CHAPTER 40 - Ailee

875 38 3
                                    

"Pakiusap. Kung sino ka man... Nagmamakaawa ako! Wag mo kaming papatayin!" Hindi mapigilan ni Mylene ang magsalita at makiusap  kahit na alam kong natatakot rin siya. "Huli na ang lahat. Kahit anong mangyari... Mamamatay rin naman kayong lahat dahil isa lang dapat ang matirang buhay! At ano bang akala niyo? Madadaan lang ako sa pakiusapan? Pwes... Nagkakamali kayo! Wala akong pakielam sa inyong tatlo dahil ang gusto ko lang namang mangyari ay makuha ang premyo! Wag niyo sanang gawing personal 'to dahil ginagawa ko lang naman ang lahat ng 'to para sa pera. Dahil alam kong iyon lang ang makakapagsalba sa buhay ko! IYON LANG!"

Habang kinakasa niya ang machine gun ay bigla siyang napatingin sa akin at muling nagsalita. "At ikaw naman Ailee... Akalain mo nga naman ohh. Sa itsura mong yan?! Tignan mo nga ang sarili mo? Kung titignan ko lang ang mukha mo. Masasabi ko namahina ka talaga! At nagtataka rin naman ako kung bakit buhay ka pa rin hanggang nggayon? Diba dapat... PATAY KA NA?!"

Ano bang pinagsasabi niya? Kung pagmamasdan ko ang kanyang mga mata ay mukhang nababaliw na siya! Namumula ito at parang galit na galit! Nasisiraan na ata talaga siya ng ulo at mukhang hindi na siya magdadalawang isip na patayin kaming lahat! "Please... Maawa ka samin! May mga pamilya pang nag-aantay samin at siguradong nag-aalala na... MAAWA KA!" Nanginginig naman na sinabi ni Eddmar.

"Pamilya? Anong pamilya? Yun ba yung may NANAY AT TATAY? Putang Ina! Kasalanan nila ang lahat ng 'to! SILA ANG MAY DAHILAN KUNG BAKIT AKO NAGKAGANITO! Kaya wala akong pakielam sa mga pamilya niyo dahil MAMAMATAY NA RIN NAMAN KAYO!" Bigla niyang itinutok ang nakakakilabot na machine gun sa aming tatlo at wala kaming ibang nagawa kundi ang maghawak-hawak ng mga kamay! "Paalam na..." Biglang napalingon sa akin si Eddmar at bago pa maiputok ni Patrick ang baril sa aming tatlo ay kaagad na tumakbo si Eddmar patungo sa kanya! DIYOS KO! Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon! BIGLANG BUMILIS ANG TIBOK NG PUSO KO!

"EDDMAR WAGGGGG!" Pero bago pa man siya makarating sa mismong harapan ni Patrick ay bigla nang pumutok ang machine gun! Napapikit na lamang ako at pinilit kong hindi na lamang makita ang lahat! Nagulat ako at hindi makapaniwala! "HINDEEEEEEEEEEEEE!" Muli kong idinilat ang mga mata ko hanggang sa nakita ko na ang buong pangyayari! Biglang humandusay si Eddmar sa lapag at kasabay 'non ang pagtagas ng dugo sa kanyang katawan!

Bigla naman akong napatingin sa bulsa ng pantalon ko hanggang sa nanilim na ang paningin ko sa sobrang paghihinagpis, galis, at pooot! Hanggang sa bigla ko nang kinuha ang baril mula sa bulsa ko at kaagad kong pinaputukan si Patrick! "WAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Napasigaw ako habang nagpapaputok ng baril! Tumama ang unang bala sa kanyang sikmura pero alam kong meron siyang suot sa bullet proof vest kaya muli akong nagpaputok at tumama naman ito sa kanyang balikat! Bigla siyang napaluhod at napahiga hanggang sa nabitawan na niya ang hawak-hawak niyang machine gun.

Hindi na 'ko nag-aksaya pa ng sandali at dali-dali akong tumakbo patungo kay Eddmar. Hinawakan ko ang kanyang leeg at nalaman ko na humihinga pa rin siya dahil pumipintig pa rin 'to. Kaagad kong inangat ang katawan niya at nagulat naman ako sa sobrang dami ng bala na bumaon sa kanyang sikmura. Pinipilit niyang idilat ang kanyang mga mata at saka siya nag-salita.

"Ailee... Tapos na ba?" Pinipilit pa rin niyang ibuka ang kanyang bibig kahit na alam kong nahihirapan na siya. "Oo... Oo! Patay na siya! Ligtas na tayo Eddmar. Makaka-alis din tayo dito sa lalong madaling panahon!" Pero bigla niyang hinawakan ang mga braso ko ng napakadiin at muling nagsalita. "Hindi ko na kaya Ailee... Sobrang sakit... Iligtas niyo na ang sarili niyo ni Mylene dahil... Malapit nang sumabog ang timebomb..."

"Hindi Eddmar! Sasama ka sa'min! Hindi ka mamamatay! HINDEEE!" Pero bigla siyang napatingin sa kisame at saka naluha. "Maraming salamat Ailee... Sa totoo lang... Nagagandahan talaga ako sa'yo... pero nahihiya lang akong sabihin yun... sa'yo." Huminga siya ng napakalalim at saka niya muling ipinagpatuloy ang pag-sasalita. "Sa katunayan nga... Gusto sana kitang ayaing makipag-date kapag nakalabas na tayo dito... Gusto kitang dalhin sa... sa nag-iisang five star restaurant sa Manila..." Mas dumami pa ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata at hindi ko na ring maiwasan ang maiyak. "Eddmar... Maraming-maraming salamat sa pagligtas mo sa akin kanina. Kung hindi dahil sa'yo. Baka patay na 'ko. Hinding-hindi kita makakalimutan hanggang sa mamatay ako!"

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon