa loob ng bus na ito. Si Arianne naman ay nanghihina pa rin dahil sa balang bumaon sa kanya kanina at kaagad ko nang kinuha ang Pain Killer na nakuha ko sa Drug Store upang ipainom sa kanya.

Iniabot ko ito sa kanya hanggang sa tuluyan na niya itong nilunok. "Sino sila?" Mahinang sinabi ni Arianne. "Wag kang mag-alala. Mababait sila, at katulad na'tin. Gusto na rin nilang umalis sa lugar na 'to." Napangiti si Arianne at muli siyang nagsalita. "Mukhang maganda nga talaga ang naisip kong plano kanina." Pinagmasdan ako ang kambal na si Justin at Kris sa tabi ni Arianne at kitang kita ko sa kanilang mga mukha ang kaba. Katulad ng nakita ko sa mukha ni Ailee kanina.

Si Shiela Mae na nasa likod ng kambal ay biglang nagsalita sa akin. "Paano po tayo aalis kung wala naman tayong susi?" Bigla akong napa-isip at hindi ko inaasahan 'yon. Ang bus pala na 'to ay walang susi at mukhang mahihirapan pa kami kung ngayon pa lang namin ito hahanapin.

Biglang nagsalita ang isa naming kasamahan na may suot ng number 8 na damit. Siya ay lalaki at mukhang alam na niya ang solusyon. Lumapit siya sa akin at sinabi niya ang kanyang naiisip. "May naisip akong paraan. Teka, ako pala si Reymark."

"Ano naman ang naisip mo?" Wika ni Ailee. "Hindi na natin kailangan ng susi. At marunong akong mag-paandar ng isang sasakyan sa pamamagitan lang ng pagdidikit ng mga wires na nasa ilalim ng manibela." Agad kong pinapunta si Reymark sa driver's seat upang ayusin ang sasakyan. "Tara. Bilis, ayusin mo na 'to nang maka-alis na tayo dito." Matapos kong magsalita ay kinuha niya ang kutsilyo mula sa kanyang bulsa at pinutol niya ang isang wire. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang ginagawa niya pero lumipas pa ang ilang minuto ay bigla kaming nabuhayan ng loob.

Tuluyan nang napa-andar ni Raymark ang bus at ang iba naman naming mga kasama sa loob ng bus ay biglang nagsipag-palakpakan. "Saan mo natutunan ang bagay na 'yan?" Sa sobrang pagtataka ko ay naitanong ko ito sa kanya at hindi ako makapaniwala sa kanyang sagot.

"Carnapper kasi ang trabaho ko at gawain namin ang mag-nakaw ng sasakyan na hindi namin pagmamay-ari. Pasensya na. Dala lang kasi talaga 'yon ng kahirapan kaya kami nakakagawa ng ganung klaseng bagay." Pero imbes na matakot kami ay pinasalamatan pa namin siya dahil napa-andar niya ang bus.

Lumipas ang dalawanpung segundo ay biglang namatay ang bus! "Anong nangyari?" Bulong ko sa aking sarili. Naglakad ako patungo sa driver's seat at saka ko lang nakita ang dahilan kung bakit namatay ang bus.

"Walang gasolina! Kailangan muna nating mag-hanap ng gasolina para tuluyan nang umandar ang bus na 'to." May isang lalaki ang na nakasuot ng number 3 na damit ang lumapit sa akin. "May alam po akong lugar kung saan makakakita ng gasolina."

"Saan?" Sabay-sabay kaming nagsalita. "Doon sa ilalim ng escalator na dinaanan natin kanina. Nadaanan ko kasi yun pero hindi ko na pinansin pa. Isang balde 'yon at mukhang makakatulong talaga."

"Teka lang Homer, Pero sino naman ang pupunta ulit doon para kunin ang balde?" Wika ni Charmaine. "Ako nalang din po." Muling sinabi ng lalaking nakasuot ng number 3 na damit na si Homer. "Sige, mag-ingat ka Homer. Dalhin mo 'tong machine gun ni Mylene at bumalik ka agad." Matapos kong i-abot ang aking machine gun kay Homer ay tuluyan na siyang bumaba ng bus na mag-isa lang. Pinagmasdan namin siya hanggang siya ay tuluyan nang nakalayo.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now