CHAPTER 15 - Ailee

963 46 13
                                    

Tuluyan na kaming nakarating sa likod ng Ice Skating Rink kung saan nagtatago ang walo na iba pang mga kasama nila Charmaine at Crezelda. Noong unang beses nila akong nakita at si Hansel ay parang kinakabahan pa sila. "Wag kayong mag-alala. Mababait sila." Wika ni Crezelda. Isa-isa kong pinag-masdan ang kanilang mga damit hanggang sa nakita ko na ang kanilang mga numero sa naka-imprenta dito.

Number 1, Number 3, number 8, number 15, number 23, number 26, number 33, at number 39.

Agad na lumapit sa akin ang lalaking nakasuot ng number 33 na damit at niyakap ako nito. Nabigla ako pero wala na akong nagawa kundi tanggapin ang kanyang yakap. "Wag kang matakot diyan kay Mang Jonel. Ganyan talaga yan, mahilig mangyakap kapag may nakilalang bagong kasali." Pabulong na sinabi ni Charmaine sa akin. "Anong pangalan mo iha? Ako si Jonel. Wag kang mag-alala sa amin dahil mababait naman kaming lahat."

"Ako po si Ailee. Salamat sa pagtanggap sa akin." Napangiti si Mang Jonel at agad naman siyang nagpunta kay Hansel at maging ito ay niyakap niya rin. Muli na siyang bumalik sa lugar na kanyang kinauupuan matapos niyang kamustahin si Hansel. Muli akong lumingon kay Charmaine upang magtanong.

"Anong balak na'tin?" Mahina kong sinabi upang hindi marinig ang aming boses dahil may isa nanamang camera ang nakadikit sa ibabaw ng kisame. "Sa ngayon ay wala pa. Kailangan muna nating mag-isip ng paraan." Sagot naman ni Charmaine.

Lumipas pa ang ilang minuto at tuluyan na akong narakamdam ng ihi. Sa gilid ng ice skating rink ay may isang banyo at mukhang ligtas naman siguro kung iihi ako dito dahil napapalibutan ako ng mga hindi mamamatay tao. "Charmaine." Matapos kong tawagin si Charmaine ay kaagad siyang tumingin at lumapit sa akin. "Bakit? May problema ba?" Ngumiti ako at sinabi ko sa kanya ang aking dahilan kung bakit ko siya tinawag. "Wala naman. Naiihi lang kasi ako eh." Lumingon muna siya sa banyo at saka niya ako sinagot. "Sige... Sige lang. Ligtas diyan. Wag kang mag-alala."

Naglakad ako patungo sa banyo pero nang papasok na ako sa loob ay bigla akong napahinto dahil may isang babaeng nakasuot ng number 39 na damit ang lumapit sa akin bago pa man ako makapasok sa banyo. "Teka lang. May ibibigay ako sa'yo."

"A-ano yon?" Saka niya binuksan ang kanyang shoulder bag at nalaman ko na isang tissue pala ang ibibigay niya sa akin. Iniabot niya ito sa akin at ngumiti. "Salamat sa tissue."

"Nakuha ko lang yang tissue na yan sa kahon. Siya nga pala, ako si Amera, ikaw?" Nginitian ko rin siya at bago pa man ako pumasok sa banyo ay nagpasalamat muna ako sa kanya. "Salamat ulit dito. Ako si Ailee."

Agad na gumaan ang pakiramdam ko. Salamat sa mabuting pakikitungo ni Mang Jonel at Amera sa'kin.

Binilisan ko lang ang pag-ihi at nang paglabas ko sa banyo ay bigla akong nagulat dahil silang lahat kasama na si Amera ay nakatayo na. Mukhang aalis na sila sa lugar na 'to. Bakit parang napaka bilis ata ng pangyayari? Sa tingin ko ay mga isang minuto lamang akong nawala pero parang saglit lang ata silang nagdesisyon.

Kaagad akong tumakbo papalapit kay Crezelda at itinanong ko sa kanya kung ano ba ang nangyayari. "Crezelda, Crezelda, anong nangyayari?"

Kaagad siyang humarap sa akin at sinabi niya ang dahilan sa pamamagitan ng pagbulong. "Aalis na tayo... Makakatakas na tayo... Yung kaibigan ni Charmaine, kasali din pala siya dito sa Camp Horizon, at siya ang naka-isip ng paraan kung paano tayo makaka-alis dito."

Napalingon ako sa bandang likuran ni Crezelda at nakita ko si Charmaine at ang babaeng nakasuot ng number 19 na damit na mukhang kaibigan ni Charmaine na tinutukoy ni Crezelda.

"At paano naman tayo aalis dito?" Walang pumapasok sa isip ko kung ano ba ang dahilan upang tumakas kahit na kanina pa. "Ang bus na nakaparada sa terminal. Ang sinasabi ng kaibigan ni Charmaine ay maaari nating gamitin ang bus upang makatakas dito."

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now