CHAPTER 39 - Top

643 26 4
                                    

Huminga ako ng napakalalim at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa'kin kanina lang. Alam kong matagal nang patay si Camela pero hindi pa rin niya ako nilulubayan at hanggang dito ay binabantayan pa rin niya ako. Hindi ko alam kung normal pa ba ang mga nangyayari sa'kin o baka naman... nababaliw na 'ko.

Napakarami ko talagang mga pinagdaanan simula nang mawala siya maging ang mga magulang ko.
Ilang beses na 'kong nagnakaw.
Ilang beses na rin akong napa-away.
At may iilang beses na rin akong... nakapatay. Pero para sa'kin, ang lahat ng 'yon ay  naging daan upang mas maging matapang akong tao. Nararamdaman ko talaga na malapit na akong magtagumpay sa larong 'to at hinding hindi ako makakapayag na matalo ako! Hindi ako susuko at gagawin ko talaga ang lahat upang makuha ang premyo.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin talaga akong makitang mga tao dito sa Mall of Asia na mapapatay ko. Malakas na ulit ang loob ko dahil habang naglalakad ako patungo sa nakasaradong supermarket ay bigla akong nakakita ng isang machine gun sa gilid mismo ng daan. Dali-dali ko itong pinulot at nalaman ko rin na meron pa pala itong tatlong bala sa loob. "Kung sinu swerte nga naman talaga oh."

Matapos kong makuha ang baril ay napagdesisyunan ko na lumabas muna ng mall dahil mas madali akong makakakita ng mga mabibiktima kung sakali. Kaya naglakad na ako patungo sa labas pero bago pa man ako makatapak sa mismong labas ng mall ay may nadaanan akong isang Bread Shop. May iilang mga naka display na tinapay sa glass shelf at hindi na 'ko nagdalawang isip na basagin ang salamin gamit ang hawakan ng baril upang makuha ang mga tinapay. Medyo nagugutom na rin kasi ako dahil kanina pa 'ko lakad na lakad. "Nakakagutom din palang humanap ng mga mapapatay..." Mahina kong sinabi habang kinakagat na ang napakalambot na tinapay na nakuha ko. Sa di kalayuan ay natatanaw ko na ang Exit at sa mismong harapan nito ay nakikita ko na ang Steel Globe maging ang  malaking signage na TRANSP RT TERMINAL kung saan ang letrang O ay nawawala.

Muli kong ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa muli ko na ring natanaw ang kulay asul na kalangitan. Mas maliwanag na ngayon sa labas at ang liwanag naman araw naman ay dumadampi na sa balat ko.

Isang bagay ang kaagad kong ipinagtaka dahil ang kaninang mga putukan at pagsabog ay wala na ngayon. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Di kaya may Advance Party sa labas ng mga electric fences para sa mananalo? Pero kung ganon. Bakit wala na 'to ngayon? Bakit parang natigil ata ang pagsasaya nila? Ano ba talagang... "TEKA?" At habang kinakausap ko ang isip ko ay bigla akong napatigil at napasalita dahil bigla akong nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril galing sa loob ng mall. Saka ko napagtanto na mukhang meron pang mga natitirang buhay. "Aba... At mukhang may pahabol pa kong supresa ahh." Kaagad kong ikinasa ang machine gun pero bago pa man ako maglakad pabalik sa loob ng mall ay nakarinig nanaman ako ng dalawang magkasunod na putok ng baril. "Mukhang may maaksyong nagyayari dun ah." Habang iniisip ko ang mga bagay na nangyayari sa loob ay mas lalong nangangati ang mga paa ko na maglakad papasok sa loob. "Humanda kayo ngayon!" Hanggang sa tuluyan na akong naglakad papasok sa loob. Hindi ako tumakbo dahil ang hawak kong machine gun ay napaka bigat. Pagkarating ko sa mismong entrance ng mall ay bigla akong may natanaw na mga anino patungo sa akin. Mabuti na lamang at hindi nila ako nakita. Dali-dali akong nagtago sa gilid ng Entrance at inihanda ko na ang sarili ko. Kung sino man ang taong makikita ko ay hindi na 'ko magdadalawang isip pa na patayin siya. Kung sino man siya ay dapat humanda na siya sa bagsik ni TOP.

"Tama yan Top... Ipanalo mo ang larong 'to." Isang mahinang boses ang bigla kong narinig at alam kong galing ito kay Camela. Lumingon ako sa buong paligid pero naman siya. "Oo Camela... Gagalingan kong pumatay para sa'yo!" At lumipas pa ang ilang minuto hanggang sa natanaw ko na ang anino ng tao sa salamin ng Entrance. Mas hinigpitan ko ang paghawak ng machine gun at naisipan kong magbilang ng tatlo upang mas maging matagumpay ako.

"Isa..."
"Dalawa..."
"TATLO!"

At hindi na 'ko nag-aksaya pa ng oras. Kaagad akong bumulaga sa mismong harapan nila pero imbes na sila ang magulat ay AKO ANG NABIGLA! Si... Si Ailee? At yung babaeng dapat pinatay ko na. Maging yung lalaking nangligtas kay Ailee sa Ferris Wheel ay nandito rin!

Akalain mo nga naman ohh... Kung sino pa yung mga mahina. Sila pa yung tumagal. "Sa wakas at nagkita nanaman tayo Ailee. SURPRISE!" At saka ko na itinutok ang nakakamatay kong baril sa kanyang mukha at maging sa mga kasama niyang mahihina.  Kitang-kita ko sa kanilang mga mukha ang kaba ang nerbyos. Ayoko na ring patagalin pa ang mga 'to dahil gusto ko na silang mamatay... NGAYON DIN MISMO!

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now