CHAPTER 22 - Top

720 36 5
                                    

Timingin ako sa kalangitan pero wala pa ring nagbabago. Napakadilim pa rin nito at ang mga bituin lamang ang nagsisilbing palamuti sa walang buhay na natawin. Bigla kong napagtanto na parang may kakaiba sa aking paligid. Napakatahimik kasi at sobrang mapayapa. "Ngayong patay na silang lahat. Mas magiging panatag na 'ko. Hahayaan ko munang makaligtas yang Ailee na yan dahil sa muling makita ko ulit siya sa paligid-ligid, paniguradong dudurugin ko na talaga ang bungo niya."

Para sa akin, ang depenisyon ng salitang kapayapaan ay sa tuwing wala nang mga sagabal sa gusto kong mangyari. Lumingon ako sa buong kapaligiran habang dinadama ko ang kapayapaan. Sa loob ng maraming taon ay ngayon lamang muli ako nakaranas ng napakatahimik na paligid. Yung tipong wala kang ingay na naririnig, wala kang makikitang mga palaboy na nagtatakbuhan sa gilid ng kalsada, at mas lalong wala kang nasasaksihan na mga pulis na pumapatay ng mga inosenteng tao.

Habang naglalakad pa rin ako ay bigla nanamang pumasok sa isip ko si Camela. Bigla ko kasing naalala ang isang bagay na itinanong niya sa akin na hanggang ngayon ay pinagsisisihan kong sanabi sa kanya.

"Kuya Top. May pag-asa pa ba ang bansang natin?" Kahit na alam kong napakaliit nalang ng pag-asang muling maging maayos ang aming bansa ay pinilit ko paring sagutin si Camela kahit na pawang kasinungalingan lamang ang mga sinabi ko. "Ahh... Oo naman Camela. Magiging maayos din ang lahat. May pag-asa pa." Nagsinungaling ako dahil ayokong sumama ang kanyang loob, sa katunayan ay matagal ko nang alam na wala nang pag-asa ang bansang 'to.

Kahit saan kasi ako mag-punta ay wala akong nakikitang dahilan upang magkaroon pa ng pag-asa ang aming bansa. Minsan ay hindi ko rin masisisi ang sarili ko pati na rin ang ibang mga tao na magnakaw dahil kung hindi namin ito gagawin ay hindi kami mabubuhay. Sa duwing dadating ang mga City Police upang manghuli ng mga palaboy ay kaagad akong tumatakbo papalayo upang matakasan sila. Sa mahabang panahon ng pananatili ko sa kalsada ay hindi ko na talaga mabilang kung ilang beses ko na ba itong nagawa. Kung sakali namang ako ang manalo dito sa Camp Horizon ay hindi pa rin naman magbabago ang bansa. Kung sakaling nasa akin na ang pera, bahay, sasakyan, at marangyang pamumuhay ay hindi ko pa rin masasabi na may pag-asa. Dahil kapag lalabas na ako sa napaka gandang mansion na napalanunan ko ay kaagad na sasalubong sa akin ang napakaduming kalsada, madudungis na mga tao, at ang mga taong paniguradong manlilimos na konting tulong.

Kapayapaan? Pero hanggang kailan 'to? Napakatahimik ng buong kapaligiran at hindi ako nakakakita ng maduduming imahe ng bansa pero paano kung muli na akong makabalik sa labas ng mga bakal na alambre na 'to na nagsisilbing rehas. Paano na ang kapayapaan na gustong gusto kong maranasan? Mawawala na ba kaagad?

Sa tingin ko, ang Camp Horizon ang nagsisilbing kalangitan at ang buong siyudad naman sa labas nito ang nagsisilbing lupa. Langit at lupa. Kaya siguro itong tinawag na Horizon dahil ang nagsisilbing harang na alambre ay ang pagitan ng mismong langit at lupa.

Napangiti ako dahil napagtanto ko na kahit papaano ay naranasan ko ang kapayapaan. Kahit na pumapatay ako ng mga taong nananatili sa pesteng lugar na 'to ay naiisip ko pa rin na may kapayapaan kahit na paminsan minsan lang. Bibihira lamang ang ganitong klase ng pagkakataon kaya kailangan ko paring galingan upang matuwa ang kapatid ko na alam kong binabantayan lang ako.

Patuloy pa rin akong naglalakad at natatanaw ko na sa di kalayuan ang napakataas na ferris wheel. Papalapit ako ng papalapit dito sa tuwing humahakbang ako. Napaisip ako kung bakit ako naglalakad papunta sa lugar na 'to hanggang sa naalala ko na si Camela pala ang may gusto nito.

Napakaganda ng mga ilaw na nanggagaling sa ferris wheel at para itong mga Christmas Lights na nagbibigay aliw sa buong paligid. Habang mas papalapit pa rin ako ay natatanaw ko na ang kalsada na kailangan ko munang tawirin papunta sa ferris wheel. Saka ko rin naalala na wala palang ibang mga sasakyan dito at hindi dapat ako mangamba kung ako ba ay masasagasaan dahil alam kong wala namang hahagip sa akin na kotse o kung ano pang klase ng mga sasakyan.

