CHAPTER 32 - Mylene

555 31 2
                                    

Kitang-kita ko sa kanilang mga mukha na sila ay gutom na gutom na talaga. Maging ako ay hindi na rin mapigilan na mas lalong masabik sa inihain ni Beatriz na sopas. Sabay sabay kaming umupo sa isang napakahabang lamesa at saka ko kinuha ang kutsara upang kumain na. Pero bago ko pa man maidampi ang aking kutsara sa mainit na sopas ay biglang nagsalita si Eddmar. "Teka lang! Bago tayo kumain, magdasal dapat muna ta'yo!"

Muli kong binitawan ang aking kutsara at bigla ring nagsalita si Mikaela. "Oo nga! Magdasal muna tayo dahil minsan lang ang ganitong klaseng biyaya." Pero si Jennica ay nakakain na at hindi mapigilan ni Mang Elwin na madismaya sa kanya. "Mamaya ka na kumain Jennica. Magdasal muna tayo!" Bigla namang sumagot si Jennica na may mahinang boses. "Pasensya na po." Saka niya ibinaba ang kanyang hawak na kutsara.

Ipinikit na namin ang aming mga mata at sinimulan na rin namin ang pagdarasal. Si Eddmar ang nanguna sa pagdarasal. "Uhm. Papa Jesus. Maraming-marami po talagang salamat sa inyo dahil kahit nasa kalagitnaan kami ng dilim ay hinahawakan mo pa rin ang aming mga kamay upang madala patungo sa liwanag. Kahit na napakagulo ng lahat ay nabigyan mo pa rin kami ng pagkakataon upang maging malakas at matatag sa ganitong klase ng sitwasyon. Sana lang ay malagpasan namin ang lahat ng 'to at makatakas na kami sa lugar na'to sa lalong madaling panahon. Sana ay maging ligtas rin ang mga mahal namin sa buhay at sana lang, ang Pilipinas ay maging maayos na muli. Iyon lamang po at maraming salamat sa inyo."

Matapos lamang ng aming pagdarasal ay muli ko nang idinikat ang aking mga mata. Maging ang lahat ng mga kasama ko ay dumilat na rin malibanlang kay Jennica. Kasalukuyan parin kasi siyang nakapikit at hindi kumikibo. Pinagtinginan namin siyang lahat at nagsimula na kaming magtaka. Tumayo si Eddmar sa kanyang kinauupuan at saka siya naglakad papalapit kay Jennica. Pagkarating niya sa tabi ni Jennica ay saka niya ito kinalabit. At sa loob lamang ng ilang saglit ay biglang napahiga at humandusay si Jennica sa lapag at sa sobrang gulat namin ay kaagad kaming nagsipaglapitan sa kanya.

"Anong nangyayari sa kanya?" Wika ni Beatriz.

"Diyos ko po! Anong nangyari kay Jennica?" Wika naman ni Ailee.

At nang paglapit ko kay Jennica habang naka-upo pa rin sa wheelchair ay hindi ko talaga mapigilan ang magulat matapos ko siyang makita. Ang kanyang mga mata ay nakadilat na at kasalukuyang umaagos ang mga dugo galing sa kanyang ilong. Mukhang patay na rin siya!

Hindi ko akalain na mamamatay siya at habang nakatitig pa rin ako sa kanya ay bigla kong naalala ang sopas! Siya ang unang kumain nito at bigla rin siyang humandusay matapos itong kainin. MUKHANG MAY LASON ANG SOPAS!

"Ang sopas! Ang sopas ang dahilan! May lason yan! WALANG KAKAIN NG SOPAS!" Sa sobrang pagkataranta ko ay bigla akong napasigaw ng napakalakas. Mukhang ang lason na inilagay sa sopas ay napakatindi talaga. "Si Beatriz! Si Beatriz ang nagluto ng sopas!" Sigaw ni Mikaela.

"Ano? Pero wala akong nilalagay na kahit anumang lason sa pagkain natin!" Sagot niya. Hindi naman mapigilan ni Mang Elwin ang magduda sa kanya at bigla rin siyang nagsalita. "At paano mo namang mapapatunayan na hindi ikaw ang naglagay ng lason? Paano?"

