CHAPTER 27 - Top

631 33 2
                                    

Putangina talaga. Putanginaaaaaaa! Basang basa ako ngayon at kasalukuyan akong inaanod ng napakaduming tubig dito sa Manila Bay. Mabuti na lamang at marunong ako lumangoy pero kahit na ganon pa man. Hindi ko makayanan ang nakaka-putang inang tubig na halos mainom ko na. Kumampay ako patungo sa mga bato at pagkarating ko doon ay bigla akong nasuka sa sobrang pandidiri. Muli akong lumingon sa napakaduming tubig at sa di kalayuan naman ay mayroong mga electric fences. Mabuti na lamang at hindi ako dumikit o lumagpas sa mga bagay na 'yon.

Teka... Lumagpas? Kung tutuusin ay maaari kong gamitin ang jetpack upang tumakas dito pero kung gagawin ko 'yon ay masasayang lamang ang premyong pinaghihirapan kong makuha. Napakatanga rin ni Ailee dahil hindi niya ginamit ang kanyang utak. Kung gugustuhin man sana niyang tumakas ay maaari na niyang gamitin ang Jetpack. Pero hindi niya ito alam dahil bobo siya. BOBO SILANG LAHAT! Hindi ko talaga gustong umalis sa lugar na 'to dahil napakarami ko nang pinatay na mga tao. Sa tingin ko ay halos ako na ata ang pinaka maraming napatay dito sa Camp.

Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko lalo na't natakasan nanaman ako nung animal na Ailee na 'yon. Napakalawak ng buong Mall of Asia at hindi ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin sila. Sa ngayon ay kailangan ko munang maghanap ng banyo upang makaligo. Nangangalingasaw na rin ang aking amoy at hindi na talaga ako makatiis.

Kasabay ng pagbagsak ko sa napakaruming tubig kanina ay tuluyan ko na ring nabitawan ang baril na hawak-hawak ko. Ngayon ay wala nanaman akong panlaban sa ibang mga tao. Tuluyan na akong naglakad patungo sa loob ng mall.

Pagpasok ko sa loob ay muling sumalubong sa akin ang nakakabinging katahimikan. Sa kaliwang bahagi agad ng entrance ay may isang botique at sa tabi naman nito ay may isang banyo at hindi na 'ko nagdalawang isip pa na pasukin ito. Dahan-dahan akong nagpunta sa Men's Room at nang pagpasok ko sa loob ay kaagad akong nagtaka. "Puro urinal. Nasaan na ba ang shower dito?" Isa-isa kong binuksan ang mga pintuan pero wala pa rin akong nakitang banyo kung saan ay mayroong shower.

Muli akong lumabas sa banyo upang magtungo naman sa Female's Room. Ang lahat ng mga cubicle ay nakasarado malibanlang sa pinaka dulo. Naglakad ako patungo dito hanggang sa napangiti ako. Mayroon itong shower at hindi na 'ko nagdalawang isip na pasukin 'to. Dali-dali akong naghubad kasama na ang bullet proof vest na suot ko. Binuksan ko ang shower hanggang sa dumampi na sa katawan ko ang napakalamig na tubig. "Ngayon lang ulit ako nakaranas ng ganito. Woooh!"

Ang tubig sa buong bansa ay napakamahal na at bibihira na lamang ang lugar na may mga shower. Minsan ay napapaisip ako kung bakit ang Mall of Asia ay mayroon pa ring mga banyo. Sabagay. Malapit na rin namang magsara ang gusaling 'to at kailangan ko nang sulitin ang tubig.

Makalipas pa ng ilang minuto ay tuluyan nang nalinis ang buong katawan ko kabilang na ang mga damit na suot ko. Bigla naman akong napaisip matapos ko muling isuot ang mga basa kong pantalon at vest.

Kailangan ko ulit maghanap ng mga bagong damit dahil maaaring magkasakit ako. Ayokong manalo dito sa Camp Horizon lalo na't kung mayroon naman akong sakit.

Alam ko na! Lalabas nalang akong basa at pupunta kaagad ako sa botique sa tabi ng banyo para maghanap ng mga bagong damit.

Matapos kong maisuot ang aking mga basang damit ay kaagad na akong lumabas sa cubicle. Naglakad akong suot-suot ang basa kong sapatos at nang lalabas na ako sa banyo ay bigla akong napahinto. Isa kasing napaka bahong amoy ang bigla kong naamoy. "Ano yun?" Pabulong kong sinabi. Muli akong humarap sa banyo at napansin kong nakasarado pala ang ibang mga cubicle.

Dahan-dahan akong naglakad at isa-isa kong binuksan ang mga cubicle. Una kong binuksan ang cubicle na pinakamalapit sa lababo at salamin. At nang pagbukas ko dito ay wala naman akong nakitang kakaiba. Kasunod kong binuksan ang katabing cubicle nito.

Dahan-dahan ko itong binuksan at nang pagbukas ko dito ay bigla akong nagulat sa nakita ko! Napa-atras ako hanggang sa hindi ko alam na nakadikit na pala ako sa pader.

Isang taong pugot na ulo ang naka-upo sa inidoro at mayroon siyang suot na damit na katulad ng iba pang mga tao dito. Ang suot niyang damit ay number 46 at hindi talaga ako makapaniwala. Ang buong cubicle ay punong-puno ng mga dugo at halos masuka na rin ako sa sobrang bahong amoy nito. Kaya ko siguro hindi napansin ang mabaho niyang amoy kanina dahil ako din mismo ay mabaho bago maligo. Sigurado naman akong isa rin sa mga tao dito sa loob ang gumawa nito. Pero sino kaya siya? Sino ang taong gumawa nito?

Napaka-bilis ng tibok ng puso ko at kaagad akong tumakbo palabas ng banyo. Pagkarating ko sa labas ay huminga ako ng napakalalim. At nangako akong hindi na muli ako babalik sa banyong 'yon. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko na ang botique na tinutukoy ko kanina.

Pumasok ako dito at dali-dali akong mukuha ng mga damit. Hindi na 'ko namili pa dahil wala naman akong pakielam kung ano ba ang isusuot ko. Matapos kong kumuha ay kaagad na akong pumasok sa dressing room at nang pagbukas ko ng pintuan ay bigla kong nabitawan ang mga damit na hawak ko!

Isang batang babae kasi na may suot na number 7 na damit ang wala nang buhay na nakahandusay sa loob ng dressing room at napansin ko rin na ang kanyang leeg ay may napakalalim na laslas. Nanlaki ang mga mata ko at mukhang iisang tao rin ang gumawa nito at sa taong pugot na ulo sa may banyo. Kung sino man siya. Mukhang magiging karibal ko talaga siya.

Muli akong tumakbo papalayo sa dressing room hanggang sa naisipan kong dito na lamang ako magpalit ng damit sa kinatatayuan ko. Mabilis kong hinubad ang aking mga damit at habang isinusuot ko na ang aking mga bagong damit ay bigla akong napalingon sa kisame. Isang CCTV Camera kasi ang nakadikit dito at kasalukuyan itong nakatutok sa akin.

"Ulol! Wala akong pakielam kung makita niyo ang buong katawan ko!" Sabay turo sa camera.

Sa wakas ay nnakapagpalit na ako ng damit kasama na ang vest. Malinis na rin ako at wala na ang bakas ng napakabahong amoy. Pero hinding-hindi talaga maaalis sa isip ko ang nakita kong mga walang buhay na katawan kanina.

Kung sino man ang gumawa sa kanila nito.

Siguradong malaya pa siyang nakakapag lakad-lakad dito sa Camp Horizon.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now