Lumipas pa ang ilang minuto hanggang sa tuluyan na nga akong nakarating sa harapan na bahagi ng ferris wheel. Hanggang sa ngayon ay napakatahimik pa rin ng buong paligid. Sinubukan kong lumingon sa aking likuran upang makita kung may iba pang mga na nakakakita sa akin, pero hanggang sa kasalukuyan ay wala naman. "Ano naman kaya ang gagawin ko dito?" Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako dahil hindi ko pa rin alam kung ano ba ang gagawin ko. Ang boses ni Camela ay hindi ko pa rin naririnig at mukhang kailangan ko nang iwanan ang ferris wheel na 'to dahil baka may makakita pa sa akin. Wala pa naman akong sandata na ipang lalaban sa kanila.

Tuluyan na akong tumalikod sa ferris wheel nang biglang nanlaki ang mga mata ko sa napaka hinang ingay na narinig ko ngayon lang. "Ano yun?" Bulong ko. Ipinikit ko ang aking mga mata upang mas marinig kung ano ba ang ingay na 'yon.

"MAY SANGGOL!" Napasigaw ako dahil ngayon ko lang napagtanto na ang ingay pala na naririnig ko ay iyak ng isang sanggol. Pero saan naman kaya ito nanggagaling? Lumingon ako sa buong paligid pero hindi ko talaga malaman kung nasaan ba iyon? Muli akong humarap sa ferris wheel at mas lumapit ako dito upang malaman kung ang ingay ba ng sanggol na 'yon ay nanggagaling sa isa sa mga kwartong 'to? Pero habang mas lumalapit pa ako sa ferris wheel ay mas lumalakas pa ang iyak ng sanggol na naririnig ko.

Humakbang ako sa hagdanan hanggang sa sinilip ko ang isa sa mga kwarto. Wala akong nakita kundi ang napakaliit na mga upuan sa magkabilang bahagi nito. Pero ang ingay na naririnig ko ay hindi pa rin tumitigil at mas lumalakas pa ito habang tumatagal. Pingmasdan ko ang iba pang mga kwarto ng ferris wheel nang bigla akong nabuhayan ng loob.

Ang kwarto na nasa bandang itaas pa ay gumagalaw at tila parang may laman ito dito sa loob. "Huli ka balbon." Napangiti ako at mukhang may bago nanaman akong mabibiktima. "Kawawang bata. Mukhang ikaw na ang isusunod ko ah." Napangiti ako dahil sa saya. Lumingon ako sa gilid na bahagi ng ferris wheel hanggang sa nakita ko ang isang maliit na cubicle na may nakasulat sa itaas na CONTROL ROOM.

Muli akong tumalikod mula sa ferris wheel hanggang sa naglakad na ako papunta sa Control Room. Lumipas ang ilang segundo hanggang sa tuluyan ko nang narating ito.

Hindi naman ako maka pasok dahil naka-lock ang pintuan. "Ay puta!" Sa sobrang pagka-inis ko ay sinipa ko ng napakalakas ang pintuan hanggang sa nabuksan ko na ito. "Yun lang pala ang katapat mo eh. Gagong 'to..." Naglakad ako papalapit sa mga controls hanggang sa nakita ko ang isang berdeng pindutan. At sa itaas naman nito ay ang SPEED. Pinindot ko ang SLOW at sa bandang ilalim naman ng berdeng pindutan ay mas isang maliit na sticky note. "GREEN FOR START. RED FOR STOP."

Red? Pula? Hinanap ko ang pulang pindutan hanggang sa nakita ko na ito sa kaliwang bahagi ng berdeng pindutan. Inilapat ko ang aking kanang kamay sa berdeng pindutan hanggang sa tuluyan ko na itong pinindot.

Matapos ko itong pindutin ay bigla akong nakarinig ng isang nakakangilong ingay at nang pagsilip ko sa labas ay nakita ko na tuluyan nang umaandar ang ferris wheel. Ang isa namang kwarto na gumagalaw kanina ay tuluyan nang bumababa, "four, three, two, one."

At tuluyan ko nang pinindot ang pulang pindutan hanggang na muli nang huminto ang ferris wheel. "Nandito na ang pinaka hinihintay koooo." Kaya ko iyon nasabi dahil ang kwarto kung saan ko nakita ang gumagalaw-galaw na bagay ay tuluyan nang nasa pinaka ibabang parte ng ferris wheel. Ang iyak naman ng sanggol ay mas lalong lumakas. "Hindi pa ako baliw. Totoo nga ang naririnig ko."

Pagkarating ko sa mismong ferris wheel ay biglang nanlaki ang mga mata ko. Totoo nga ang nakikita ko. Ang salamin na nagsisilbing pagitan sa aming dalawa ay napapalibutan ng isang pintuan na gawa rin sa salamin.

Pinihit ko ang handle ng pintuan hanggang sa tuluyan na itong bumukas. "Yari ka sakin babyyyyyy."

Bigla naman akong napahinto dahil sa isang nakakagulat na sigaw na nanggagaling sa bandang itaas.

"ITIGIL MO YAN!" Si Ailee! Siya nanaman? Hayop talaga siya! Nakasakay siya sa isang jetpack at may hawak na baril! Sa sobrang pagkataranta ko ay bigla kong kinuha ang sanggol upang ipantakot sa kanya.

"SIGE! SUBUKAN MO LANG AKONG PATAYIN KUNDI AY IBABAGSAK KO ANG SANGGOL SA SIMENTO PARA PAREHO NA KAMING MAMATAY!"

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now