Lumapit si Beatriz sa kanyang plato at saka niya hinigop ang kanyang sopas. At matapos niya itong kainin ay nag-antay kami ng tatlumpung segundo. Pero pagkalipas 'non ay wala pa ring nangyayaring kakaiba sa kanya. "Ohh. Ano? Magdududa ka pa sa'ken? Bakit ko naman kayo lalasunin! Hindi ako MAMAMATAY TAO!"

At hindi na nakapagsalita pa si Mang Elwin. Pero matapos kong makita ang sinapit ni Jennica ay bigla nang nawala ang gutom ko. Pinagmamasdan pa rin namin ang walang buhay na katawan ni Jennica sa lapag nang bigla kaming nagulat sa mga sumunod na pangyayari.

Bigla kasi kaming nakarinig ng napakalakas na putok ng baril na may kasamang bomba galing sa labas ng simbahan. At base sa tunog, mukhang nanggagaling ito sa malayong lugar. "Ano 'yon?" Tanong ni Eddmar. Bigla namang sumagot si Ailee. "Yung CCTV. Tignan na'tin!"

Kaagad silang nagtungo sa Surveillance room habang ako naman ay naiwang mag-isa. Wala akong nagawa kundi ang pagulungin ang aking wheelchair patungo sa kabilang kwarto at habang pinapaandar ko 'to ay bigla kong nagulungan ang mga daliri sa kamay ni Jennica na nasa lapag pa rin. "Ay Diyos ko!" Sa sobrang pagkataranta ko ay hindi ko talaga mapigilan na sabihin 'yon.

Ipinagpatuloy ko pa rin ang pagpapagulong hanggang sa tuluyan na akong nakarating sa surveillance room at silang lahat ay nakatitig sa napakaraming mga monitors. "Wala namang kakaibang nangyayari sa labas ah! Saan nanggagaling ang putok na 'yon?" Nagtatakang sinabi ni Eddmar. "Tara! Tignan na'tin sa labas!" Wika ni Ailee. "Pero baka delikado! Baka mapahamak pa tayo!" Tugon naman iyon ni Mang Elwin. Pero bigla ring nagsalita si Mikaela. "Tara na! Puntahan na natin! Para malaman talaga natin ang tunay na dahilan."

At saka na kami nagtungo sa labas ng simbahan habang si Ailee ay siyang nagpapa-andar ng wheelchair ko. Pagkatapos buksan ni Eddmar ang pintuan ay saka kami isa-isang nagsipaglabasan. Napansin ko rin na malapit na palang mag-umaga at ang mga bituin sa kalangitan ay tuluyan na ring nawala. Pagkarating ko sa labas ay kasalukuyan ko parin na naririnig ang mga putok ng baril at pagsabog ng mga bomba.

Sa di kalayuan naman ay may namumuong usok pero mukhang hindi ito nanggagaling sa loob ng Mga electric fence. Kung tama man ang hinala ko ay mukhang nanggagaling ito sa labas. "Anong nangyayari?" Wika ni Eddmar.

"Kung tama man ang hinala ko. Mukhang hindi ito nanggagaling sa loob. Mukhang galing ang mga pagsabog na'to sa labas ng Camp Horizon." Sagot ni Mang Elwin.

"Pero bakit naman? At ano naman ang mayroon sa labas at bakit may mga nagpapaputok ng baril?" Tanong ko sa kanilang lahat.

Pero walang nakasagot sa mga tanong ko at nanatili ang lahat na tahimik at walang kibo habang pinapakinggan ang mga pagsabog at pagputok ng baril. Napatingin ako sa langit at napansin ko ang kalangitan na mas lumiliwanag pa ito. Ilang minuto na lamang at lalabas na rin ang haring araw.

At saka ko napagtanto na mukhang ito ata ang kauna-unahang pagkakataon na masilayan ko ang bukang liwayway habang nakakarinig ng mga nakakakilabot na pagsabog.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now